“Bagay ba Kuya?”
Ipinakita sa akin ni Alex ang kanyang bagong ayos na buhok. Pina semi-curl nya ito at bumagay sa kanya ang ganuong hitsura dahil may kahabaan ito. Naks! Mas lalo syang naging babae tingnan. Talagang napakaganda nitong pamangkin ko kaya naman andaming nanliligaw sa kanya kahit may boyfriend na.
“Ayos lang,” tipid kong sabi.
Alas siyete na ng gabi siya nakauwi at mabilisan syang nagluto ng Calderata para pamain, at sana lasunin nya na rin ang hambog naming kapitbahay. Alam na alam na talaga nya ang routine pag nagluluto, sanay na sanay na siya dahil laking probinsya itong pamangkin ko kaya alam gawin ang lahat ng gawaing bahay lalo na ang pagluluto.
Nang matapos magluto’y agad siyang naligo kahit di alintana na mapapasma siya. Mabilis na nagbihis ng damit na kanyang ipinamili for the preparation of her plan. Hindi ko totally alam ang plano niya pero excited na akong malaman kung anong magiging pasabog niya. Sana lang ay makatulong ito sa ginagawa kong katarantaduhan.
“Kuya maganda ba?” sabi ni Alex while going down the stairs. Ooohlalala! Never ko syang nakita na ganun kaganda in her entire life. Mistulang pasabog ito dahil kadalasan ay boyish syang pumorma. Suot nya ang bagong biling Red Dress na hindi ko alam ang specific na pangalan. Ternohan pa ng ipinaayos niyang buhok.
“Ang ganda mo Alex ha? Saan ka natutong lumandi?” biro ko.
“Kuya naman. I knew it with my gay friends. Tinuruan nila ako kaninang mag-ayos at mag-poise and guess what? I’m a fast learner!” yabang nya habang binabandera niya ang sarili sa harap ko.
“So ano nang gagawin mo? Aakitin mo sya sa ganyang suot? Anu na?”
“May tama ka! Basta sinisiguro kong mahuhulog siya sa akin ng walang kahirap hirap kaya watch and learn!” yabang na sabi nya.
“Let’s see kung umepek naman ang plano mo,” tango kong di sigurado.
ALEX’s POV
Kabado ako na naeexcite sa mangyayari. Infairness, hindi naman ako masyadong prepared, thanks to my sponsors Miley Cyprus for my hair without make up and Selena Dalrympol for my outfit.
“Bye Kuya! I’ll bring home the bacon!” paalam ko sa iritable kong Tiyuhin.
“Sige…. Dyan lang ako sa gilid. Pasilip silip,” ngiti nyang sabi.
Together with the Caldereta that I cooked, tumungo na ako sa kanyang lugar. Minabuti kong magdoorbell dahil sarado ito.
“Tuuuuuuuutttt” wirdong tunog ng doorbell
“Tuuuuuuuutttt!” second attempt.
“Tuuuuuuuttt!” third attempt.
Hanggang sa mag fourth fifthe at sixth attempt na’y wala pa ring bumubukas ng Gate. Baka umalis sya? Or ayaw nya lang talaga akong pagbuksan dahil sa nangyari kanina? Hmmmm, hindi ko maisasakatuparan ang mga plano ko kung hindi ako gagawa ng paraan!
BINABASA MO ANG
How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]
HumorHow to Seduce a Hunk in 15 days (formerly Seducing my Hunky Neighbor) is a naughty adventure of a man challenging himself to captivate the heart of a straight guy in his fulfillment of a punishment led by his friends. Magawa nya kayang maseduce at m...