“Patay talaga ako!” mahinang sambit ko habang isa isang isinasara ang mga programs sa aking laptop. Humarap ako kay Alex upang sumangguni kung anong magandang ideya sa misyon ko. “Ikaw Alex sa tingin mo? Anong pwedeng way para mahulog sa akin si Jace?”
“I don’t know? Ano ba yung nakita mo sa Gay Porn site kanina?” usisa nya.
“Wala! Walang kwenta! Napadaan lang ako dun! Wala rin namang laman!”
Humakbang ng tatlong beses si Alex sa may kama ko at umupo. “Hmmmm….. Alam ko na! May naisip ako! Kuya saglit lang may kukunin ako!” bigla syang tumakbo palabas ng kwarto at may kinuhang kung ano mang bagay sa kanyang silid.
“Ito Kuya suutin mo ito. Medyo malaki sa akin to e baka kasya sayo!” Dala dala nya ang pulang stilettos at lumuhod mula sa aking paanan at aktong isusukat sa akin ang pambabaeng sapatos.
“Teka sandali? Anong ginagawa mo ha?” iwas ko habang isinusuot nya sa akin ang sapatos.
“E di sinusukat sayo ‘to? Magpanggap kang babae para maakit mo si Papa Jace,” ngiti nyang sabi.
“Ano? Tumigil ka nga Alex ha ako ba pinagloloko loko mo? Hindi ako magsusuot ng kahit anumang pambabae, lalo na ng sapatos na ‘yan! Never! Over my dead gorgeous sexy body!” diin ko.
Tumayo siya mula sa pagkakaluhod. “E anong gagawin mo ha? Lalaki si Kuya Jace kaya babae ang hanap nun! Dapat magpanggap kang babae!”
“Ayoko! Hinding hindi ko gagawin yun wag mo na yang ipilit sa akin. Alam kong meron pang paraan para mahulog siya sa akin na ganito ang hitsura ko at walang binabago,” seryosong batid ko.
“Hmmmm….” Paikot-ikot si Alex habang nag-iisip na ang hintuturo nya’y nakaposisyon sa kanang bahagi ng kanyang utak. “Sa tingin ko Kuya…….. “
“hmmmmm……??”
“?”
“?”
“Wala akong maisip sorry!” singhal nya.
“At talagang nag-isip ka pa sa lagay na yan?” ani ko.
“I’m actually pre-occupied with my boyfriend’s handsome face you know kaya walang pumapasok sa intelligent brain ko? Pero bakit naman kase nagpapakahirap ka pa? Pwede mo naman muna siyang kaibiganin, gawing barkada? Magresearch ka muna about him, anong complete name nya, his favourite food, favourite color, singong crush nya, anong sa tingin nya ang greatest asset nya. And for the record, paano mo ba masasabing straight yung lalaking yun? E sa panahon pa naman ngayon….. halos wala ng lalaking mas straight pa sa ruler! Kung meron ma’y malapit na silang maextinct period!”
Geez… Tila may punto itong si Alex. Paano ko naman malalaman kung 100% straight nga itong si Jace kung di ko susubukang alamin? Besides, there’s no such thing as 100%. Kung 95% man ang pagiging tuwid ng tarantadong iyon, meron pa rin akong 5% chance para mahulog siya sa alindog ko. Kelangan kong malaman ang 5% na ‘yun para mabitag siya sa patibong ko.
BINABASA MO ANG
How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]
UmorismoHow to Seduce a Hunk in 15 days (formerly Seducing my Hunky Neighbor) is a naughty adventure of a man challenging himself to captivate the heart of a straight guy in his fulfillment of a punishment led by his friends. Magawa nya kayang maseduce at m...