Chapter 15: The Kiss Part 2

50.2K 1K 96
                                    

A/N

Sensya na guys kung ngayon lang napost. Don't forget to vote and specially comment. For dedications, comment lang sa comment box. Enjoy reading!

********************************************************************

Idinilat ko ang aking mga mata nang maramdamang malapit na ako sa labi ni Jace. Nararamdaman ko ang paghinga niyang mas lalong nagpabagabag sa aking tuluyan siyang mahalikan. Semi-open ang mga mata at napaka-bland ng facial expression niya na alam na alam kong napipilitan din sa kahibangang ito. I felt uneasy doing the process habang naririnig ko sa background ang pamangkin kong napapatili sa kilig na akala mo’y isang fangirl ng isang popular na artista.

Habang hawak-hawak ko ang mukha niya gamit ang aking dalawang kamay ay bigla kong naisipang itabingi ito nang pakaliwa upang makaharap ko’y ang kanyang pisngi. In just a split second ay hinalikan ko ito na nuo’y napapaligiran ng balbas na inahitan at agad kong inilayo ang sarili sa kanya.

“O ayan…. Tapos na!” paiwas kong sabi.

I saw the disappointed face of my pamangkin with matching eyes and mouth wide open dahil sa nasaksihan. Sa cheeks ko lang siya hinalikan dahil ayokong madampian ng aking lips ang labi niya. I’m feeling uncomfortable doing this specially infront of Alex.

                                                                                                                              

“Are you kidding me Kuya? Ano ‘yun?” dismayadong reaksyon ni Alex.

“Kiss? Ano bang gusto mong itawag ko dun?” dahilan ko.

“Nagpapatawa ka ba Kuya? Kailan ka pa naging komedyante?”

“Ah basta tapos na okay?!” Sabay tayo ko mula Sofa na tila random ang paggalaw ng katawan.

Pinunasan ni Jace ang kanyang pisngi kahit hindi naman ito nadampian ni patak ng aking laway.

Tumayo si Alex at nangibit balikat kaharap ako. Si Jace nama’y kumuha na lamang ng bote ng Red Horse upang languin bilang pamatay sa tumatakbo niyang oras.

“Ang hahalikan mo Kuya yung lover mo, hindi nanay mo!” pangaral sa ‘kin ng aking pamangkin.

“Hindi ba kiss ang tawag ‘dun?”

“Hindi….. Para nga lang kayong nagbeso beso e. Paano ka na lang bukas Kuya kung Kiss lang sa lips e di mo pa magawa?”

“At paano ka naman nakakasiguro na uutasan kaming maghalikan ni Jace ng dalawang tukmol na ‘yun ha? Hinding hindi nila gagawin ‘yun! Masyado lang malikot ang imagination mo kase alam ko na ang tinatakbo ng isip mo….” diin ko.

“OMG? Seriously Kuya? Ano naman sa tingin mo ang tinatakbo ng isip ko ha?”

How to Seduce a Hunk in 15 Days [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon