Chapter 34: Basted

372 16 20
                                    





Sa malawak na basketball gym ng Rivaille ay tahimik na nakaupo sa sahig ang lahat ng Fourth year students. Kabilang na ako, si Ice, Angelo, KJ, Ivan, Primo, Kaito at Ranjell. Magkakahanay kaming walo. Ganun din ang ibang estudyanteng nasa likuran naman namin.

Para kaming nasa intiation ng isang fraternity. Ganun kasi ang dating. Tapos ang mga hazers ay nasa unahan.

Ang head hazer kuno ay si Light. Kasama ang kaniyang mga galamay.

Wala kaming ideya kung bakit kami tinipon tipon dito. Samantalang sa mga oras na ito ay dapat nasa kani-kaniya na kaming mga classroom. Oras na kasi ng klase ngayon. Pero heto kami nag aaksaya ng oras dahil sa kagaguhan ni Light.

Napabuga ako ng hangin ng maglakad si Light papunta dito sa tapat namin. Taas noo siyang nakatingin sa lahat.

"Quiet! Ayoko ng maingay! May sasabihin ako!"malakas na sigaw nito na siyang nagpatigil sa bulung bulungan ng mga nasa likuran.

Nang tumahimik ay ngumisi siya at sumulyap sa aming mga nasa unahan.

"Alam ninyo naman siguro ang dahilan kung bakit nandito kami."patuloy niya.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Angelo kaya tinitigan ko siya. Napapagitnan kasi nila ako ni Ranjell.

"Don't tell me, tuluyan ng nabenta ang Rivaille?"mahina niyang tanong.

Agad akong tumango na siyang ikinadismaya ng mukha niya.

"Kaya pala nandito ang hambog na yan."sabi niya at inginuso si Light.

Hindi na ako umimik. Binalingan ko nalang ulit ng tingin si Light.

"Ang owner rights ng Rivaille ay wala na kay Levíticus Rivaille. Ito ay nasa kamay na ng aking Pamilya."paglalahad ni Light.

Ang kaniyang sinabi ay siyang nag-pa-ingay muli ng paligid. Samut-saring reaksyon ang inilabas ng iba pang estudyante. Ako ay hindi nagulat dahil kagabi ko pa alam ito ng mag usap kami ni Levíticus.

Ang ungas na iyon. Napaka-duwag.

"That means, malaya akong makakalabas pasok dito dahil ako na ang mag ma-manage nito simula ngayon."dagdag pa ni Light.

"Hindi pwede!"sigaw ni Ranjell kaya napatingin sa kaniya si Light pati na rin ang mga alalay nitong naka-bantay sa paligid.

Naglakad palapit si Light sa mismong tapat ni Ranjell. Nagulat ang lahat ng hatakin niya ang kwelyo ng uniporme ni Ranjell dahilan para kusang mapatayo ito.

"At sino ka para tumutol?"maangas na tanong ni Light.

Bago pa makasagot si Ranjell at sinikmuraan na siya ni Light. Nanlaki ang mga mata ko doon kaya napatayo na rin ako. Kasabay ni Primo at Kaito.

Inalalayan namin si Ranjell bago pa siya bumagsak sa sahig. Akmang gaganti siya ng pigilan namin ni Primo.

"Dude, relax."mahinang bulong sa kaniya ni Primo na narinig ko.

Galit na nanlilisik ang mga mata ni Ranjell kay Light.

"Maupo kayo. Hindi pa ako tapos magpaliwanag."utos ni Light sa aming apat na nakatayo.

Sinenyasan ko si Primo. Agad naman niyang naunawaan ang ibig kong iparating. Pilit niyang pinaupo si Ranjell kahit ayaw nito. Kami naman ni Kaito ay naupo na rin.

Muling bumalik sa gitna si Light para ipagpatuloy ang kaniyang sinasabi.

"Lahat kayo ay wala ng magagawa. Pagmamay-ari ko na ang Rivaille. Kaya kahit anong i-utos ko o gusto ko ay susunod kayo."sabi niya sa malakas na boses para marinig ng lahat.

LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon