CHAPTER 3 – [Flashback] Straightforward
Di ko na lang sila pinansin. Ang OA naman kasi e. Parang crush lang. Nagdire-diretso na lang ako papunta sa locker ko para kunin ung mga libro ko for the next subject. Nung naglalakad na ako papunta sa room, nabangga ako ng isang grupo ng mga lalaki. Nalaglag tuloy ung mga bitbit kong libro.
“HOY PANGET!” –AKO
“Sino sinasabihan mong panget?!” –sabi yan nung parang leader nila na siga-sigaan akala mo naman gwapo
“Sino pa ba?! Ikaw lang naman panget dito e! Ay hindi lang pala ikaw, pati pala ung mga kasama mo! :P” –AKO
“Loko ‘to ah.” –Panget#1
“Sa susunod kasi, tingnan niyo yung dinadaanan niyo. Harutan kasi ng harutan e. Tss.” –AKO
“Wala kang pakialam kung gusto naming magharutan.” –Panget#2
“Aba’t sumasagot ka pa ah! Pulutin mo na lang ung mga nalaglag kong gamit.” –AKO
Demanding na kung demanding. Alangan namang ako pa rin magpulot nung mga libro ako na nga ‘tong nabangga. Hinintay kong pulutin nila ung mga gamit ko.
1…
2…
3…
4…
5…
ABA! Anak ng tokwa, di natitinag ‘tong mga ‘to!
“HOY! Aba di ba tala—“
“Bakit di niyo kunin ung gamit niya?”
OMO! O________________________O
Nagulat din ung mga panget dun sa nagsalita. Si Tristan? Anong ginagawa niya dito?
“Pulutin niyo.” –Tristan
“Hoy ikaw! Kabago-bago mo pa lang dito, kung umasta ka akala mo kung sino ka!” –Panget#3
*BOOGSH*
Sinapak lang naman ni Tristan ung panget na yun! HA! Good for him, para mas lalo siyang pumanget. Biglang nagtakbuhan ung mga kasama ni panget na mga panget din. E weak naman pala yung mga yun! Lalaki ng mga katawan mga bano naman. >:))))))
Yumuko si Tristan, kinuha ung mga gamit ko at inabot sa akin.
O/////////////////O
Teka, nag-init ung mukha ko, bakit ganun? HALA! Baka nagbublush na ako. Shit! Shit! Shit! Dapat di ako makita ni Tristan na nagbublush. Oh holy fuck.
“Oh.” –Tristan
“H-Ha? A-Ay s-salamat pala. Hehehe. :)” –AKO
Tinitigan niya ako ng matagal. OHMYGOSH. As in eye-to-eye. Pakshet. Bakit naman niya ako tinititigan? Nakakailang. Lalo na ata akong namumula.
“Nagbublush ka.” –Tristan
“……………………..” –speechless si ako. Kitang-kita niya akong magblush. Sa harapan pa mismo niya. Nakakahiya. >___________<
“Alam ko crush mo ako. Narinig ko kayo sa may cafeteria kanina. Wag mong bigyan masyado ng malisya ung pagpulot ko ng gamit mo ngayon. Ginagawa ko lang ang dapat gawin ng isang gentleman. Di kita type. Wag ka masyado mag-assume.” –Tristan
OUCH.
Napaka-straightforward namannito magsalita. Akala ba niya di ako nasasaktan? Chos. Pero grabe lang. Nasabi niya ‘yon ng diretso. At tsaka ano daw? Narinig niya kami sa may cafeteria kanina? Ay shit naman oh. Hirap pag may kaibigan kang maiingay. Natameme ako dun sa sinabi niya. Pero, when I snapped back to my senses, nagrespond ako sa mga sinabi niya.
“Oo. Crush nga kita. May masama ba doon? Hindi naman bawal magka-crush sa’yo e. Kaya hayaan mo na lang ako. Tsaka di lang naman ako nagkakacrush sa’yo dito ‘no.” –AKO
GRABE! Nasabi ko ba talaga sa kanya ng harap-harapan ‘yon?
“Di ko rin naman sinabing masama kung magkakacrush ka sa akin. Ayoko lang kasing umasa ka. Karamihan kasi sa mga babae, pag ung crush nilang lalaki may ginawang maganda sa kanila, iisipin agad nila na may gusto rin sa kanila ung lalaki.” –Tristan
“Di naman lahat ng babae ganun. Pero kung ganun ang iniisip mo sa kanila, wala na akong magagawa. Ito lang masasabi ko sa’yo. Ibahin mo ako sa ibang babae, di naman ako mahilig mag-assume. Lalo pa ngayon na mismong ikaw ang nagsabi sa akin. Pero hindi ko sinasabi na mag-gigive up ako sa’yo. Crush pa rin kita kahit ang rude mo sa akin ngayon.” –AKO
“Di kita gusto at di kita magugustuhan Christine. I already LOVE someone. But we can be friends, kung gusto mo.” –Tristan
OUCH.
“That someone, does she love you?” –AKO
Oh ano Tristan, basag ka ngayon! Loko ka ah. E kasi naman. Oo andun na tayo, may mahal na siyang iba. Pero ang tanong, mahal din ba siya nung mahal niya?
Sumimangot siya nung marinig niya ung sinabi ko.
“She will love me soon enough. I assure you. She will.” –Tristan
“Does she know it?” - AKO
“Know what?” –Tristan
“That you love her.” –AKO
“Not yet. But I’ll make sure na malalaman niya.” –Tristan
“Bakit? Pag nalaman ba niya sigurado kang mamahalin ka rin niya?” –AKO
Uh-oh. That was below the belt na. Christine, masyado ka talagang madaldal. Crush mo lang si Tristan ‘no. Wag ka masyadong desperado. Don’t make it a big deal.
“Damn it! Wala kang alam, ok? So shut the hell up! Why am I even saying these things to you?” –Tristan
“Never mind.” –AKO
Tumalikod na ako. Makalayas na nga dito. BV eh. Biglang nagsalita si Tristan.
“You like me that much, huh?” –Tristan
Nagsmirk na lang siya pagkasabi nun. Tapos umalis na. Bakit ganun? Parang nachallenge tuloy ako sa kanya. Parang…parang gusto ko siyang i-please na ewan. Parang gusto kong magkagusto rin siya sa akin. Why? Pero may isa pa akong bagay na iniisip e.
Who’s the lucky girl?
I have to find out. (Ang bitch ng dating ko. XD)
“You like me that much, huh?”
“Yes Tristan. I like you THAT much.” Bulong ko sa sarili ko.
OH SHOOT! Male-late na ako. Hay naku, Tristan. Epal ka. >_<
BINABASA MO ANG
Happily Never After
Teen FictionBecause not everyone can have a happily ever after.