CHAPTER 10 – [Flashback] Kurt
Abby’s POV
Kanina pa ako text ng text kay Tristan. Aish. Sabi niya magpapakita na siya sa akin ngayon araw sa school. Bakit hanggang ngayon wala pa rin siya? Dapat ngayon ko ipapakilala sina Mandy, Minnie at si Christine sa kanya. Mukhang wala atang balak magpakita sa akin ang lalaking yun. Aga aga binabadtrip niya ako.
“Why so serious?” –Mandy
Nandito kami ngayon sa school gymnasium. Wala kaming klase kasi general practice ngayon para sa United Nations’ Day namin sa school. Tambay lang muna kami dito habang nanonood sa mga gwapong varsity players na nagpapractice para sa upcoming interschool championship game nila. Tsaka, meron akong gustong panoorin sa kanila.
Si Kurt.
Gusto ko si Kurt matagal na. Kaso parang di naman niya ako napapansin. Nahihiya naman akong magpapansin sa kanya. Baka isipin niya isa lang din ako sa napakarami niyang fan girls na nagkakandarapa sa kanya dito sa school. But no. Gusto ko si Kurt di lang dahil gwapo siya, dahil…dahil…dahil…basta. Gusto ko siya, walang halong lust. Pero sabi ko sa sarili ko, 4th year na ako. This year graduating na ako. Kailangan bago kami gumraduate, mapansin niya na ako. ‘Yan ang ipinangako ko sa sarili ko. Ngayon, kailangan ko na lakasan ang—ARAY!
“ARAY! Shit.” –AKO
Packing tape. Natamaan ako ng bola. Tangina, ang lakas nun ah!
“Oh my. Abby—hinawakan niya ung ulo ko—may bukol ka!” –Mandy
Hinawakan ko at—MERON NGA! Ang bilis naman magkabukol.
Huhuhuhu. Kasi naman e. Di nag-iingat e. T______T
“Miss, sorry. Pasensya na talaga. Sorry, di namin kayo napansin. Ang careless ko. Sorry talaga. Okay ka lang ba?”
Di ko nakikita kung sino ung nagsasalita. Nakatingin ako sa salamin e. Ang laki nung bukol ko! Tinatanong pa kung okay ako?! Gago pala ‘to eh! Ikaw kaya matamaan ng bola?! T__T
“CARELESS KA TALAGA! SOBRANG CARELESS! TAPOS TATANONG KA PA DIYAN KUNG OKAY AKO?! SA TINGIN MO, MUKHA BA AKONG—*gulps*—o-okay? –AKO
Natameme ako nung makita ko kung sino ung nakatama sa akin nung bola.
Si…
Si…
Si…
Si…
Si Kurt.
SI KURT?!?!? O___O
Sige lang Kurt. Kahit batuhin mo ako ng batuhin ng bola. Ayos lang. Basta ikaw ang babato! Jusmiyo. Lumalandi ako. ERASE ERASE! Joke lang yun. Pero teka, totoo ba ‘tong nakikita ko? Nasa harapan ko ngayon si Kurt, nagsosorry sa akin? Nagsalita ulit siya.
“Miss ayos ka lang ba?” –Kurt
“Sa tingin mo ba ayos ung kaibigan namin? E kung binabato kita ng bola diyan para malaman mo ang sagot sa tanong mo! Kita mo na ngang may bukol e!” -Christine
“Naku, pasensya na talaga. Halika, dadalhin na kita sa clinic. Sorry talaga.” –Kurt
“Sorry ka ng sorry, may magagawa pa ba ‘yang sorry mo e andyan na ung malaking bukol. Tss.” –Minnie
“Dapat lang na dalhin mo siya sa clinic ‘no. Mamaya magkaroon pa siya ng hemorrhage o tumor sa utak dahil sa’yo.” –Mandy
BINABASA MO ANG
Happily Never After
Teen FictionBecause not everyone can have a happily ever after.