CHAPTER 6 – [Flashback] Best Friend
Christine’s POV
“Oh akala ko ba sa cafeteria tayo? Bakit andito tayo sa may botanical garden?” –Abby
“Maraming tao e.” –Minnie
“Alam mo bumalik na lang tayo. Wala rin namang kwenta ‘tong sasabihin nila sa’yo e.” –AKO
“Okay lang. Friends naman na tayo diba? :)” –Abby
Friends. Sabi ko nga friends e. Hay Abby, you are so naïve. (__ *)
“So ano na? Kwento niyo na kung bakit brokenhearted si Christine.” –Abby
“Ganito kasi ‘yan.” –Minnie
At ayun na nga. Kinwento na nila Minnie at Mandy ang pagreject kuno sa akin ni Tristan. Pero nung nabanggit nila si Tristan, parang nagulat si Abby.
“Tristan?”
“Oo. Yung classmate natin. Yung late enrollee. Di mo kilala?” –Minnie
“Teka, anong apelyido niya?” –Abby
“Alvarez? Yup. Tama, Alvarez nga.” –Mandy
“Omg. Wait, kelan siya pumasok, parang di ko pa siya nakikita?” –Abby
“Kanina lang. Anong oras ka ba pumasok at parang di ka ata aware sa mga nangyayari sa paligid mo?” –Minnie
“Ah. Eh late na nga ako nakapasok e. After recess na ako nakapunta dito sa school. Pero bakit di ko naman siya nakita kung classmate naman pala natin siya?” –Abby
“Ewan ko nga rin e. After recess di na siya pumasok. After nung incident between him and Christine kanina. HAHAHA! Omg. Baka nabadtrip kay Tine kaya di muna pumasok.” –Mandy
“Gago ka alam mo yun. Pero teka, bakit mo naitanong? Magkakilala ba kayo ni Tristan?” –AKO
“OO! At di lang magkakilala, super close kami. Bestfriend ko kaya ‘yon! :)” –Abby
Mandy, Minnie at Ako: O____O
Yan. Yan ang reaction namin nung sabihin niya ‘yon.
“HAHAHAHA! Pakshet. Akalain mo? May bestfriend pala yung mokong na yun. At babae pa. E parang ang sungit sungit nun e. Hahaha.” –Minnie
“Kumag talaga ‘yon. Di man lang nagsabing lilipat na pala siya dito. Tapos di pa nagpakita sa akin ngayon e alam naman niyang dito ako nag-aaral. Lagot sa akin ‘yon pag nakita ko ‘yon.” –Abby
Natahimik lang ako nung mga oras na yun habang nagkukwentuhan sila. Ewan ko kung bakit, pero parang sumikip ung dibdib ko nung sinabi niyang best friend niya si Tristan. Ano yun? Nagseselos ba ako? Bakit ako magseselos, wala namang dahilan para magselos ako. Best friends lang naman sila diba, pero bakit ganun? Iba ung sinasabi nung utak ko. Posible kayang magkagusto sila sa isa’t isa dahil close na sila? Di malabong mangyari ‘yon. E ano naman kung maging sila Christine, crush mo lang naman e. Wag ka ngang possessive. Hay. Naguguluhan na ako. Para akong tanga.
Pero, teka…
“I already LOVE someone.” –Tristan
OMG. Hindi kaya—
“Uy may problema ba? Bakit kanina ka pa tahimik diyan?” –Abby
“Nagseselos ‘yan sa’yo kasi best friend mo si Tristan. Nagseselos siya kasi ikaw close na kay Tristan, e siya wala nang pag-asa mapalapit sa labs niya kasi nireject na siya. :P” –Minnie
“Tukmol ka talaga Minnie. Pakamatay ka na.” –AKO.
“Hahahaha! Nagseselos ka sa akin? Bakit naman? Ano ka ba, kahit bestfriend ko yun, hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya ‘no. Love ko si Tristan pero as a brother lang. No strings attached. Kaya wag ka mag-alala. Kung gusto mo ilakad pa kita sa kanya e. :D” –Abby
“TALAGA?! Ah, e-eh, uh-uhm, ang ibig kong sabihin e, totoo ba yun?” –AKO
Nagpipigil ng tawa ung dalawang bruha. Nacarried away ako dun ah! Syempre kahit papaano gumaan pakiramdam ko nung sinabi niyang di siya magkakagusto kay Tristan at kapatid lang naman pala ang turing niya dito. Tapos, ilalakad pa daw niya ako kay Tristan! Pakshet lang! :D
“Oo naman. Kaibigan ko siya at kaibigan kita. Madali na lang ‘yon. Halata naman sa’yong crush mo talaga siya e. Hahaha. :)” –Abby
“Pero sabi niya, may mahal naman na daw siya. Paano yun?” –AKO
“Hahahaha. Ginugood time ka lang ni Tristan.” –Abby
“Paano ka naman nakakasiguro?” –AKO
“Bestfriend ko nga siya diba? So kung may mahal siya, dapat alam ko kasi bestfriend ako.” –Abby
Oo nga ‘no.
“Oh paano ba yan Tine, pasalamatan mo si Abby. May chance ka na ulit makalapit kay Fafa Tristan mo!” –Mandy
Sa sobrang tuwa ko, napayakap na lang ako kay Abby.
“Thank you Abby.” –AKO
“We’re friends, right? Ang friends nagtutulungan. :)” –Abby
Nakiyakap na din ung dalawa sa amin. Grabe ang saya saya ko ngayong araw. Una, may bago akong kaibigan, si Abby. At higit sa lahat, may bago akong kaibigan na tutulong sa akin para mas mapalapit ako kay Tristan. :)