Kung nakakamatay lang ang titig ay baka pinaglalamayan na ako ngayon. Ito kasing si Kaito at Ranjell ay grabe makatitig sa akin. Parehas silang galit sa pakikialam ko sa away nilang walang kwenta.
Okay sana kung sa ibang lugar sila nag aaway. Wala akong pakialam kahit magpatayan pa sila. Pero nandito sila sa loob ng Cafeteria at marami ng naiistorbo sa kanila. Tulad ko. Kanina pa ako nagugutom.
Gusto ko ng kumain ng tanghalian lalo na kasabay ko si Ice ngayon. Kaya para mangyari yun ay aawatin ko na ang mga isip batang ito.
"Huling babala na ito, Alas. Huwag kang makialam dahil sasamain ka sa akin. Kailangan ko pang turuan ng leksyon yan."sabi ni Ranjell sabay titig kay Kaito.
Nakita ko naman ang nakakairitang ngisi ni Kaito.
"Really? Hindi ko kailangan ng leksyon. Especially sa duwag na tulad mo."mapang asar na sabi ni Kaito.
Hindi na nakatiis pa si Ranjell. Malakas siyang napamura at dali-daling sinugod si Kaito. Akmang susuntukin niya ito ng magawa kong pigilan ang kanang kamao niya gamit ang kanang kamay ko.
Parehas silang napapatitig sa aking dalawa.
"Tangina, Alas!"malakas na bulalas ni Ranjell.
"Papansin ka talaga, no?"sabi ni Kaito.
Bumuga ako ng hangin bago binitiwan ang kamao ni Ranjell. Mabilis ko siyang sinipa sa kanang binti dahilan para bahagya siyang mapayuko.
Pagtapos kay Ranjell ay binalingan ko si Kaito. Sinipa ko rin ito sa kanang binti. Kaya na paatras siya palayo sa akin.
Pinigilan kong matawa ng makita ang itsura nilang dalawa na nagulat sa ginawa ko. Pero saglit lang yun dahil ngayon ay masama na naman ang titig nila sa akin.
"Sabi ko, tama na."
Parehas na naka-igting ang kanilang panga. Napakamot ako sa aking batok. Mukhang tama si Angelo mahirap makipag usap sa dalawang ito.
Nakaka-stress lang.
"Imbes na mag away. Bakit hindi kayo magtulungan kasama si Devil, Ivan at si Primo para masolusyunan ang problema ninyo sa mga taga-Zhilapeźa."dagdag ko pa at sinulyapan si Primo na nanatiling nakatayo sa isang tabi.
Kasama niya doon si Angelo, KJ at Ice.
Habang ang ibang mga estudyante ay nasa paligid lang nitong Cafeteria at tahimik na nanunuod sa naganap dito.
Iritadong napailing si Ranjell. Habang si Kaito ay nakakuyom ang dalawang kamao.
"Magtulungan? Malabo yan. Lalo na kung may mga duwag na tulad nila."sabi ni Kaito.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Ranjell sa narinig. Akmang susugurin niya ulit si Kaito ng humarang ako.
"Sabi ng tama na."sabi ko.
Hindi ako pinansin ni Ranjell. Ibinaling lang ang tingin kay Kaito.
"Ito ang tandaan mo, Ranjell. Gagawin ko, kung ano ang gusto ko. Hindi ninyo ko mapipigilan."seryosong sabi ni Kaito at walang paalam na naglakad palabas ng Cafeteria.
Napabuga ako ng hangin at sinulyapan si Ranjell na umiiling iling habang nakayuko.
"Anong gagawin mo ngayon?"naisip kong itanong.
Agad siyang nag angat ng tingin at sinimangutan ako.
"Wala ka na dun."sagot niya at tinalikuran ako.
Dire-diretso siyang naglakad na paalis. Nakita ko sa mukha ng mga tao dito ang kaginhawaan matapos ang pag alis ni Ranjell at Kaito.
"Alas!"rinig kong tawag sa akin ng kung sino.
BINABASA MO ANG
LORD A - Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)
ActionIsa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala pero maraming nagagawa. Isa siyang hari na malakas pero mayroon ding kahinaan. Isa siyang hari na matap...