Chapter 4 - [Flashback] Abby

36 0 0
                                    

CHAPTER 4 – [Flashback] Abby

Tristan’s POV

First day ko ngayon sa aking new school. Oo alam ko late na para lumipat pa ako ng school pero gusto ko kasi talaga siya sundan. Sa school na ‘to rin kasi nag-aaral si Abby.

Si Abby.

Siya yung bestfriend ko.

Siya yung bestfriend ko na mahal ko.

Siya yung bestfriend ko na mahal ko pero di ako gusto.

Baliw na kung baliw pero gusto ko talaga siyang sundan. Kahit na magmukha akong tanga, susundan at susundan ko siya kahit saan siya magpunta. Mahal ko siya e.

At heto ako ngayon sa bago kong school. Hay naku, ang boring naman. Mas maganda pa rin ung dati kong school na pinapasukan. Kung di lang si Abby…

Hay naku recess time. Ako si Forever Alone ngayon. Wala akong kasama kumain. Di ko pa nakikita si Abby e. Di ko matiyempuhan. Kaya ito ako ngayon, mag-isang nakaupo at nagtitiis sa mga babaeng kanina pa tingin ng tingin sa akin. They’re drooling over me and it’s so irritating. Ang hirap maging gwapo. Ugh. >____<

By the way, anti-social rin ako. Ayoko makipagkaibigan sa iba. Si Abby nga lang kaibigan ko e. Siya lang naglakas-loob kaibiganin ako. Kaya ko siya nagustuhan.

In short, MASUNGIT AKO.

Pero gentleman naman.

Habang naghihintay, may narinig akong mga babaeng nag-uusap usap. Di ko naman intensyon mapakinggan ung pinag-uusapan nila. Di naman ako mahilig mag-eavesdrop e (chismoso). Pero nung marinig ko yung pangalan ko, nacurious naman ako.

“Lutang ka teh. Ano iniisip mo?” –Girl#1

“Anong ano Mandy? Sino kamo.” –Girl#2

“Ooooooh. Parang kilala ko na kung sino.” –Girl#1

“Sino pa ba, e di ung transferee. Si Tristan!” –Girl#2

“Uy! Hindi ah! Grabe kayo.” –Girl#3

“Sows. E bakit ka nagblush bigla nung binanggit ko si Tristan? Ayiiee! :)” –Girl#2

“H-Ha? A-Anong nag-b-blush? H-Hindi ah!” Napahawak pa siya sa pisngi niya. Timang.

“E bakit ka nauutal? Naku, sa amin ka pa nagdeny. Bestfriends mo kami ano ka ba.” –Girl#1

“Umamin ka na kasi. Mahal mo na si Tristan ‘no?” –Girl#2

“Pakyu ka alam mo ‘yon. Mahal agad?! Agad agad?! Di ba pwedeng crush muna?” –Girl#3

Grabe makapagmura. I don’t like girls who cuss. >_<

“Yiieeee! So inaamin mo na sa aming crush mo nga si Tristan?” –Girl#1

“Sssshhhhh! Ang lakas ng boses mo alam mo ba yun. May makarinig sayo e.” –Girl#3

Meron nga. At dahil malas ka, ako yung nakarinig.

“Sus. So ano na nga, OO o HINDI?” –Girl#1

“Oo na nga kasi. Pero crush lang naman yun e. Mabilis din yung mawawala. Tsaka kung makapang-asar kayo parang di niyo crush ung tao ah! :P” –Girl#3

“Hindi naman talaga eh!” –Girl#1&2

“E kanina ko pa nga naririnig sa mga bunganga niyo na ‘Gwapo si Tristan’, blah blah blah.” –Girl#3

Happily Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon