Chapter 20: Bump Car

38.1K 822 77
                                    

A/N

Thanks for waiting and supporting. Happy reading.

***********************************************************

“Tumigil ka Alex ha?” sabi ko sa kanya habang pababa ng hagdan patungo ng sala.

“Sige na Kuya please,” pagmamakaawa niya. “Jace pumayag ka na, tutulungan kitang hanapin ‘yung puno. Alam ko kung nasaan ‘yun,” dugtong pa niya.

“Alex wala kang alam sa gagawin ko. Mapanganib ‘tong misyon na ‘to,” sagot niya.

Huminto ako sa paglalakad nang makarating sa Sala at agad na hinarap ang aking pamangkin na nambuburaot.

“Alex please din ‘wag ka ng makulit okay? Kahit anong pilit mo hinding hindi kita papayagan. Kung ako nga hindi sasama ikaw pa kaya?” daing ko.

“Pero Kuya, mahirap pumunta sa punong ‘yun dahil makikita mo lang ‘yun sa isla ng Doron,” pagpupumilit pa rin niya.

“Kailangan mo lang sabihin ang eksaktong lugar at si Jace na ang bahalang pumunta,” sagot ko.

“Pero………”

“Alex wala ng pero pero! Hindi biro-biro ang gagawin ni Jace kaya inuulit ko sayo, wag ka ng makulit okay? Paluuin pa kita diyan sa pwet e!” ani ko.

Nakabusangot na naman ang mukha ng pamangkin kong parang inagawan na naman ng kendi. Lumapit siya kay Jace at hinawakan nito ang braso na para bang nobyo lang niya kung ituring at nagmakaawa.

“Papa Jace please......... gusto kong sumama, tutulungan naman kita e?” pangungulit niya.

“Alex mas matutulungan mo ‘ko kung hindi ka sasama! Ano bang pumasok sa isip mo ba’t gusto mong  sumama?” tanong niya.

“Pre ‘wag mo ng pansinin ‘yan…..” sabat ko.

Napatitig naman si Alex kay Jace na nagpapaawa. “Wala na akong pasok next week, it’s my sembreak! Atsaka I want to spend my quality time with you Papa Jace.”

Hinablot ko ang braso ng pamangkin ko palayo kay Jace. “Quality time ka diyan? Kakabreak mo lang sa boypren mo ha? At anong sinasabi mong Sembreak mo na next week?” takang tanong ko.

“Oo…. kaya pwede na akong sumama kay Jace,” rason niya.

“Tingnan mo na? May nalalaman ka pang pusta-pusta pero wala ka na palang pasok next week? Ang galing mo rin ano? Ano namang gagawin mo sa pera ha?” seryoso kong tanong.

Napahinto si Alex at tila nag-isip. “Hmmmm……. Pocket money?”

“Anong Pocket money?”

“Pocket money for adventure trip with Papa Jace,” masigabo niyang sabi.

How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon