CHAPTER 5 – [Flashback] New Friend
Christine’s POV
Pagpasok ko sa classroom…
“Hoy babae! Langya ka, iniwan mo kami sa may cafeteria kanina. Pikon much ka.” –Mandy
“Wala tayong teacher kaya party party tayo!” –Minnie
Mukhang tanga talaga ‘tong dalawang ‘to. Di ko na lang pinansin. Dumiretso na ako sa upuan ko. Ayos. Walang teacher. Dreamland, here I come!
“Pero, intense yung kanina ah. In fairness. Nagkaroon ka ng lakas ng loob.” –Mandy
Nagtaka ako. What the hell is Mandy talking about?
“Huh? Wtf. Sira na tuktok mo Mandy.” –AKO
“Nakita at narinig namin kayo ni Tristan kanina. Dun sa may hallway. Malapit sa mga lockers. Hihihihi. Umaariba ka sis!” –Minnie
OH SHOOT! Nakita nila ‘yon?! As in, lahat-lahat nang ‘yon?! Oh fuck.
“But the sad thing is, nireject siya ng kanyang knight-in-shining-armor pagkatapos siyang iligtas nito. Hahaha! :)” –Mandy
O_____________________O
“Alam niyo ang ingay niyo talaga. Tumigil na nga kayo. Kayo rin naman dahilan kung bakit nalaman niya yun e. Kayo pa ‘tong may ganang mang-asar.” –AKO
“Anong kami? Paanong kami?” –Minnie
“Narinig niya tayo kanina sa may cafeteria nung nag-uusap tayo.” –AKO
“Is that so? Hayaan mo na Tine. Narinig na niya e. XD” –Minnie
“Anong hayaan? Kung di niya narinig at nalaman ‘yon, di ako mapipilitan magconfess sa kanya kanina! Grr.” – AKO
“Bakit di mo dineny? May magagawa ka pa ba, e nandyan na. But tell me Tine, anong feeling nung nireject ka niya kanina? >:)” –Mandy
Naku! Nang-asar pa ‘tong babaeng ‘to. Pasalamat siya at best friend ko siya.
“Mandy, ano ba sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon? Mukha ba akong masaya? Hays.” –AKO
“Aww. Our cute little Christine had her first heartbreak na. :’(“ –Minnie
“OA talaga kayo. Crush lang ‘yon ‘no. Duhh. I feel bad but not that bad na parang brokenhearted ako ‘no. :P” –AKO
“May mission tayo.” –Minnie
“Mission?” –Mandy
“Yup. Mission. Kailangan natin malaman kung sino ung babaeng gusto ni Fafa Tristan.” –Minnie
“Oy oy oy. Wag na kayong makialam, ok?” –AKO
“Pabor pa nga sa’yo ‘yon e. Kailangan makilala natin kung sino siya. Kung mas maganda sa’yo, KFine. Pero kung mukhang pwet ng frying pan—“
“Minnie, hindi ito ang oras para magpakabitch ka.” –AKO
“Ikaw na nga ‘tong gustong tulungan e. Para namang ayaw mong malaman.” –Minnie
“Gusto ko. Oo, curious ako. Pero pag malaman ko na kung sino, okay na. Tapos na. The end. Wala akong gagawin sa kanya. I’m not a bitch like you. :P” –AKO
“I’m not a bitch.” –Minnie
“Yes, you are.” –AKO
“KFineWhatever. Magandang bitch naman. :P” –Minnie
“Sino nagsabi?” –AKO
“Si Mandy. :P” –Minnie
Nagtawanan lang ung dalawang bruhilda. Makatulog na nga lang.
ZZZZZZZZZZZ…
*poke poke*
*poke poke*
Sino ba ‘to? Kalabit ng kalabit. Kita nang natutulog ung tao e.
ZZZZZZZZZZZZZ………
*poke*
*poke*
“Hey Tine! Don’t be rude! Get up! Someone wants to be your friend.” –Mandy
“Huy. Si Tristan yang kumakalabit sa’yo.” –Minnie
Napabangon naman ako.
“Hahaha. Gotcha. ^___^V” –Minnie
Epal ka talaga Minnie. May araw ka din sa akin.
“Hi.” –sabi ng isang cute na babae. Classmate ko ito ah. Kaso di ko alam pangalan e. Masyado kasi siyang tahimik kaya parang invisible siya sa klase.
“Hello. :)” –AKO
“Ako nga pala si Abby. Abby Samonte.” –Abby. Tapos nilahad niya sa akin ung palad niya para makipagshake hands.
“Christine. Christine Villarama. Nice meeting you Abby.” –AKO. Inabot ko ung kamay ko para makipagshake hands na rin.
“Uh, Abby. Sila nga pala sina—“
“Kilala niya na kami. Friend na namin siya kanina pa. Ikaw na lang hindi. Tulog kasi ng tulog.” -Mandy
“Pasensya na kung nakikiepal ako sa inyo ah. Naaawa na kasi ako sa sarili ko e. Ang tagal ko ng pumapasok dito pero hanggang ngayon wala pa rin akong kaibigan. Kaya nga nilakasan ko na ang loob kong lumapit sa inyo para kahit papaano may makausap na ako. Pero kung ayaw niyo sa akin, okay lang din.” –Abby
Grabe, ang ganda na mabait pa.
“Ano ka ba! Syempre OK lang sa amin ‘no. The more, the merrier nga diba.” –AKO
“Talaga? Naku, thank you ah! Di talaga ako nagkamali sa piniling magiging kaibigan.” –Abby
“Matanong ko lang Abby. Bakit kami ung napili mong lapitan at kaibiganin?” –Minnie
“Hehehe. E kasi parang feeling ko kayo lang ang madaling iapproach at kayo lang ang magiging kavibes ko. Mukhang tama naman ako. :)” –Abby
“Naku, magbackout ka na habang maaga pa. Pagsisisihan mo ung dalawang ‘to. HAHAHA!” –AKO
Tinuro ko sina Mandy at Minnie.
“Grabe ka naman Tine. Brokenhearted ka lang kaya mo nasasabi ‘yan.” –Minnie
Pinandilatan ko siya ng mata. Anak ng teteng. Ichichika agad ako kay Abby. Tokwa talaga ‘tong dalawang ‘to.
“Brokenhearted? Bakit?” –Abby
“Wala. Wag ka makinig diyan. Walang sinasabing katotohanan ‘yan.” –AKO
“Halika, sa cafeteria tayo at baka may makarinig sa atin ditto. Mahirap na. Maging toro pa ‘tong si Tine.” –Mandy
“Huh? Oh sige.” –Abby
Napafacepalm na lang ako. (Sa mga di nakakaalam ng facepalm, search niyo na lang. :P) Napilitan na akong sumama kasi baka mamaya kung ano pang kwentong kagayatan ang masabi ni Mandy at Minnie kay Abby.
BINABASA MO ANG
Happily Never After
Ficção AdolescenteBecause not everyone can have a happily ever after.