Someone POV
Napabuga ako ng hangin ng makapasok sa malawak at tahimik na mansyon. Agad akong sinalubong ng isang katulong na matagal ng naninilbihan dito.
"Good evening po, Boss."magalang na bati nito.
Ang mansyon na ito ay may iilan lang na kasambahay at tauhan. Kahit pa sobrang laki nito at lawak. Hiling na rin siguro ng may-ari lalo na at gusto nito ng katahimikan.
Tumango lang ako sa katulong at diretsong naglakad paakyat ng hagdan. Ilang beses na akong pabalik-balik dito kaya alam ko na ang bawat pasikot-sikot ng kabahayan. Kilala na rin ako ng mga tauhan sa mansyon na ito kaya wala silang reklamo kapag biglaan akong pumunta.
Pag-akyat sa ika-apat na palapag ay dumiretso ako sa isang silid. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang nakakabibinging katahimikan. Pumasok ako sa loob at binuksan ang ilaw.
Tahimik akong naglakad palapit sa kama at umupo doon. Iginala ko ang tingin sa kabuan ng silid. Kung titigang mabuti, obvious na lalaki ang may-ari nito dahil sa kulay at mga kagamitan na nandito. Malinis pa at simple lang pero walang buhay. Para kang nasa kadiliman kapag nandito ka sa loob. Hindi ko alam bakit ganitong klase ng silid ang gusto niya. Nakakawalang gana kasi para sa akin.
Iiling iling na hinimas ko ang aking batok. I can't believe, pati yun pinupuna ako. Bahala siya buhay niya at gusto niya. Magkaiba naman kaming dalawa.
Pagod akong humilata ng higa sa kama at tumitig sa kisame.
"Buo na ang desisyon ko. Mananatili na ako rito. Sa ayaw at sa gusto mo."sabi ko.
Nakaramdam ako ng kaginhawaan habang iniisip ang mga plano ko para sa susunod na araw. Think positive lang at walang magiging problema.
Sa patuloy na pagmu-muni ay nakaramdam ako ng pagkainip at antok kaya naipikit ko ang aking mga mata. Tuluyan na akong dinalaw ng antok. Dahil malambot na kama ang aking hinihigaan at malamig na aircon ang dumadampi sa aking balat. Napasarap ang tulog ko.
Nagising lang ako dahil sa malakas na tunog. Iminulat ko ang aking mga mata. Humihikab na bumangon ako mula sa pagkakahiga.
"Shit. Umaga na."bigla kong na sabi ng mapatitig sa wall clock na nandito sa silid.
Pasado alas dyes na ng umaga. Napatayo ako sa kama at nagmamadaling lumabas ng silid. Sakto namang napadaan ang isa sa katulong dito sa mansyon.
"Umuwi ba siya?"tanong ko.
Umiling ang katulong.
"Hindi po, Boss."sagot nito.
Nadismaya ako at walang paalam na bumalik sa silid. Kinuha ko agad ang cellphone sa aking bulsa at mabilis na idinayal ang kaniyang numero. Sinusubukan ko siyang tawagan ngayon. Pero napakunot noo ako ng marinig na operator lang ang sumasagot sa tawag ko.
What the hell. Anong nangyayari? Nasaan na siya?
Ilang beses ko pang tinawagan siya. Pero wala talaga. Hindi siya sumasagot. Naka-off yata ang cellphone niya. Nag decide nalang ako ng maghintay pa. So, nag stay pa ako sa mansyon ng hanggang gabi. Dito na ako naligo at kumain. Buti nalang may dala akong mga kaunting damit.
Nag try ulit akong tawagan siya pero wala talaga. Nagsimula na akong mag alala. Simula ng magkakilala kami ay never niya pang hindi sinasagot ang mga tawag ko. Unless, kung may masama na ngang nangyari sa kaniya.
Sa mga oras na ito tuloy hindi na ako mapakali. Masama ang kutob ko. Sandali akong nag isip ng gagawin. Pero natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ng isa sa mga tauhan ko.
BINABASA MO ANG
LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)
ActionIsa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala pero maraming nagagawa. Isa siyang hari na malakas pero mayroon ding kahinaan. Isa siyang hari na matap...