A/N
Para makita niyo ang aktwal na nilalaman ng Scroll, please see the picture at the right side of this story. Hope you will support the story by voting and most specially commenting :)
*****************************************************************
“Pare sandali lang ha? Kukunin ko lang,” sabi ko kay Jace habang nakaupo siya sa kama. Kumuha ako ng upuan pantungtong dahil itinago ko ang ‘Scroll’ sa parteng lagayan ng aking important files sa may Cabinet.
Agad ko itong kinuha nang makapa. Kapansin pansin ang alikabok na nanikit sa plastik na hugis kapsula na nagsisilbing proteksyon sa animo’y lumang dokumento. Ito ang ikalawang beses na nahawakan ko ang Scroll magmula ng ihabilin sa akin ito ni Aling Corazon higit isang taon na ang nakakalipas.
Napatayo si Jace nang makitang tanan ko ang dokumento. “Pare diba eto yung hinahanap mo?” ani ko habang ipinapakita ito sa kanya.
Iniabot ko ang Scroll sa kanya na tila kinikilala muna ang bagay na nagsisilbing mahalagang parte ng pagkatao niya. Inexamine niya muna ito para usisaing mabuti. “Eto nga ‘yung sinasabi ni Mama. Pare paano pala kung hindi kita nakilala? Hindi ko pala makikita ang importanteng dokumentong ito?”
Tila may punto naman itong si Jace ngunit agad ko siyang sinalungat. “Siguro hindi naman ipagagawa ni Aling Corazon na ipahanap sayo ‘yan kung imposible mo talagang mahanap.”
Ibinalik niya ang tingin sa kapsula at maya-maya’y agad niyang tinanggal ang takip at hinila ang ‘Scroll’ palabas na animo’y lumang Mapa ng natatagong kayamanan. Dahan dahan niya itong binuklat horizontally, pansin kong tila napasimangot ang mukha niya sa nakita. Para siyang nakatikim ng napakaasim na suka sa hindi maipaliwanag na dahilan.
“Pare anong nakasulat?” takang tanong ko. Agad ko siyang nilapitan upang tingnan rin ang nilalaman ng ‘Scroll’ na ‘ yun. Namangha ako sa nasaksihan na halos magpatayo ng balahibo ko sa buong katawan. Noong una, akala ko’y Last Will ang nakasaad sa naturang dokumento, ‘yun pala’y isa itong “Treasure Map”. Nakaka-excite kung tutuusin pero ang wirdo lang nang pagkakalahad dahil imbes na specific direction ang nakasulat, more on vague pictures and clues ang nakasaad dito.
Nakasisiguro akong kayamanan nga ang nakapaloob sa misteryosong ‘Scroll’. Maaaring limpak limpak na salapi, mga brilyantes o iba’t ibang mamahaling bato. Yung tipong napapanood ko sa mga Adventure Films sa TV. Ganito ang nakasulat sa Mapa na medyo hindi pa klaro ng husto sa akin:
Sa kaliwang parte nito’y makikita ang “Amistad Tree” na matatagpuan sa Sariaya, Quezon. May specific instruction na hanapin sa punong ito ang isa pang ‘Scroll’. Ibig sabihin no’y maaaring hindi detalyado ang Mapang hawak-hawak namin ngayon. Nakaturo ang isang arrow papataas papunta sa litratong parang sementeryo na may pangalang “Brotherhood”. Wala akong ideya kung anong ibig sabihin nun. Ang susunod ay isang lumang bahay na ang titulo’y “Grievance”. Pagkatapos nu’y patungo ang arrow sa direksyon ng isang aklat na ang titulo’y “Unwritten”, at ang pinakahuli’y isang treasure chest na ang pagkakapangala’y “Token”.
From Start to Finish, ganito ang arrangement na naka-indicate sa Mapa:
Sariaya, Quezon (Amistad Tree)→ Cemetery (Brotherhood)→Old House (Grievance)→Book (Unwritten)→Treasure Chest (Token)
BINABASA MO ANG
How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]
HumorHow to Seduce a Hunk in 15 days (formerly Seducing my Hunky Neighbor) is a naughty adventure of a man challenging himself to captivate the heart of a straight guy in his fulfillment of a punishment led by his friends. Magawa nya kayang maseduce at m...