"Anong nangyari sa mukha mo?" Iyan ang bungad niyang tanong ng makapasok ako sa kaniyang opisina.
Hindi ako sumagot. Diretso lang akong naglakad palapit sa kaniya. Umupo ako sa bakanteng sofa sa tapat niya.
"Don't tell me, si Yelo ang may gawa niyan?"dagdag niyang tanong sabay nguso sa gilid ng labi ko.
Tumango ako at marahang kinapa ang kanang gilid ng aking labi. Hindi ko mapigilang mapangiwi ng maramdaman ang kirot nito.
"Wow, na bugbog ka na naman niya."sabi niya sabay tawa ng malakas.
Sumimangot ako at dinampot ang libro na nasa lamesang pumapagitna sa aming dalawa. Napatigil siya sa pagtawa ng ibato ko sa kaniya ang libro.
"Ito naman high blood agad."iiling iling niyang sabi at ibinalik sa lamesa ang libro.
Napabuga ako ng hangin at umayos ng pagkakaupo.
"Ewan ko ba sa babaeng yun bakit hilig akong gulpihin."sabi ko at muling na alala ang naging pag uusap namin.
"Pangalawang beses na yan na nagkasugat ka dahil sa kaniya. So, asahan mong masusundan pa yan."
Napatango ako. Expected ko na yun. Dakilang amazona pa naman ang babaeng yun.
"Dapat kasi hindi ka pumapayag. Aba matindi siya dahil walang sinuman ang gumagawa niyan saiyo."
"Hayaan mo na. Kaya ko namang damhin lahat ng bugbog niya. Basta hindi ko siya titigilan."
Napangiti ako dahil dun. Kahit pa alam kong iritang irita siya sa presensya ko ay buo pa rin ang loob ko na balang araw babait siya sa akin.
"Sus nagagawa talaga ng pag-ibig. Nakaka-bobo."iiling iling na sabi ng Kaibigan ko.
Natawa ako bigla.
"Alam mo yan dahil naranasan mo na."
Sumimangot siya bago kinuyom ang kanang kamao.
"Yeah, pero hindi na ngayon. Lalo na at sisimulan ko na ang plano ko."
Alam ko ng tinutukoy niya. Ito ang planong paghihiganti sa ex-girlfriend niyang may kasalanan sa kaniya.
"Okay suportahan kita sa kung anong gusto mong gawin. Tutal sinusuportahan mo rin naman ako."sabi ko.
Tumaas ang isang kilay niya sa narinig.
"Wala naman akong choice. Dahil kahit hindi kita suportahan sa kabaliwan mo kay Yelo. Gagawin mo pa rin."
Natatawang tumango ako. Tama siya doon.
"Pero mag dahan-dahan ka lang, Ungas. Dahil baka masaktan ka sa huli."
Literal na natigilan ako. Kahit saang angulo mo tignan wala talagang kasiguraduhan ang ginagawa kong paglapit kay Ice. Oo nga at may pagtingin ako sa kaniya kaya gusto ko siyang lapitan para protektahan at alagaan. Kaso, kung siya naman mismo ang ayaw sa akin ay baka nga masaktan lang ako sa huli.
Pero positive lang ang isip ko ngayon. Ayoko munang isipin ang magiging kahihinatnan ng mga ginagawa ko kung masama ba o magiging mabuti. Basta gusto kong makilala ako ni Ice bilang isang taong maasahan at masasandalan niya sa lahat ng oras.
Yung taong pwede niyang kausapin at pagkatiwalaan. Iyon ang gusto kong makita niya sa akin.
"Isa pa, expect the unexpected. Hindi lang mga karibal ang magiging kaaway mo. Remember the other Famiglias na may galit sa Buertavle Famiglia. Dagdag pa diyan, ang kapatid ni Yelo na malaki ang galit saiyo."
BINABASA MO ANG
LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)
ActionIsa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala pero maraming nagagawa. Isa siyang hari na malakas pero mayroon ding kahinaan. Isa siyang hari na matap...