Chapter 38: Confused

326 13 5
                                    




Tahimik akong naglakad palabas ng gate ng Rivaille. Napansin kong mangilan-ngilan na estudyante nalang ang nasa paligid. Ang iba sa kanila ay nagsi-uwian na. Habang ako ay heto at pauwi palang.

Wala akong kasabay ngayon. Si KJ at Angelo may kani-kaniyang pupuntahan kaya hindi sumabay sa pag uwi. Ganun din si Primo, Kaito, Ranjell at Ivan. Si Ice naman ay si Devil ang kasabay kaya ang ending ay solo flight ang drama ko.

Ayos lang naman kahit nakakapanibagong uuwi ako ng nag iisa. Hindi ko nalang pinansin na wala akong kasama. Basta diretso lang akong naglalakad ngayon sa gilid ng kalsada.

Ang buong araw ko sa Rivaille ay naging maayos naman dahil walang mga alalay ni Light na nangugulo. Which is nakakapagtaka. I'm sure bukas sila babawi. Gayunpaman, ready naman kami.

Sa pag iisa ko ay muli na namang sumagi sa aking isipan ang mga litratong natanggap kaninang umaga. Ayoko talagang isipan na tama ang kutob ko na isa sa mga taong palagi kong nakakasama sa Rivaille ang siyang kaaway ko. Pero yun kasi ang posibleng pwedeng mangyari. Kaya ngayon ay lalakasan ko ang pakiramdam ko.

Lintik lang talaga ang walang ganti. Kapag nahuli ko ang taong yun.

"Yari siya sa akin."mahina kong bulong sabay tawa na akala mo nababaliw.

Napatigil ako sa pagtawa ng matanaw sa di kalayuan ang dalawang tao na pamilyar sa akin.

Si Ice at Devil.

Sabay silang naglalakad na parang mga nasa buwan. Hindi ko mapigilang natawa.

"At talagang nandito pa pala sila?"sabi ko na kausap ang sarili.

Nakakapagtaka na naglalakad sila. Wala bang dalang sasakyan si Devil?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naglakad ako para sundan sila. Medyo mabagal lang ang lakad ko para hindi sila makahalata. Napakunot noo ako ng makitang nag iba sila ng daan.

"Saan pupunta ang dalawang yun?"

Nagmadali ako sa paglakad para makasunod sa kanila.

Ilang beses ko ng hinatid si Ice sa bahay niya. So, alam ko ng direksyon patungo sa kanila. Ang dinaraanan nila ngayon ay palayo na.

Sa pagsunod sa kanila ay hindi ko namalayang malayo na ako sa Rivaille. Hanggang sa bigla nalang nawala sa paningin ko si Ice at Devil.

Napakurap kurap ako at nagpalinga sa paligid. Ngayon ay nasa highway na ako.

"Saan nagpunta ang mga yun?"taka kong tanong.

Dahil nawala na ang sinusundan ko ay napag desisyon ko nalang na umuwi na. Tahimik akong bumalik sa kalsadang dinaanan ko kanina. Ang mga mata ko ay nakatitig sa sementong aking nilalakaran. Natigilan na naman ako ng may biglang sumulpot sa harapan ko. Literal na napaatras ako sa gulat.

Pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang isang babaeng nakangiti ng malapad sa akin.

"Pare, kamusta na?"bati nito sa akin.

"F-fiona?"tawag ko sa kaniya.

Tumango tango siya. Napabuga ako ng hangin at marahang hinimas ang aking batok.

"Shit ka. Ginulat mo ko. Bigla kang sumusulpot."sabi ko.

Bumungisngis siya na kita ang bente kwatrong ngipin.

"Sorry naman. Nakita kita kasing naglalakad dito kaya nilapitan kita."paliwanag niya.

Hindi ako nagsalita. Ang mga mata ko ay natuon sa itsura niya ngayon. Nakasuot siya ng bestidang puti na hanggang tuhod. Tinernuhan na converse na sapatos. Tapos ang kaniyang buhok ay naka-pusod ng mataas with nakalaylay pa ang bangs.

LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon