Ang paghinihintay ng byernes ay unti-unti ng natatapos. Mabilis na lumilipas ang mga oras at araw. Ngayon na ang araw na yun. Meaning mamayang gabi na mangyayari ang dapat mangyari. Alam kong nakahanda na ang dalawang grupo sa paglalabanan sa isat isa. Ako naman ay handa ng gawin ang naisip kong plano para kay Primo.
Humanda siya sa akin.
Pagbaba ko ng taxi ay naglakad ako agad papasok sa gate ng Zhilapeźa. Pansin kong abala ang ilan sa mga tauhan ng eskwelahan na akala mo ay may pinaghahandaan. Hanggang sa maalala ako ang mangyayari bukas ng gabi.
Napailing iling ako at nagpatuloy na sa paglakad. Hindi pa ako nakakarating sa building ng mga fourth year ng matigilan ako. Nakita ko si Fiona na naglalakad palapit sa akin.
"Long time no see!"masayang bati nito.
Tumango ako at tipid na ngumiti. Lihim ko siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Parang may nag iba sa kaniya sa nakalipas na ilang araw na hindi siya pumasok.
"Ayos ka na ba?"tanong ko.
Ngumiti siya.
"Oo, maayos na. Nakakamiss nga kayo, eh."sagot niya.
Nakakamiss? Ewan. Pero hindi ako naniniwala dun.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko?" Yun ang kinaiinisan ko nung lunes pa. Sayang ang load sa ginagamit kong pag kontak sa kaniya.
"Pasensya na, Alas. Nawawala kasi yung cellphone ko nung sabado pa."
"Kung nawawala. Bakit nakapag-text ka kay KJ?"
Nakita kong bahagya siyang natigilan sa tanong ko.
"Ah, naki-text lang ako nun. Sakto namang natatandaan ko ang number ni KJ."
"Ah."sabi ko nalang.
Palusot niya lang yan. Hindi niya na ako malilinlang. Ang tanong ngayon, bakit pati siya nagsisinungaling?
Kung iisiping mabuti, maaring kaming lahat ay nagsisinungaling. Sabagay sa panahon ngayon. Uso na ang pagsisinungaling.
"Bakit mo nga pala ako tinatawagan?"
Sandali akong nag isip kung dapat ko pa ba siyang tanungin sa mga nalaman ko. Kasi karapatan niya pa ring ipaliwanag ang kaniyang sarili. Pero wala rin sense yun. Dahil may posibilidad pa rin na magsinungaling siya.
"Nothing. Concern lang ako sa kalagayan mo. Magkaibigan tayo, diba?"
Agad siyang tumango tango.
"Tara. Sabay na tayo."pag aaya ko.
"Sige."pagpayag niya.
Sabay kaming naglakad papasok sa building. Dahil nasa unang palapag lang ang kaniyang classroom ay na una na siyang pumasok. Ako ay dumiretso na sa classroom kung saan kami naka-assign nila Primo. Pagpunta ko doon ay naabutan ko silang nasa labas.
Si Primo, Angelo at Ice. Kasama sina Ranjell, Kaito, Ivan, KJ at Primo.
"Anong mayroon at ang aga ninyong pumasok?"tanong ko ng makalapit sa kanila.
"Hindi kami maaga. Late kalang kamo."natatawang sabi ni KJ.
Dahil dun ay sinulyapan ko ang wrist watch ko. Nakita kong 7:25 na ng umaga.
Oo nga. Late nga lang ako ng dating.
"So, anong mayroon nga at nandito kayong lahat kasama namin?"pag uulit ko ng tanong habang nakatitig kay Kaito.
"Pagsasama-samahin daw tayo ngayon ni Light."sabi niya.
"Tama. Utos daw yun ni Light."sabi naman ni Primo kaya napatingin ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)
ActionIsa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala pero maraming nagagawa. Isa siyang hari na malakas pero mayroon ding kahinaan. Isa siyang hari na matap...