"Alas, masakit na ang mga paa ko."reklamo niya sa ika-apat na beses.
Napabuga ako ng hangin at nilingon siya. Nakita kong nakahinto na siya. Ang kaniyang mukha ay nanatiling nakasimangot.
"Mahal na reyna naman. Wala pa nga tayo sa kalahati. Tapos masakit na agad mga paa mo? Hindi ka ba nag e-exercise?"
Hindi siya sumagot kaya nilapitan ko na siya.
"Masama yan. Mag exercise ka para mabanat yang buto mo. Galaw-galaw baka pumanaw."sabi ko pa sabay tawa.
Agad akong huminto sa pagtawa ng hampasin niya ang kanang braso ko. Bahagya akong napangiwi.
Lintik na babaeng ito. Ang bigat ng kamay.
"Bakit kasi hindi tayo sumakay ulit ng taxi?"
Inis na kinamot ko ang leeg ko ng marinig ang tanong niya.
"Wala ngang taxi na pumapasok dito sa subdivision ninyo. Hanggang dun sa highway lang ang mga taxi."paliwanag ko.
Pagka-alis namin sa school kanina ay sumakay kami ng taxi. Pero yung taxi na yun hindi na pumapasok hanggang dito sa kalooban ng kanilang subdivision kung saan kami naroroon. Ang lagay ngayon ay nilalakad namin ang mahabang daan dito patungo sa mansyon nila.
Dahil medyo malayo ito kaya todo reklamo na si Ice. Halatang hindi siya sanay sa mahabang lakaran.
"Next time kasi dalhin mo na ang kotse mo."
"Ayoko nga. Sayang ang gas."pagtanggi ko.
Muli niya akong hinampas sa braso kaya napangiwi na naman ako.
"Pulubi ka talaga."sabi niya at padabog na nagmartsa.
Natatawang sumunod naman ako sa kaniya.
"Wala kang choice. Pulubi talaga itong kakampi mo slash alila."
Sa tana ng buhay ko ngayon lang ako naging alila. Pasalamat talaga ang babaeng ito at gusto ko siya. Kung nagkataon ay baka nung una pala binatukbatukan ko na siya sa mga pinaggagawa niya sa akin.
Habang muli kaming nagpapatuloy sa paglalakad ay napansin kong natahimik na siya. Diretso ang tingin sa daan habang bitbit sa kanang balikat ang bag niya.
"Masanay ka na. Masaya namang maglakad."sabi ko.
Saglit niya akong tinitigan bago muling diretso ang atensyon sa daan.
"Ano pa nga ba. Bakit kasi pulubi ka."
Hindi ko mapigilang matawa doon.
"Nga pala, anong balak mo sa mga taong gustong pumatay saiyo?"naisip kong itanong.
Tumaas ang isang kilay niya sa narinig.
"Ibig kong sabihin, anong plano na ng naisip mo. Remember, kakampi mo ko diba? So, tutulungan kita."
Napatango siya sa narinig.
"Papatayin ko sila at tutulungan mo ko para magawa yun."
Bahagya akong napangisi habang nakatingin sa kaniya.
"Seryoso ka?"tanong ko.
"Yup. Papatayin ko sila bago pa nila akp mapatay."
Nakangiting napalakpak ako.
"Nice one. Tumatalino ang mahal na reyna."
Bigla akong natigilan ng hampasin niya ang batok ko. Nakangiwi ko siyang tinitigan.
BINABASA MO ANG
LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)
AçãoIsa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala pero maraming nagagawa. Isa siyang hari na malakas pero mayroon ding kahinaan. Isa siyang hari na matap...