Chapter 18: Merciful

444 24 6
                                    


Hindi ko alam kung ano ba itong ginagawa ko. Basta naisip ko nalang na sundan si Kaito. May kung anong hindi magandang kutob akong nasa isip. Ewan ko ba pero yun ang dahilan kaya ngayon ay nandito ako sa kalsada kasama lang naman si Ice.

Nagpumilit siyang sumama sa akin kahit pa wala akong ideya kung anong magaganap.

"Alas, bakit ba natin siya sinusundan?"bigla niyang tanong.

Napahimas ako sa aking batok sabay ngiwi.

"Basta. Sumunod ka nalang."

Nakita ko ang pagsimangot niya.

"Mahal na reyna, tigilan mo karereklamo. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nag prisintang sumama sa akin. Palibhasa ayaw mo ng mahiwalay sa akin."pangangasar ko at tumawa na.

Napatigil lamang ako ng makitang aambahan niya na ako ng suntok.

"Joke lang. Ito naman masyadong seryoso."sabi ko.

"Sige isa pa. Uupakan kita ngayon."banta niya.

Mahina akong natawa bago muling itinuon ang tingin sa sinusundan namin.

Ilang hakbang mula sa amin ay naglalakad si Kaito na parang wala sa sarili. Dahil may ilan siyang nakakasalubong na nababangga niya na. Pero wala siyang pakialam. Basta lakad lang siya ng lakad. Ngayon nga ay medyo nakalayo na kami sa eskwelahan.

"Saan ba pupunta yan si Kaito?"

"Aba, malay ko. Kaya nga natin susundan."sagot ko.

Natahimik si Ice kaya tumahimik na rin ako. Panay ang iling ko habang nakamasid sa kaniya. Mukhang lutang ang isip ng isang ito. Lakad lang ng lakad. Hindi niya pinapansin ang mga taong nasa paligid niya. Kami nga hindi niya napapansin na kanina pa sumusunod.

Saan nga ba siya pupunta?

Sa pagkaka-alala ko sa tsismisan ng mga alalay niya. May babae siyang kikitain ngayon. At ang babaeng yun ay nag-aaral sa Zhilapeźa University na mortal na kaaway ng mga taga Rivaille Universitá.

Ang tanong ngayon, ka-ano-ano niya yung babae? At may posibilidad kaya na alam ni Light ang tungkol dito?

"Alas!"

Napatigil ako sa pag iisip ng marinig ang pagtawag ni Ice sa akin.

"Oh? Bakit ba sumisigaw ka?"tanong ko na napahinto sa paglakad.

Napansin kong nandito pa rin kami sa gilid ng kalsada.

"Si Kaito nawala na."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Napailing ako ng makitang wala na si Kaito na sinusundan namin.

"Nasaan na yun? Saan nagpunta?"taka kong tanong.

"Pumasok siya sa iskinitang yun."sagot ni Ice at may itinuro sa di kalayuan.

Napatitig ako doon.

"Tara dali. Kailangan natin siyang sundan."sabi ko at tumakbo na.

Agad namang sumunod sa akin si Ice.

"Bakit nga kasi natin siya sinusundan?"tanong na naman niya.

"May kutob akong mayroong hindi magandang mangyayari sa kaniya."

Hindi ko na tinitigan pa si Ice. Diretso lang ang tingin ko sa daan. Ngayon ay nakapasok kami sa isang iskinita na kung saan puro cofee shop ang nasa paligid.

Nang marating namin ang dulo ay parehas kaming natigilan ni Ice dahil sa malawak na gate sa malapit.

Ang Zhilapeźa University.

LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon