Chapter 16 - [Flashback] Nothing

48 0 0
                                    

CHAPTER 16 – [Flashback] Nothing

| December 24, XXXX |

Christine’s POV

Tapos na ang birthday ni Tristan. Hindi naman natuloy yung plinanong surprise party para sa kanya kasi alam niyo na. Pero kahit hindi natuloy, ang dami namang nangyari. Ngayong araw, babalik na kami and this time kasama na si Tristan.

Kasalukuyan kaming nagreready para sa pag-uwi namin mamaya. Sina Kurt at Abby, sinundo muna si Tristan doon sa beach house. Kamusta na kaya siya? Panigurado grabe hangover nun, ang daming nainom na alak kagabi e.

Christine, wag mo na nga siya isipin. Akala ko ba kakalimutan mo na yung lalaking yun?

E masama bang mag-alala?! Psh.

“Huy! Christine, okay ka na ba?” –Mandy

“Oo naman. Bakit naman magiging hindi? ^__^” –AKO

“Alam mo ikaw, ang labo mo. Kagabi lang di mo kami pinapansin. Tapos ngayon, parang wala lang nangyari.” –Mandy

Mandy, I need to fake a smile, I need to fake a laugh, I need to fake everything na ipinapakita ko sa inyo para hindi niyo mahalatang may pinagdadaanan ako.

“Okay na nga kasi ako, masama lang talaga pakiramdam ko kagabi. Sorry kung di ko kayo pinapansin, wala lang talaga ako sa mood. ^____^” –AKO

“Sinungaling.” –Minnie

“Excuse me?” –AKO

“Nasosobrahan ‘yang ngiti mong peke. Wag mong pilitin ngumiti kung hindi naman bukal sa loob mo.” –Minnie

Tinitigan ko siya ng matagal. Sa kanilang dalawa ni Mandy, si Minnie ang madaling makaramdam. Kilalang kilala niya na ako. Kaya ngayon, nahahalata niyang nagsisinungaling ako.

“Ano bang tingin mo sa amin ni Mandy? Wala lang ba kami sa’yo? Kaibigan mo kami diba? Best friends mo kami, actually. Kaya wag kang madamot, ishare mo sa amin kung ano man ang problema.” –Minnie

Naku po, bihira lang maging seryoso ‘yan si Minnie. Oo, alaskadora ‘yan pero pag kailangan mo siya, maasahan mo ‘yan. Hindi lang puro pang-aasar ang alam niyan.

*sighs*

Napabuntong hininga ako. Ano pa bang choice ko? Sooner or later, sasabihin ko rin naman sa kanila so why not now? Tsaka isa pa, narealize ko, kailangan ko ng malalabasan ng mga hinanakit.

“Minnie, Mandy…”

Nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko. At ayun nga, kinuwento ko na sa kanila ang mga nangyari kagabi. Lahat-lahat, wala akong kinalimutan sabihin miski ung kiss. Kapag naaalala ko ang mga nangyari kagabi, automatic nang naglalabas ng luha ang mga mata ko. Naisip ko nga na sana, bigla akong maaksidente tapos mabagok yung ulo ko tapos magka-amnesia ako para makalimutan ko lahat ng nangyari simula nung makilala ko si Tristan. Para sa isang iglap, mawala lahat ng pain. Natapos ko na ikwento sa kanila pero hindi pa rin natatapos yung pag-iyak ko.

“Sshh, sshh. Tahan na, tahan na.” –Minnie

“Grabe naman yun. Bakit hindi mo agad sinabi sa amin, Christine?” –Mandy

“Bakit ganun? *sniffs* Bakit ang weak ko? Bakit ba umiiyak ako dahil lang sa isang lalaki? Bakit ba ang hina hina ko? *sniffs*?” AKO

“Christine, hindi lang siya basta isang lalaki para sa’yo. Minahal mo siya. Pero nasaktan ka, kaya ka umiiyak.” –Minnie

“Tine, tell me. Ano feeling nung kiniss ka na Fafa Tristan mo? Hihihi.” –Mandy

Happily Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon