Chapter 23: The Real Hero

35.8K 869 168
                                    

A/N

Nagpapasalamat ako sa mga taong patuloy na bumoboto lalo na't nagkokomento. Binabasa ko po ang mga comments niyo at yun ang nagsisilbing reason para mag update ako.

BTW, this Chapter has a soundtrack>>>> Entitled The Real Hero by College.

Enjoy Reading!

****************************************

Pabalik-balik ako sa bibig at dibdib ni Jace upang irecover muli ang paghinga niya. Pilit kong ginagawang vacuum cleaner ang bibig ko sa bibig niya upang makadaloy ang hangin mula sa kanyang baga. After a minute, nagkaroon din siya ng malay tao. He coughed a little to fully assure us that he has recovered.

Umangat siya mula sa pagkakahiga. He stared at us randomly na parang nawawala siya.

“Anong nangyari?” tanong niya.

“Pare nawalan ka ng malay ‘nung saluhin mo ‘ko….” apologetic kong sagot.

“Papa Jace akala ko tigok ka na,” pag-aalalang sabi ni Alex. “Buti na lang Minouth to mouth ka ni Kuya..”

“Mouth to mouth?” takang ulit niya.

Lumapit ako kay Jace at nagpaliwanag. “Pare ako ang may kasalanan. Sinalo mo ‘ko tapos nadaganan kita, bigla kang nawalan ng malay. Pasensiya na…”

Ipinatong ni Jace ang kanyang kanang kamay sa ulo. “Naalala ko na. Nablanko ako nung bigla kang nahulog sa ‘kin, tapos wala na kong maalala. Pasensiya na Pre…”

“Ano ka ba, ako nga ang dapat magpasensiya. Sorry Jace. Tara na..” sabi ko sa kanya at agad ibinigay ang aking kamay upang itayo siya sa pagkakahiga. “Ayos ka lang?” sabi ko nang siya’y makatayo.

“Okay na ‘ko Pre wag mo na ‘kong alalahanin,” sabi niya.

Agad kaming tumungong apat sa kung saan nahulog ang Pala mula sa puno.

“Bakit may Palang nakasabit diyan sa puno?” tanong ni Alex.

“Malay ko..” mabilis kong sagot.

“Ayan naman pala e may Pala na ba’t hindi niyo man lang ako sinabihan? Nagpapakahirap akong gamitin ‘tong kahoy na ‘to,” sabi ni Joaquin at agad itinapon ang maliit na kahoy.

“Malay ba naming may Pala diyan? At kung meron man, hindi namin ipapaalam sayo!” sumbat ni Alex.

“Ang sama sama mo talaga. Akala mo kung sino kang kagandahan,” banat ni Joaquin.

“Hahaha… E maganda naman talaga ako?,” sarcastic niyang pagtawa. “E ikaw… Chaka! Manggagantso! Kamukha mo si Chocolate!”

“Magsitigil nga kayong dalawa diyan! Para kayong mga bata! Baka mamaya niyan kayo pa magkatuluyan,” sabi kong pabiro sa dalawa.

How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon