Sa magulong buhay nating lahat hindi pwedeng hindi tayo makakaranas ng tinatawag na pag ibig. Ito ay bigla mo nalang mararamdaman sa isang tao sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon.
Pag ibig na magdadala sayo sa kasiyahan at kalungkutan. Sa ngayon ganyan ang na experience ko buhat ng unang beses kong makilala si Ice. Ang babaeng nagpatibok sa puso kong walang alam pa noon.Labing apat na taong gulang ako noon ng malaya akong makapaggala. Meaning, nakalabas ako ng mansyon namin ng walang bantay. Simula pa kasi nung bata ako ay laging may bodyguars akong kasama dahil nga delikado raw sabi ni Daddy.
Nakalabas ako ng walang kamalay-malay si Daddy. Hindi niya alam na ubod ng talino at tigas ng ulo ng anak niya kaya kahit ikulong niya ako sa mansyon ay makakaalis ako.
Napadpad ako noon sa lugar na medyo hindi pamilyar sa akin. Basta ang alam ko, ang kinaroroonan ko ay kaduluhan na ng Crimson City.
Kaduluhan meaning, ito ang isa sa pinaka-dangerous na lugar dito. Dahil nga medyo province na although hindi sya mukhang probinsya dahil puro buildings pa ang nakikita ko.
Tuwang tuwa ako noon habang naglalakad sa kalsada na walang ibang kung hindi ako. Hanggang sa napadpad ako sa isang malawak na hardin. Isa itong private property na obvious na mayaman ang may-ari.
Nawili ako sa mga bulaklak na nakatanim sa buong paligid. Bigla kong naalala noon ang Mommy ko na mahilig sa mga bulaklak.
Sa patuloy kong pamamasyal ay nagulat nalang ako ng may kung sinong bumagsak sa harapan ko. Literal na nalaglag ito mula sa puno na ilang hakbang lang ang layo sa akin.
Bahagya pa akong napaatras ng makitang ito ay isang tao.
Tao na ang kasarian ay babae. Isang babae na nakasuot ng bestidang puti na akala mo ay multo.
"Miss, are you okay?"tanong ko agad ng dahan-dahan siyang bumangon mula sa bermudang damo na binagsakan niya.
Hindi siya sumagot ng makatayo na ng diretso. Nakayuko siya habang pinapagpagan ang puting damit na medyo gusot na.
"Miss?"pagtawag ko sa kanya.
Saktong inangat niya ang kanyang tingin sa akin at nagkatitigan kami. Agad akong natulala ng mapagmasdan ng mabuti ang mukha niya.
Shit na Lord. Ang ganda niya. As in.
Ang shape ng mukha niya ay sakto lang. Ang kanyang ilong ay mas matangos pa sa akin. May mga kilay siya na akala mo pininta ng isang pintor. At ang labi niya ay mapula na nakakadagdag ng kanyang kagandahan. Plus ang mga mata niya na kulay silver. Iyon nga lang, parang walang buhay.
Pero ang ganda niya. Dagdag mo pa ang mahaba at kulot niyang buhok. Kung iisipin ay para siyang prinsesa. Ang kutis niya kasi ay pang mayaman.
Halos ilang minuto rin akong nakatitig sa kanya na parang tanga. Naudlot lang yun ng makitang aambahan niya ako ng suntok. Mabilis akong nakailag kahit pa nagulat ako.
"Woah, relax lang Miss. Huwag mo kong bugbugin."sabi ko na natatawa.
Sa kilos ng babaeng ito ay magaling siyang makipaglaban. Hindi lang ako sure kung anong gulang na siya. Mas matangkad lang kasi ako ng kaunti.
"Taga saan ka ba? Anong ginagawa mo sa lugar na ito? Dun ka ba nakatira?"sunod-sunod kong tanong sabay turo sa malaking mansyon na nasa di-kalayuan.
Hula ko ay dun ang bahay niya dahil yun lang naman ang bahay na nakikita ko dito.
"Anong pangalan mo?"another kong tanong.
Sa ilang beses kong pagtatanong ay wala akong sagot na nakuha sa kanya.
BINABASA MO ANG
LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)
ActionIsa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala pero maraming nagagawa. Isa siyang hari na malakas pero mayroon ding kahinaan. Isa siyang hari na matap...