Chapter 32: Another Crisis

363 17 15
                                    






Tulad ng napag usapan namin ay pupunta kami ngayong hapon sa Hospital para dalawin si Ivan. Dahil saktong uwian naman na ay diretso na kami dun. Sumakay kami sa sasakyan ni Ranjell tutal sa aming pito siya lang ang may dala.

Habang nasa byahe ay naisipan ni KJ na bumili ng mga prutas na ibibigay kay Ivan. Hinayaan nalang namin dahil siya naman may gusto nun at pera niya ang pinambili nito.

Wala pang bente minutos ay nakarating na kami sa Hospital. Naabutan namin sa labas ng kwarto ni Ivan ang kaniyang tatlong alalay.

Magkakatabing nakaupo ang tatlo sa mahabang upuan na nasa gilid ng pader. Napatayo sila ng makita kami.

"Anong ginagawa ninyo rito?"tanong ni Lenard na ang tingin ay nasa mga kasama ko.

"Obviously, dumadalaw."sagot ni KJ at inginuso ang hawak niyang mga prutas.

Ngumiwi si Mark sabay baling ng tingin sa akin.

"Hindi namin expected na isasama mo sila."sabi niya.

Akmang magsasalita ako ng sumabat si Primo.

"Bakit masama ba?"tanong niya.

"Wala naman. Nagulat lang kami."sabi ni Scott.

"Gusto namin siyang makausap."sabi naman ni Angelo.

Nanatiling tahimik si Kaito at Ice. Habang ako naman ay sinulyapan ang pintuan ng kwarto ni Ivan.

"Gising na ba siya?"tanong ko kay Lenard.

Tumango siya bilang sagot.

"Inaasahan ka nga niya. May gusto siyang sabihin saiyo."paliwanag niya pa.

Tumitig ako sa aking mga kasama. May bigla akong naisip sabihin.

"Ako muna ang papasok. Dito muna kayo."

Nagkatinginan sila sa isat-isa bago magkakasabay na tumango. Except kay Ice na poker face na naman.

Agad ko silang tinalikuran at naglakad palapit sa pintuan. Pinihit ko pakanan ang siradura at binuksan ang pintuan. Nang bumukas ay humakbang na ako papasok. Tapos ay isinarado na ulit ito. Bumungad sa akin ang tahimik na paligid. Ramdam ko ang katamtamang lamig na nagmumula sa aircon ng silid.

Nakita ko si Ivan na nakaupo sa kaniyang kama habang tahimik na nakatitig sa bukas na bintana nitong silid.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya. Huminto ako ng makarating sa tapat mismo ng kaniyang kama. Naramdaman niya ang presensya ko kaya tumitig siya sa akin.

Napansin ko ang bendang nakapulupot sa kaniyang ulo. May bandage siyang nakatapal sa magkabilang pisngi niya. Dagdag pa dyan ang nasa magkabilang braso. Ito at dulot ng nangyari sa kaniya kahapon.

"Kamusta?"tanong ko.

Bumuga siya ng hangin bago ngumiti ng tipid.

"Ayos na. Kailangan ko ng magpahinga pa."

Napatango ako sa kaniyang sinabi. Mukha ngang okay naman siya. Yun nga lang, halata pa talaga ang mga sugat at pasa niya.

"Magpahinga ka lang. Para makapasok ka na sa Rivaille."sabi ko.

"Ikaw ang nagbayad ng utang namin?"bigla niyang tanong.

Hindi na ako nagulat. Alam kong itatanong niya rin ito sa akin. Malamang nakarating na sa kaniya ang balita tungkol dun.

"Paano mo nalaman?" May hula akong sinabi ito sa kaniya ni Light.

"Tinawagan ko si Light ngayon lang. Pumapayag na siyang umatras ako sa usapan namin. Bayad naman na raw ako."

LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon