Chapter 10: Future Boyfriend

635 21 8
                                    



Iritado kong sinipa-sipa ang bakanteng upuan sa tabi ko gamit ang kanang paa. Ilang beses ko itong ginawa. Nayayamot ako kaya gusto kong maglabas ng sama ng loob. Napatigil lamang ako ng may kung sinong sumipa sa kaliwang paa ko. Saktong pag angat ko ng tingin ay nakita ko si De Marchi na nakaupo sa kabilang side ng lamesa na nasa tapat ko pa.

Nakasimangot siya sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa librong nakapatong sa lamesa.

"Anong kabaliwan yang ginagawa mo?"tanong niya.

"Bad mood ako ngayon. Huwag mo kong kausapin."sagot ko at padabog na isinandal ang likuran sa sandalan ng upuan ko.

Nanatili siyang nakasimangot sabay iling.

"Bad mood din ako. Dahil istorbo ka sa pagbabasa ko."

Pagkasabi niya nun ay muli niyang ibinalik ang tingin sa librong nasa lamesa. Napabuga ako ng hangin at tahimik na sinuri ang paligid. Wala ng ibang tao dito sa meeting room kung hindi kami lang dalawa. Sobrang tahimik tuloy. Nag uwian na kasi ang iba naming mga kasamahan. Katatapos lang ng urgent meeting namin dito sa Apex Mansion.

"Bakit ba dito ka nagbabasa? Bakit di ka sa library? O sa sarili mong opisina?"naisip kong itanong.

Dito sa mansion ay may library kami. Nasa ikatlong palapag siya at sobrang laki ng silid na yun. Napakaraming librong makikita na more on sa aming mga mafioso or mafian. Itong si De Marchi ang numero unong tambay dun. Hindi na ako magtataka dahil sobrang talino ng Ungas na ito. Mahilig siyang magbasa ng libro lalo na yung mga nakakadugo ng utak.

"Hinihintay ko si Yashiro. May pinuntahanan lang. May importante kaming pag uusapan."sagot niya na ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa libro.

Napatango ako.

"About business?"

Umiling siya bilang tugon kaya natahimik na ako. Hanggang sa maalala ko na naman ang dahilan kung bakit naiinis ako ngayon. Nakasimangot na ginulo-gulo ko ang buhok ko. Napatigil lamang ako ng mapasulyap kay De Marchi na nakatingin na naman sa akin.

"Baliw ka na."sabi niya.

Sinimangutan ko siya sabay buga ng hangin.

"Naiinis lang kasi ako dun sa eskwelahan na pinapasukan ko ngayon."

Tumaas ang isang kilay niya sa narinig.

"School? Ginagawa mo na yung Special mission ni Lord A?"

"Yeah."agad kong sagot.

Natawa ako ng mabakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat sa sinabi ko.

"Totoo ang sinasabi ko. Bahala ka kung ayaw mong maniwala." Hindi ko masisisi itong si De Marchi bakit siya hindi naniniwala. Akala kasi nila pa easy-easy lang ako at isa sa pasaway dito sa Top Famiglias tulad ng iba. Hindi nila alam kabaligtaran yun.

"Okay. Good for you dahil masunurin ka na."

"Ikaw ba? Nagsimula ka na sa Special mission?"

Napabuntong hininga siya bago isinarado na ang nakabuklat niyang libro.

"Hindi pa. Saka na."

Hindi na ako nagsalita doon. Mukhang marami ring ka-artehan ang isang ito bago sundin ang Special mission na utos ko. Pero ayos lang, basta sumunod siya.

"So, anong kinaiinisan mo sa school na yun?"bigla niyang tanong.

Hindi agad ako nakasagot. Nag alangan ako bigla kung dapat ko bang ikuwento sa kaniya lalo na at hindi naman kami close na nag uusap about sa problema ko.

LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon