Chapter 15 - [Flashback] Sleepless Night

23 0 0
                                    

CHAPTER 15 – [Flashback] Sleepless Night

Christine’s POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, sa hotel na tinutuluyan namin dito sa Batangas. Nakahiga ako at nakatingin lang sa kisame. Di ako makatulog. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Hindi ko pa rin matanggap yung mga narinig ko kanina.

Nung mga oras na yun, buong akala niya si Abby ako.

(Flashback)

Nang makaalis si Abby, umalis na rin ako. Sinundan ko si Tristan.

Kumatok ako.

 “Pasok.”

Pumasok na ako.

Grabe. Ang gulo ng living room. Nakakalat lahat ng gamit. Ang daming bote. And Tristan looks really wasted. Nakakaawa siya tingnan.

“Tristan.”

“Hmm?”

“Kung ano man ang problema mo, sabihin mo sa akin. Andito lang ako, makikinig ako sa’yo.”

“Pag sinabi ko ba sa’yo, hindi mo ako lalayuan?”

Huh? Bakit naman kita lalayuan Tristan?

“Ano ka ba, syempre hindi ‘no!”

“Sigurado ka?”

“Oo naman. Sabihin mo na sa akin. Bakit ka ba umalis nang hindi man lang nagsasabi kung saan ka pupunta? May iniiwasan ka ba?”

“Ikaw.”

AKO?! AKO DAW?! BAKIT AKO?! Ganun niya ba ako ka-hate to the extent na hindi siya nagpakita ng tatlong buwan sa amin? TATLONG BUWAN!

“Anong ako?”

“Ikaw, iniiwasan kita. Ayaw kitang makita.”

Fuck shit. Masakit dahil sa kanya mismo nanggaling.

“Bakit naman?”

“Naiinis ako.”

Sige, magtanong ka pa Christine. Para kang tanga, umalis ka na lang. Baka kung ano pa marinig mo.

Pero hindi ako umalis. Ewan ko ba pero parang gusto ko lang muna dito sa tabi niya. I want to hear more.

“Naiinis ka sa akin?”

“Hindi. Naiinis ako sa sarili ko.”

Naiinis daw siya sa sarili niya? Tama ba narinig ko?

“Bakit?”

“Kasi hindi ko masabi ung tunay kong nararamdaman sa’yo. Pilit kong itinatago kahit hirap na hirap na ako.”

I’m confused. Tunay niyang nararamdaman para sa akin? Itinatago? Hirap na hirap? What’s this all about?

“A-Anong ibig mong sabihin?”

“Kaso paano ko pa yun masasabi sa’yo ngayon kung andyan na yung pesteng Kurt na ‘yon na nanliligaw sa’yo?!”

Napatigil si ako. Nanliligaw? E wala pa ngang nanlili—

Happily Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon