Araw na ng byernes. Sa kasamaang palad hindi ako nakapasok kahapon. Sa kadahilanang marami akong inasikaso patungkol sa personal kong buhay at trabaho sa Top Famiglias na hindi pwedeng iutos lang.
Sa pag absent kong yun ay updated naman ako sa nangyayar sa Rivaille. Ayon kay Angelo na nakausap ko kagabi sa cellphone. Ipinagpatuloy nila ang paghahanap kay Jasper. Pero hindi nila makita. Napag isipan tuloy niya na mangalap pa ng info. Kasi baka naman first year, second year o fourth year na rin ang Jasper na yun.
Dahil wala nga silang napala kahapon. Ngayon ay ipagpapatuloy namin ito.
Bukod sa problema kay Jasper. May panibagong balita ang dumating sa Rivaille. Sa kwento pa ni Angelo, may bagong pag atake raw na ginawa sa ilang estudyante ng Zhilapeźa. Tapos sila Devil na naman ang pinagbibintangan. Ang masama pa rito, damay na ako.
Kaya pati pangalan ko matunog na sa mga Zhilapeźa. Isinama na rin nila ako dun sa limang Gangster na mortal na kaaway ni Light.
"Tss, pahamak talaga yan sila Jasper."mahina kong bulong.
Ngayong araw ay papasok na ako at kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa classroom. Tulad pa rin ng nakasanayan ay maaga akong nakarating dito sa Rivaille.
Nang makapasok sa classroom ay napuna kong wala pa si Ice kahit si Angelo at KJ. Mangilan ngilan palang ang narito. Tahimik akong nagtungo sa upuan ko at na upo roon. Habang naghihintay sa pagdating nila ay nakita ko ang sabay-sabay na pagpasok ng tatlong alalay ni Ivan.
Bahagya akong nagtaka ng lumapit sila sa akin.
"Anong kailangan ninyo?"agad kong tanong.
"Totoo ba yun? Kayo kayo may gawa?"pagtatanong ni Mark.
Sandaling kumunot ang noo ko bago na gets ang tinutukoy niya.
"Wala kaming alam dyan. May mga tao lang na gustong patindihin ang galit ni Light sa ating nga taga-Rivaille. Lalo na sa amin."paliwanag ko.
Hanggat hindi namin nahuhuli o nakikita si Jasper na isa sa mga gumagawa nito. Ipagpapatuloy lang nila ang pagpa-palala ng sitwasyon.
"Natatakot na ang karamihan sa mga nag aaral dito. Dahil anytime ay pwede ng gumanti sila Light."sabi ni Lenard.
Tumango tango si Scot sa narinig.
"At sinisisi nila kayo."
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Pinigilan ko ang sarili na hindi maasar dun. Ang aga-aga ayokong masira ang mood ko.
"Bahala sila. Pero wala kaming ginagawa dun."seryoso kong sabi.
Umiling iling si Lenard.
"Bakit kasi hindi ninyo gayahin si Boss Ivan. Nanahimik para makaiwas sa gulo."sabi niya at walang paalam na naglakad papunta sa kanilang mga upuan.
Nakasunod naman agad sa kaniya ang dalawa. Hindi ko na sila pinansin pa. Sakto namang dumating na si Ice kasabay pa si Angelo at KJ. Nginisian ko si Ice ng magkatitigan kami. Dedma lang siya at diretsong naglakad sa upuan niya para umupo.
Si Angelo at KJ ay lumapit pa sa akin. Ngayon ay nakatayo sila sa tapat ko.
"Bakit absent ka kahapon?"bungad na tanong ni KJ.
Ngumiwi ako at sinulyapan si Angelo.
"May personal problema lang na inayos."sagot ko.
Kahapon sobrang busy ko. Dumagdag pa yung Death Aniversarry ni Mom kaya nagtungo ako sa dati naming bahay. Nagulat pa nga ako ng sumulpot dun ang kapatid ko. Nakakatuwa na pumunta siya kaya magkasabay naming inalala ang pagkamatay ng aming Ina.
BINABASA MO ANG
LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)
ActionIsa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala pero maraming nagagawa. Isa siyang hari na malakas pero mayroon ding kahinaan. Isa siyang hari na matap...