CHAPTER 12 – [Flashback] Pwede Ba?
Kurt’s POV
YES! Nasabi ko rin sa kanya.
Ang hirap nun ah.
Sobra ang kaba ko kanina.
Natatakot ako e.
Baka kasi hindi siya pumayag e.
Pahiya naman ako pag ganun.
Ang gwapong katulad ko dapat di napapahiya.
Para sa isang lalaki, mahirap pag natatapakan ang iyong ego.
Pero para sa kanya, handa akong matapakan ‘yon.
Handa akong mareject.
“Sige.”
Pero buti na lang, pumayag siya.
Abby, salamat sa chance na ibinigay mo sa akin.
Salamat at pumayag kang makipagdate sa akin.
Though hindi ko sinabing magdate talaga kami, pero ganun na rin ‘yon.
Nakakahiya naman kasi, andun din ung mga kaibigan niya kanina.
Pero okay na ‘yon, at least nasabi ko sa kanya ng maayos at pumayag naman siya.
^_______^
Si Abby. Mahal ko si Abby, matagal na. Elementary pa lang kami. Nung una syempre crush lang ’yon pero habang tumatagal, lumalalim ung nararamdaman ko para sa kanya. Pero kanina lang ako nagkaroon ng pagkakataon para makalapit sa kanya. Dati kasi, tinitingnan ko lang siya from a distance. Nahihiya ako lumapit e. Pero kanina, nung tinamaan siya ng bola sabi ko sa sarili ko, ‘This is it. Ito na ung chance ko.’. Though nag-aalangan pa ako lumapit nung una kasi natamaan ko nga ng bola, mamaya magalit sa akin ‘to, e di mas lalong nawalan ako ng chance sa kanya. Pero nilakasan ko loob ko. It’s now or never. Lumapit na ako sa kanya. Grabe, ganito pala siya kaganda kapag malapitan.
“Miss, sorry. Pasensya na talaga. Sorry, di namin kayo napansin. Ang careless ko. Sorry talaga. Okay ka lang ba?”
Ang tanga mo Kurt! Malamang hindi okay, tinamaan ‘yan ng bola! Ano bang tanong ‘yan? Parang tanga lang.
“CARELESS KA TALAGA! SOBRANG CARELESS! TAPOS TATANONG KA PA DIYAN KUNG OKAY AKO?! SA TINGIN MO, MUKHA BA AKONG—*gulps*—o-okay? –Abby
Oh see? Galit pa siya sa’yo. Patay ka diha! Pero teka, bakit biglang&hel
BINABASA MO ANG
Happily Never After
Teen FictionBecause not everyone can have a happily ever after.