Chapter 38: Lobo

33.3K 764 91
                                    

"Innately, there are qualities in human beings that are always repetitive. There are things like love and hate that are just going to be there forever."

“Tama na ang landian!” sabi ko habang inaalis ang sarili sa pagkakapatong kay Jace habang hinahalikan ang napakalambot niyang labi.

“Ready ka na ba ‘mahal ko’?” sabi niya habang tumatayo sa pagkakahiga.

“Saan?”

“Sa Date natin mamaya…” pangiti niyang sabi.

“No choice…..” biro ko.

Nag climax ‘yung feelings ko para kay Jace ng mga oras na ‘yun na para bang walang taong laman ng puso’t isip ko kung hindi siya lang. Alam kong may itataas pa ang nararamdaman kong ito mamaya dahil sa kauna-unahang exclusive ‘Date’ namin. I’m in love with him, hindi na ako bagito sa ganitong klaseng emosyon dahil ilang beses ko na itong naramdaman sa mga babaeng nakarelasyon ko pero kakaiba ang pag-ibig na  ‘to. Napaka- rare, indescribable, and hard to resist. Napaka bilis ng tibok ng puso ko na para bang kotse na nakikipag karerahan sa lansangan.

**

“Mahal ko ready ka na?” bungad ni Jace habang ako’y nag-aayos ng sarili kaharap ang 6 ft. na salamin.

“Lapit na,” sagot ko.

Lumakad siya patungo sa ‘kin na kitang-kita sa salaming kaharap ko ang paglapit niya. Nuo’y katatapos lang niyang mag-ayos ng sarili.

“Halika…” sabi niya sa ‘kin na inuutusang humarap sa kanya. Inayos niya ang Polo Shirt ko at isinara ang butones sa upper portion ng damit. Habang ginagawa niya ‘yuy hindi ko mapigilang bigyan siya ng napakatamis na ngiti.

“Salamat,” pangiti kong sabi.

“Yan…. ang gwapo mo na,” sabi niya.

“Mas gwapo ka…”

“Hindi.. mas gwapo ka mahal ko,” sagot muli niya.

“Mas gwapo ka. Mas magaling kang mag-ayos kesa sa ‘kin.”

“Hehe…. Ayan nanaman tayo. Para walang away, pareho na lang tayong gwapo.”

Nangiti na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko maramdaman ang pagngalay ng labi ko kakangiti kanina pa. ‘Yung tipong kahit hindi mo kaharap ang mahal mo ay ngumingiti ka sa kawalan. Siguro kung may ibang taong nakakakita sa ‘kin baka pagkamalan pa akong may sira sa ulo. Hindi nga ba? Wala akong maramdaman kundi Love, hindi ko na maramdaman ang pag-aalala at takot dahil naoverwhelm na ako ng “Love”. Masaya ako dahil pareho kami ng nararamdaman na ang tangi naming alam ay mapasaya ang isa’t isa.

How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon