Sabi nila ang buhay daw ay swertihan lang. Kung ipinanganak kang mahirap ay kailangan mo pang kumayod ng husto para mag tagumpay ka sa hinaharap. Yung para makakain ka ng tatlong beses sa isang araw.
Kung ipinanganak ka namang mayaman ay pwede ka ng mag relax dahil otomatikong masagana ang future mo kasi nga mayaman ka na.
Tulad ko, mayaman na ako. Dahil obviously ito ay galing sa angkan na pinagmulan ko. Lahat ng naisin ko ay aking nakakamit.
Buhat ng isinalang ako sa mundong ito ay mabilis na nag sink in sa isip ko kung ano ko, sino ko at anong papel ko dito. Lalo na sa pamilya ko.
Magkagayunman, ako ang klase ng mayaman na hindi nag rerelax. Kailangan ko pa ring kumilos upang mas lalo pang mapalago ang yaman na mayroon ang aking pamilya.
Masasabi ko bang swerte ako sa buhay? Pwedeng oo.
Oo dahil mayaman nga ako. Hindi ko kailangang mag trabaho sa palengke, pabrika, opisina at kung ano-ano pang propesyon para lang kumita ng kakarampot na sahod.
Ako kasi ang Boss. Ako ang nagpapasahod sa mga empleyadong nag tatrabaho sa akin para lang mas lalo pa akong yumaman.
Pwede ring hindi ako swerte dahil ang pagkatao, propesyon at estado ko sa lipunang ito ay hindi pangkaraniwan. Hindi ako isang simpleng mamayan na maaring mamasyal lang sa labas na walang inaalala.
Sapagkat ako si Lord A. Ako ang Mafiosong leader na namumuno sa Top Famiglias. Iyan ang numero unong dahilan kaya sobrang dami kong kaaway ngayon. Sa ngayon tuloy para akong anino na hindi maaring magpakita sa liwanag. Dahil maraming makakilala sa akin. Sanay lang ako sa dilim.
Para rin akong NPA as in No Permanent Address dahil palagi akong naglilibot sa buong pilipinas. Sama mo na sa Asya,Europa at America.
Sa nakalipas na ilang taon ay sanay na ako sa buhay kong ganito. Kahit pa minsan may bahagi sa puso ko na hindi na masaya. Iniisip ko nalang ay ginagawa ko ito para panindigan ang pangakong iniwan ko kay Dad bago siya mawala sa mundo.
Nangako akong pangangalagaan ang grupong siya mismong nagtatag katulong ang malalapit na kaibigan. Hanggang ngayon ay nagagawa ko naman yun.
Pumasok tuloy bigla sa gunita ko ang usapan namin noon ni Daddy.
"Bakit hindi ako pwedeng magpakilala bilang leader?"pagtataka kong tanong sa kanya.
"Delikado dahil maraming nakamatyag sa paligid. Isa pa, mas makakagalaw ka ng husto ngayong walang nakakaalam kung sino ka talaga."seryoso niyang paliwanag.
Kahit labing dalawang taon palang ako noon ay agad ko ng na intindihan ang kanyang ibig sabihin. Kaya ang ginawa ko sinunod ko nalang siya.
Successful naman ang ginawa kong paglihim sa totoo kong pagkatao dahil hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung sino ako.
Sa totoo lang, natutuwa ako sa ginagawa ko. Napapaikot ko sila sa mga paraan na naiisip ko. Gaya nalang ngayon.
Nandito ako ngayon sa isang malaking puno. Nakasandal habang nakatanaw sa malapit. Tahimik kong pinagmamasdan ang isang binata na nakasuot ng uniporme pang eskwela.
Natawa ako ng mahina ng mapansing napahinto siya sa paglakad at malalim na napabuntong hininga bago tumitig sa tarangkahan na nasa harapan niya.
Ito ang eskwelahan na pinapasukan ng binata. Ito ay sikat sa lugar na ito dahil puro mayayaman ang nag aaral dito.
BINABASA MO ANG
LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)
ActionIsa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala pero maraming nagagawa. Isa siyang hari na malakas pero mayroon ding kahinaan. Isa siyang hari na matap...