Ang kaniyang ngisi ay nakakayamot. Para siyang kontrabida sa isang pelikula. Pero siya ngayon ang kontrabida sa Rivaille. Gusto ko na siyang upakan. Nagtitimpi lang ako.
"Napipi ka yata? Nagulat ka ba, Lord A?"pagbasag niya sa katahimikan.
Umiling ako. Expected ko namang makilala niya ako dahil nag meet na nga kami noon.
"Mabuti at natatandaan mo ko."sabi ko.
Sa totoo lang, worried ako ngayon dahil alam niya ng ako si Lord A. Hindi ko masasabi kung mananatili bang tahimik ang bibig niya tungkol sa pagkatao ko.
"Of course, kahit bata pa ako nun. Hindi ako makakalimutin."
Natahimik nalang ako kahit gusto kong mag komento. Dahil ilang beses na kaming nagkita nitong pumasok ako sa Rivaille. Pero hindi naman niya ako kinukompronta. Depende nalang kung sinasadya niya o talagang ngayon lang niya ako natandaan.
"Nagtataka lang ako. Anong ginagawa ng isang Capo di tutti capi sa eskwelahan ng Rivaille?"tanong niya na nanatiling nakangisi.
Sumulyap pa siya sa kasama niya na nakangisi na rin.
"Pwede bang malaman? I'm just crious."patuloy niyang tanong sabay tawa ng nakakaasar.
Umuling ako at sinamaan siya ng tingin.
"Wala ka na dun. Huwag mong ibahin ang usapan. Basta binabalaan kita, huwag mo na gamitin si Ivan Arellano. Dahil bayad na siya."sabi ko at agad na siyang tinalikuran.
Kailangan ko ng makaalis dito. Hindi gusto ang katatakbuhan ng pag uusap namin kaya naglakad na paalis.
"Ikaw ang nag iiba sa usapan."rinig kong sabi niya dahilan para mapahinto ako.
Naramdaman ko ang paglapit niya kaya lumingon ako. Pagtingin ko ay nasa tapat ko na siya. Ang ngisi sa kaniyang labi ay walang pagsidlan.
"Ano kayang ginagawa ng isang mafioso sa Rivaille? Bakit siya nakikipag-kaibigan sa mga pipitsuging Gangsters? May hidden agenda ka ba? O baka naman si Queen Ice Beuertavle ang pakay mo?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa napakarami niyang tanong. Halatang ginigisa niya ako ng mga tanong upang mapaamin. Pero nanatili akong tahimik.
"Ano kayang mangyayari kapag nalaman ng lahat kung sino ka? Panigurado dudumugin ang Rivaille ng mga sira ulong mafian group."
Iritadong hinila ko ang damit niya gamit ang isang kamay ko.
"Fuck you! Subukan mong ilantad kung sino ako. Makikita mo kung paano ako maging kalaban."galit na sabi ko.
Hindi nawala ang ngisi niya. Halatang nasisiyahan siya sa kaniyang ginagawa.
"Tinatakot mo ba ako?"tanong niya.
Ako naman ang ngumisi.
"Bakit natatakot ka?"tanong ko.
Sumeryoso ang mukha niya at nakipagsukatan ng titig sa akin.
"Kahit ikaw ang pinaka-magaling na mafioso. Wala akong pakialam. Dahil hindi mo ko basta-basta matatakot."taas noo na sabi nito.
Mabilis ko siyang binitiwan at itinulak palayo sa akin.
"Itong tandaan mo, Light. Gangster ka lang. Mafioso ako. Malaki ang kaibahan natin. Huwag mo kong susubukan."babala ko at tinalikuran ko siyang muli.
Dire-diretso akong naglakad paalis.
"Kapag natalo ko si Devil! Ikaw ang isusunod ko!"rinig kong sigaw niya.
BINABASA MO ANG
LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)
ActionIsa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala pero maraming nagagawa. Isa siyang hari na malakas pero mayroon ding kahinaan. Isa siyang hari na matap...