Lukot na lukot ang mukha ko nang lisanin ang bahay ng kumag na ‘yun. Sa inis ay binalibag ko ang pinto ng gate para marinig nya kung gaano ako kabwisit sa kanya. Gusto ko sana siyang hamunin ng suntukan para matapos na ang lahat. Punyeta talaga, bwiset ‘tong lalaking to! Ginawa nya akong katuwa-tuwa. May araw din sa akin ang hayop na ‘yun.
“O ano Kuya, successful ba?” masigabong bati sa akin ni Alex habang papasok ako ng bahay. “Ambilis! Sabi na nga ba effective yung plano natin e,” dagdag nya nang hindi kaagad ako sumagot.
“Anong effective? Ang sabihin mo Epic Fail!” disappointed kong pagkakasabi sabay biglang upo sa sofa.
“Anong Epic Fail? Hindi mo ba siya napasagot?”
Napatayo akong muli sa pagkairita. “Ano ka ba Alex, wala namang ni-isang umepek sa mga plano mo e. Lahat sablay!”
“Teka….. teka… Paano nangyari ‘yun? E ‘yung pagkaing binigay mo sa kanya? Kinain nya ba?” usisa niya.
“Pinakain nya sa aso nya! ‘Di daw sya kumakain ng Manok. May allergy daw yung tarantadong ‘yun!”
Natulala ang pamangkin ko sa narinig. “Talaga? Dineadma nya ang specialty ko? This can’t be happening,” sabay napaupo sa pagkadismaya.
“Oo,” tipid kong sagot.
“I can’t believe this. This is the first time na may nagreject ng niluto ko. Hindi ako makakapayag,” eksaheradang sabi niya.
“At hindi rin ako makakapayag sa ginawa niyang pambabatos sa akin. Sa susunod ibang seduce ang gagawin ko sa kanya! Iseseduce ko sya ng mga kamao ko pag inulit niya pa ‘yun sa akin.”
“Wag,” awat sa akin ng pamangkin ko. “Wag kang maging marahas Kuya. Wag mong ilagay sa kamay mo ang batas!”
“Anong batas?! Babasagin ko lang ang mukha nung hambog na ‘yun hindi ko naman siya papatayin!”
“Ah Basta! Alalahanin mo, ang misyong ito’y katumbas ng 300K lang naman. Kung pumalpak ka e para ka na ring nagsunog ng ganoong kalaking halaga. Wag na wag kang padadala sa emosyon mo Kuya!”
“E paano kung hindi ko sya magawa? Magbabayad pa rin ako sa dalawang extortionist kong kaibigan!”
“E ang tanong din….. Hindi mo pa nasusubukan ng lubos ang plano mo sumusuko ka na kaagad. At gusto mo pa talagang dumanak ang dugo?!” diin nyang sabi.
“Ang Oa mo Alex ha! Basta pag inulit nya pa ‘yun, makakatikim na sya sa akin!”
“Hindi makakatulong sa plano mo ang galit na namumuo sa puso mo,” sabay bigla syang tumayo at pabalik balik na naglakad. “Wag kang mag-alala Kuya ipaghihiganti kita. Ako ang gagawa para sayo, gagawin ko ang lahat para mapaibig si Papa Jace, kahit ibigay ko ang sarili kong dangal at puri…… Para sayo Kuya!”
Lumapit ako at marahang sinapok ang aking pamangkin. “Mmmmm”
“A-aray…. Kuya ang sakit nun ha?” daing nya.
“Anong sinasabi mong ibibigay mo ang puri mo? Ikaw Alex ha kumekerengkeng ka nanaman. Tigil tigilan mo ko sa pagkakerengkeng mo ha?!”
“E ano ka ba Kuya. Obvious naman ata na straight yung Papa Jace na ‘yun e. There’s no way for him to fall for you. There are ten ways to steal his heart, paano mo sya mapapaibig kung….. babae talaga ang hanap niya?” rason niya.
Tama nga naman sya. Paano ko talaga mapapaibig ang Jace na ‘yun kung straight talaga siya. Parang ako lang e. Hinding hindi ako pwedeng maattract ng kahit na sinong lalaki. Hindi kakayanin ng sikmura ko. Isipin ko pa lang nasusuka na ‘ko.
“So anong gagawin ko nito? Akala ko ba sabi mo wag akong susuko?”
“Gaya ng sabi ko sayo kanina, ako ang gagawa nito para sayo!” taas noo nyang sabi.
“Tumigil ka nga Alex sa mga katarantaduhan mo!”
“Bakit hindi?! Hindi ka ba nanunuod ng mga teleserye o kaya ng mga Koreanovela Kuya?”
“Ano namang kinalaman nun sa sitwasyon ko?!”
“This is revenge! If he wants war, I’ll give him war! Paiibigan ko sya ng lubos pagkatapos, pag tuluyan ko siyang napaibig….. Iiwan ko siya…. Tapos aaminin ko na ginawa ko lang siyang paibigin dahil sinaktan ka nya!!”
“Naku Alex ha tantanan mo ‘ko ha!”
“Basta….. Kuya kelangan ko pati ng Pera!”
“At bakit mo kelangan ng pera?!”
“Bibili ako ng ulam…. I’ll make sure na masasarapan siya sa lulutuin ko yung tipong hindi nya makakalimutan! Yung tipong hahanap hanapin nya.”
“Sigurado akong kahit anong lutuin mo, walang epek basta tarantado ang kausap mo! Tingin ko hindi rin sya papabitag sa ‘yo kahit babae ka pa!”
“Kuya, don’t underestimate my seducing capacity. Marami na yata akong alam na tricks on How to Seduce a Guy. Marami na akong nabasang version nyan sa wattpad! Basta i-follow ko lang ang tamang steps at walang Cassanova, Gangster, Presidente ng Kumpanya, Anak ng Mayaman at Hambog na Papa Jace ang uubra sa powers ko….. hahahaha!” confident nyang pagkakasabi.
“Ewan ko sayo! Bahala ka kung anong gusto mong gawin. Basta ako! Susuntukin ko kaagad siya sa mukha pag pinagyabangan pa ulit nya ako!”
“Don’t worry. Mamayang gabi, it’s my turn. Kakausapin ko lang yung gay friend kong Fashion Designer, kaya Kuya…… pengeng pera!”
“Binigay ko na sa ‘yo yung allowance mo ng isang buwan ha?” angal ko.
“Iba naman ‘yun e. Kelangan kong mag-ayos at bumili ng damit para maisakatuparan ko ang misyon ko.”
“Misyon ko ‘to, labas ka na dito!”
“Kaya nga tinutulungan kita e. Basta pahinging 5K?”
“5K??!!” gulat ko.
“Oo…. Ang mahal na kayang magpaayos ng buhok tapos bibili pa ako ng seductive na damit, at pupunta pa ako sa palengke para bumili ng pang Calderata later….”
Napabuntong hininga ako sa demand ng aking pamangkin. Ibinigay ko na lang sa kanya ang hinihingi nya na nakasalubong ang kilay.
“Thanks Kuya! You’re the best!”
BINABASA MO ANG
How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]
HumorHow to Seduce a Hunk in 15 days (formerly Seducing my Hunky Neighbor) is a naughty adventure of a man challenging himself to captivate the heart of a straight guy in his fulfillment of a punishment led by his friends. Magawa nya kayang maseduce at m...