Chapter 2 - [Flashback] Meeting Him

40 0 0
                                    

CHAPTER 2 – [Flashback] Meeting Him

Christine’s POV

(4th Year Highschool)

September 10, XXXX

“Mandy! Happy Birthday! 18 ka na! Pwede ka nang magpabuntis!”

“Ulol ka talaga Minnie. Pero anyway, salamat sa greetings!”

“Happy Birthday Mandy. Ito oh, gift ko sa’yo.”

“WOOOOOOOOOW! Omg. Christine, thank you ng bonggang bongga! ^________^V”

Tuwang-tuwa ang loka-loka. Alam niyo ba ang gift ko sa kanya? Ferrero Rocher lang naman, ung pinakamalaking box.

“Alam mo talaga kung ano ung favorite ko at nag-abala ka pang regaluhan ako. Di tulad ng IBA diyan. Naku. Wala na ngang regalo, nang-aasar pa. T3T”

“Hoy! Anong walang regalo? Meron akong gift for you. Hintayin mo lang siya, I’m sure matutuwa ka.”

“Siya? So ibig sabihin tao?”

“Malamang. Diba panghalip panao ang SIYA, personal pronoun in English. Personal. Tanggalin mo ang AL sa Personal, e di Person, diba? Ano sa Tagalog ang Person, e di Tao! Hay naku Mandy, gamitin mo minsan ung utak mo, pwede?”

“Tangina mo talaga. Oo o hindi lang naman isasagot mo, nangungutya ka pa.”

“Hahahaha! E kasi naman ung tanong mo, nakakabobo.”

“Pero srsly, tao ang regalo mo sa akin?”

“Oo nga. At di lang basta tao, isang gwapong nilalang.”

“Gwapo? Lalaki ‘yan?”

“Ay pucha, malamang! Mandy naman oh! Common sense.”

“Hihihihihi. Bakit mo naman ako reregaluhan ng isang gwapong lalaki?”

Di na nasagot ni Minnie ang tanong ni Mandy dahil biglang pumasok yung epal naming teacher sa TLE. TLE kasi ung first subject namin e.

“Good morning class.”

“Good morning Ma’am.”

“Okay. Settle down. Bago ako magdiscuss sa inyo, ipakikilala ko muna sa inyo ang bago niyong kaklase. Kung nagtataka kayo kung bakit September na ay may transferee pa rin, e wala na kayo dun.”

Aba! Gaguu ‘tong teacher na ‘to ah! Kinalabit ni Minnie si Mandy at bumulong.

“Uy Mandy, ayan na ung regalo ko sa’yo.”

“Now, Mr. Alvarez, please come in and introduce yourself.”

Ayun. Pumasok na si Mr. Transferee at biglang napanganga ang mga kaklase kong babae at beki dahil PAKSHET! Sobrang gwapo lang naman nung transferee. Pati ako nakanganga na rin pala.

(Bahala na kayo kung ano ang gusto niyong itsura nung transferee, basta gwapo siya. Use your imagination readers. J)

Ayan na magsasalita na si Mr. Transferee.

“Good morning. I’m Tristan Alvarez. Nice meeting you all.”

Ngek? Hahaha. Yun na ung introduction niya. Ang haba ah. Di ko kinaya. Pero ayos lang, ang gwapo naman niya. Hahaha. Tristan pala pangalan mo ah. Crush na kita! :D

Happily Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon