Chapter 3: Doorbell

56.8K 1K 44
                                    

“Tulungan mo ‘ko ha?” sambit ko kay Alex habang tinutulak ang Cart na lalagyan ng aming pinapamili sa Grocery store.

“Tulong saan?” takang tanong niya.

“Meron kase akong gagawin, parang hindi ko naman kaya.”

“E tungkol saan nga yon?”

“Ehhh,” hindi ko madiretsong sabi. “Basta…. Ikaw paano mo ba niligawan ang boyfriend mo?”

Napangisi si Alex sa tanong ko. “Ako? Nagpapatawa ka ba kuya? Ako ang niligawan ng boyfriend ko hindi ako ang nanligaw sa kanya.”

“Sigurado ka?”

“Syempre naman! Teka bakit mo ba tinatanong? Manliligaw ka?” usisa nya habang dumadampot ng condensed milk at inilagay sa cart.

“Oo sana kaso….”

“Kuya, ikaw manliligaw? Baka nga ikaw pa ang ligawan ng mga babae. Sino ba yang babaeng tinutukoy mo? Pa-hard to get ba?”

“Hindi ko pa naman nililigawan e…”

“Wala na ba kayo ni Ate Melanie? Parang nung isang linggo mo pa lang siyang pinakilala sa ‘kin ha?”

“Wala na ‘yun. May sayad ang babaeng ‘yun,” dipensa ko. “Alex ikaw, nasubukan mo na bang manligaw ng lalake?”

“Ha? Hindi pa! At never kong gagawin yun no! It’s not appropriate para sa aming mga babae na manligaw ng mga lalaki. Eeewww.”

“Meron ka bang kakilalang ibang tao na nanligaw na ng lalaki?” dugtong ko.

“Teka Kuya, ang weirdo mo. Don’t tell me manliligaw ka ng lalaki?”

Napahinto ako sa paglalakad at dumampot ng canned goods sa bandang kanan ko. “Hindi…. Kase yung liligawan ko talo pa ang lalaki sa pagiging matigas. Para tuloy akong nanligaw ng kapwa ko lalaki sa sobrang hirap i-please,” pasinungaling kong sabi. “Meron bang way para mapasagot ko yung taong yun within 15 days?” Hindi ko intensyong sabihin ang specific days na napag-usapan namin nina Joaquin, bigla na lang itong lumabas sa bibig ko.

“What? Kuya ha siguro nagbabasa ka ng mga Fantasy-Romance pocketbooks kaya kung anu ano yang iniisip mo.”

“I mean, is there any way para mapasagot ko ang taong siguradong irereject ako?”

“At paano mo naman nasabing irereject ka kaagad? Hindi mo pa naman na try diba? Alam mo Kuya kung gusto mo ng love advice makinig ka sa 105.7 Radiobeat FM at antabayanan mo si DJ ChaCha, sigurado akong bibigyan ka ng magandang advice nun on how to court a pa-hard to get girl ,” ngiting sabi nya.

Hindi ko lang madiretso ang pamangkin ko dahil baka pagkamalan pa ako nitong bakla. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko o kung kanino ako magpapaturo para maisakatuparan ang kalokohang ito. I’m straight as a ruler kaya yung iniisip ko pa lang na liligawan ko ang kapwa ko lalaki ay nasusuka na ako, ano pa kaya kung paiibigin ko? Haayyy, okay lang kesa kumain ako ng isang platong ipis.

“Alex,” tawag ng isang binata. Namukhaan ko ito dahil sya ang bf ng pamangkin ko.

“Gerome, bakit nandito ka?’ ngiting sabi ni Alex.

“Namimili, e ikaw?”

“Namimili rin!”

“Good afternoon po,” bigay galang sa akin ni Gerome.

Nag-usap pa ang dalawa ng mga limang minuto habang ako’y abalang namimili ng mga stocked foods.

“Kuya, is it okay na pumunta ako sa bahay nina Gerome? Birthday  kase ng ate nya.”

“Ganun ba? Sige sa next birthday ka nalang pumunta, walang magluluto sa bahay e,” sarkastiko kong sagot.

“Kuya naman please… Sige na, promise maaga akong uuwi para maipagluto ka.”

Tumingin ako ng pasimangot sa dalawa. “O sya, dapat alas siyete pa lang umuwi ka na ha?”

“Yes.. Thank you Kuya, the best ka talaga!” sabay halik nya sa ‘kin sa pisngi.

“Pasipsip ka pa ha!”

“Sige Kuya Mick, una na kami ha? Promise pauuwiin ko sya ng maaga,” sambit ni Gerome.

“Siguraduhin mo lang! Sige ingat kayo…”

As much as possible ayoko talagang madalas umaalis ng bahay ang aking pamangkin kasama ang barkada nya. Mahirap na kase ang buhay ngayon, karamihan ng kababaihan ay nahaharap sa early pregnancy dahil sa premarital sex. Pinayagan ko namang magka-boyfriend si Alex pero sinabihan ko na rin sya ng mga limitasyon sa pakikipagrelasyon sa BF nya.

Mag-isa akong  umuwi ng bahay. Pagkauwi ko’y nakita kong may nagdodoorbel na lalaki na nakashade na black sa aming gate. May dala itong plato sa kaliwang kamay.

Nang tingnan ko ng malapita’y walang iba kundi ang bago naming kapitbay ang nagdodoorbell…. Si Jace!

How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon