CHAPTER 11 – [Flashback] Far, Far Away
Tristan’s POV
Magpapakalayo-layo muna ako. Ayoko man, pero kailangan kong gawin ‘to para na rin sa akin.
Nangako ako kay Abby kagabi na magpapakita na ako sa kanya ngayon sa school. Pero napag-isipan ko munang umalis at huwag munang pumasok. Kung gaano katagal, hindi ko rin alam.
Basta gusto kong lumayo muna kay Abby.
Kailangan ko ng space, ‘yan ang sabi ko sa kanya.
Space para subukan kong makalimutan ung nararamdaman ko sa kanya.
Space para isave ang friendship namin.
Ayokong masira ang matagal naming pinagsamahan dahil lang sa pesteng puso kong ‘to. Ako na lang ang magsasacrifice para sa aming dalawa.
At space para malayo ako kay Christine. Ayokong nakikita siya. Ayokong may ibang nagkakagusto sa akin.
*riiiiing riiiiing*
Tumutunog ung cellphone ko.
*riiiiing riiiiing*
Si Abby tumatawag.
*riiiiing riiiing*
Di ko sasagutin ‘yan. Sorry Abby. I’m a jerk, I know.
Abby, please. Don’t make this hard for me.
Sasaktan ko ang sarili ko. Susubukan kong lumayo sa’yo Abby.
Susubukan ko.
BINABASA MO ANG
Happily Never After
Teen FictionBecause not everyone can have a happily ever after.