"Anong gagawin mo ngayon?"tanong niya na nagpatigil sa akin sa pagnguya sa kinakain ko.
Sandali kaming nagkatitigan ng seryoso bago muli kong ibinalik ang atensyon sa mga pagkaing nasa lamesa. Mabilis kong nilunok ang aking kinakain tapos ay ngumiwi sa kaniya.
"Hindi ko pa alam."sagot ko.
Sumimangot siya bago sandal sa kaniyang kinauupuan. Nakatitig lang siya sa akin na tila hindi nagustuhan ang narinig.
"Dude, umayos ka. Mag isip ka agad ng paraan. Kung hindi ka kasi nagpumilit na sundan yang si Yelo at makisali sa awayan ng mga Gangster. Hindi ka sana na mo-mroblema ngayon."
Hindi ako umimik sa panenermon niya. Kung hindi lang ako nagugutom, hindi ko pupuntahan itong kaibigan ko. Dapat talaga sa Apex Mansion ako pupunta. Pero alam kong sa mga oras na ito ay busy pa si Kareshi kaya hindi ko siya makakausap. So, ang second choice ko itong kababata ko.
Simula pa naman noon, silang dalawa ni Kareshi ang pinagkakatiwalaan ko ng lubos simula ng maging leader ako ng Top Famiglias.
"Dude, ano ba? Huwag kang manahimik dyan."
Ako naman ngayon ang napasimangot.
"Dude, alam ko yun. Gagawan ko ng paraan."sabi ko.
Paulit ulit tumatak sa isip ko ang usapan namin ni Levíticus kanina. Lahat ng tungkol dun ay kinuwento sa kaibigan ko. Kaya heto, todo sermon siya sa akin.
"Ang sabi saiyo ni Levíticus, malaki ang possibility na ang kalaban mo ay nasa loob lang din ng Rivaille. That means, nakikita at nalalaman niya ang bawat galaw mo."
Napatango ako. Tama, yun nga ang ipinaliwanag ni Levíticus.
May hula ako na ang isang yun ay padala o tauhan ng mismo kaaway ko. Pero sa dami ng kaaway ko. Hindi ko matukoy kung sino.
"Kung ako saiyo, hanapin mo siya as soon as possible. Dahil magiging daan pa yan ng ikapapahamak mo. Alalahanin mo, ngayong may kalaban ka ng nakakaalam ng totoong pagkatao mo. Hindi malayong ibunyag niya ito sa iba. Kapag nangyari yun, gulo ang magiging hatid saiyo nito. Lalo na sa Kambal mo."mahaba niyang paglilitanya.
Ngayong nabanggit niya ang kambal ko ay hindi ko maiwasang mag alala. Ilang araw ko na siyang tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Alam kong gumagawa na ng paraan si Uncle para makita siya para mahuli.
Kailangan ko pa siyang tulungan.
Malalim akong napabuga ng hangin. Habang tumatagal ay dumami ang problema ko.
Si Devil, si Light, yung kaaway ko na gumagala sa Rivaille at sitwasyon namin ng Kambal ko. Hindi ko alam kung paano ko mapagsasabay-sabay ito.
"Gagawin ko yun. Malaman ko lang talaga kung sino ang taong tumutukoy ni Levíticus. Maghihiram siya ng mukha sa aso. Ang worst pa nito ay papatayin ko siya."seryoso kong sabi.
Tumango tango siya.
"Tama yan. Basta if ever na hindi mo na kaya hawakan ang sitwasyon. Sabihin mo lang, tutulong ako."
Napangiti ako sa kaniyang sinabi.
"Oo naman. Alam ko namang hindi mo ko matitiis."
Humagalpak siya ng tawa.
"Gago, wala lang akong choice. Saka ikaw pa rin si Lord A. Nangako kami ni Daddy saiyo na maglilingkod kami ng tapat kahit ano pang mangyari. So, susunod lang ako."
"Yeah, i know."
Wala akong duda sa katapatan niya. Ever since ay maasahan siyang Warlord, bestfriend, saka taga advice na rin. Kaya malaki ang pasalamat ko kay Lord at nakasama ko ang aking kababata.
BINABASA MO ANG
LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)
ActionIsa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala pero maraming nagagawa. Isa siyang hari na malakas pero mayroon ding kahinaan. Isa siyang hari na matap...