Binigyan ko ang dalawang mokong ng devilish look, gantihan lang dahil pinapaulanan nila ako ng sarcastic smiles and fake greetings. There’s no turning back, para lang kaming mga cowboy na magkakaharap, crossed arms, at paunahan na lang kung sinong unang bumunot ng baril.
“Balita ko wala ka raw pambayad ng 200K ngayon? Dahil kaibigan mo kami, bibigyan ka pa namin ng palugit. Pero dapat buo mo nang maibibigay yung kalahating milyon,” sabi ni Franz while smirking.
“Anong kalahating milyon? 200K na lang ang utang ko! Nanalo ako sa ibinigay niyong challenge!” medyo stiff kong pagkakasabi.
“Bakit? Paano?” di niya kumbinsidong tanong sa sabi ko.
I looked back to see Jace na nuo’y nakatayo sa likod ko. Wala kaming eksaktong plano kung anong gagawin pero kumpyansa akong mapagtatagumapayan naming dalawa ito dahil napag-uspan namin kagabi ang ilang detalye. Lumapit siya sa amin at halos pumagitna.
“Anong meron mga Pare?” tanong ni Jace na kunwang walang kaalam alam sa nangyayari.
“Siya yung mayabang na hindi tayo pinansin!” sabat ni Joaquin.
“May pangalan ako. Ako nga pala si Jace!” Lumapit siya sa dalawa at aktong iniabot ang kanang kamay upang makipag shake hands ngunit hindi naman nagrespond ang dalawang mokong.
“Totoo bang napaibig mo na ‘tong lalaking ‘to?” batid ni Franz na may halong diin.
“Anong sinasabi mo Pare?” kunwang tanong ni Jace na tipong di magets ang sinabi ni Franz.
“Inutusan lang namin si Mick na paibigin ka sa loob ng ilang araw. Wag mong sabihing hindi mo alam?”
Lumingon sa akin si Jace na akala mo’y nahuli akong nabisto sa maitim kong plano pero nang maharap niya ako’y kinindatan niya ako tanda na umaarte lamang siya. Hindi ko expected na may baon pala itong lalaking ‘to. Humarap siyang muli sa dalawa.
“Teka mga Pare sandali lang ha? Paiibigin ako ni Mick? Anong meron?” kunwang reaksyon niya.
“Kapalit ng 300K, ipinagawa namin sa kanyang paibigin ka sa loob ng 15 Days!” sabat ni Joaquin.
“Ano????????????????”
Ibinalik sa aking muli ni Jace ang kanyang tingin at aktong kokomprontahin niya ako. Dalang dala naman ako sa mga palabas niyang hindi namin na practice.
“Totoo ba Mick ‘yung sinasabi nila? Na pinaibig mo lang ako? Pare mahal mo ba talaga ‘ko o niloloko mo lang ako?”
Para tuloy akong na mental block dahil hindi ko alam ang isasagot sa inaarte ni Jace. Ikinukumpas na niya ang kanyang mukha para lamang makaisip ako ng tamang isasagot sa harap ng mga gunggong.
“Jace patawarin mo ‘ko. Ginawa ko lang ‘yun dahil sa pustahan,” medyo panginig kong sabi. Napangiti naman si Jace sa sinabi ko. “Pero ang totoo nyan Pare…. Mahal na kita!” alangan kong pagkakasabi.
BINABASA MO ANG
How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]
HumorHow to Seduce a Hunk in 15 days (formerly Seducing my Hunky Neighbor) is a naughty adventure of a man challenging himself to captivate the heart of a straight guy in his fulfillment of a punishment led by his friends. Magawa nya kayang maseduce at m...