Chapter 48: A Sky Full of Stars (The Final Chapter)

40.6K 887 312
                                    

Final Chapter

“A Sky Full of Stars”

 

Tuluyan na talaga akong pinaglaruan ng Kapalaran, isabay pa ang hagupit na parusa ni Karma na tila nagsanib pwersa para pagkaisahan ako. Wala naman akong magawa kundi tanggapin na lang ang handog nilang masarap na pasakit sa akin na tuluyang bumago sa buhay ko. Ginusto ko rin naman ito kahit alam ko naman ang magiging ending ng paglalakbay na ito na puno ng kahibangan na nauwi talaga sa katarantaduhan dahil sa kalokohang mga naganap sa loob ng kakarampot na araw.

Sino ba namang mag-aakala na sa simpleng pustahan e nagkaroon ako ng tumataginting na One Million Pesos na utang sa mga kaibigan ko? Dahil hindi ko mabayaran ang demand, ipinagawa nila sa ‘kin ang ‘kakatuwang’ dare na i-seduce para mapaibig ang hambog kong kapitbahay kapalit ng hindi ko pagbayad ng parte ng napagkasunduan. At kumagat talaga ako sa hamon na ‘yun?! Hindi ko rin inasahan na sineryoso ko talaga ang kabaklaang pinapagawa nila sa ‘kin na sadyang sumubok sa pagkalalaki ko. Sino rin bang mag-aakala na ang katarantaduhan ay may nakapaloob pang isang mahiwagang kahangalan na kumwestiyon sa tunay kong pagkatao, maging sa aking kakayahan. Ang ‘Adventure Dare’ ni Aling Corazon ay isang kahibangan na may ‘Sense’. Punong puno ito ng tunay na aral ng buhay na hindi ko akalaing ipapackage niya para maging isang ‘Treasure Hunt’. Ang witty ng idea diba? Pero ang bagay na ito ang nagtulak sa pinakahangal na parte ng kabuuan ng paglalakbay…….. ang namuong pag-iibigan namin ni Jace. This is the FOOLEST, STRANGEST, CRAZIEST and MOST INSANE part of the journey. Alam ko naman na falling in love is a crazy thing to do but falling in love with the same sex is the craziest thing to do.

Heto ako ngayon…… tulala habang umaandar ang Taxi sa may kahabaan ng EDSA. Iniisip ang mga bagay-bagay mula umpisa na nagtapos sa isang bitter-sweet ending. Love story ba talagang maituturing ang namagitan sa ‘min ni Jace? O isa lamang ‘Tale of Friendship’ na nadagdagan lang ng temang ‘Friends with Benefits’ with matching ‘Treasure Hunting’ sa plot? Maging ako’y nawiwirduhan habang inaalala ko ang mga nangyari sa nakalipas na mga araw. Kasing wirdo ng nararamdaman kong sakit ngayon na kulang na lang e itakbo ako sa Ospital dahil hindi makatibok ng maayos ang puso ko. Hindi maka-function ng maayos ang puso at utak ko kaya apektado ang buong sistema ko nang dahil lang sa Jace na ‘yan. Pucha lang talaga, wala pa namang tatlumpung minuto mula ng mag part ways kami e ganito na talaga ang dulot na sakit nito sa ‘kin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nag-contemplate….. pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na….. KAYA KO ‘TO! Napagdaanan ko na ‘to dati at madali akong naka-move on.

“LOVE KA LANG! POGI AKO!” Natatawa lang ako ‘pag nagba-bounce back ang mga katagang ito sa utak ko.

I’m weightless like a paper but my heart seems to carry the weight of the world. Ganito ang feeling lalo na’t nasa loob ko lamang ang tila ilusyong nararamdaman ko ngayon.

Habang ako’y nagmumuni-muni, o sa madaling salita’y nag-eemote (emo) e may biglang pumasok na mensahe sa aking cellphone. Tiningnan ko ang phone at pansin kong si Jace ang nagtext.

“Tumingin ka sa langit.” mensahe niya sa ‘kin.

Nagsalubong ang kilay ko sa pinapagawa niya. Ano nanamang kabaduyan kaya ang gusto niyang ipagawa sa ‘kin?

How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon