Chapter 14 - [Flashback] Worst Birthday

12 0 0
                                    

CHAPTER 14 – [Flashback] Worst Birthday

 

Christine’s POV

 

December 15, XXXX

 

Three months na.

Three months nang nagdedate sina Kurt at Abby.

Three months na ring hindi pumapasok si Tristan.

Hay. Nag-aalala na ako.

Andito kami ngayon sa may botanical garden. Nakatambay kaming lima dito sa ilalim ng puno, nagcutting kasi kami e. Nagtataka siguro kayo kung bakit lima kami ‘no? Si Kurt kasi kasama din namin. Simula nung mag-umpisa siyang manligaw kay Abby, lagi na siyang sumasama sa amin, kahit saan kami magpunta. Kulang na lang pati sa CR sundan niya si Abby e. Ganyan siya katiyaga manligaw. Nakakatuwa nga ung dalawang yun. Kung makakilos silang dalawa akala mo sila na. Nagliligawan pa lang naman. Ang sweet nila sa isa’t isa. Pero may mga times na, mukhang engot ‘tong dalawang ‘to. Gaya na lang ngayon.

“Nganga.” –Kurt

 

“Ayaw.” –Abby

 

“Arte mo.” –Kurt

 

“Maganda kasi ako.” –Abby

 

“Ows? Sino nagsabi? Yung bulag? :P” –Kurt

 

“Ikaw.” –Abby

 

“SM ka. Kelan ko sinabi ‘yon?” –Kurt

 

“Everyday. Every night. Every second of my life.” –Abby

 

“AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Shit Abby. Ganyan mo ba ako kagusto? Kumokorni ka na ah.” –Kurt

 

“Nahahawa na kasi ako sa’yo e.” –Abby

 

“Aba! At talagang ako pa.” –Kurt

 

“Gusto mo ba ikwento ko sa kanila kung ano ung mga kakornihan na sinasabi mo sa akin araw-araw?” –Abby

 

“Nganga na kasi sabi e!” –Kurt

 

“Change topic.” –Abby

 

“NGANGA NA KASI!” –Kurt

Happily Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon