CHAPTER 13 – [Flashback] Yes or No
Abby’s POV
“…pwede bang manligaw?”
I was shocked.
After all these years of waiting, gusto niya rin pala ako. Umamin siya sa akin. Finally.
Parang nung isang araw lang, iniisip ko kung paano niya ako mapapansin tapos ngayon heto na, tinatanong niya na ako kung pwede ba siyang manligaw. Syempre, payag ako! Payag na payag. Ang problema nga lang, paano ko siya sasagutin? E first time pa lang naman na may nagtanong sa akin kung pwedeng manligaw. Tapos siya pa ung taong pinakagusto kong gumawa nun. How do I reply? Oh God, please help me.
Ang tagal mo mag-isip Abby!
“Abby, please answer me.”
“………”
Tameme na naman si ako.
Napabuntong hininga si Kurt.
“Abby, just tell me Yes or No. I’ll accept whatever your answer is.”
Abby! Sabihin mo na ‘Yes’. Bakit pinapatagal mo pa?
E paano ko ba kasi sasabihin sa kanya ‘yon? Napepressure na ako.
Long silence na naman.
Ano ba ‘to.
“I guess that’s a No.”
Akmang tatayo na siya, tumayo rin ako.
“Kurt…”
“Don’t worry. Bayad na ung kinain natin. Una na ako.”
At yun na nga. Tumalikod na siya at lumabas ng restaurant.
Abby! Ano ka ba? Just tell him Yes or No. Papakawalan mo na lang ung chance mo ng ganun ganun na lang? Inutil ka kung ganun! Matagal kang naghintay tapos ngayon babalewalain mo lang? Stupid girl!
Hinabol ko siya.
“KURT!”
Buti di pa siya nakakalayo. Tumigil siya pero nakatalikod siya sa akin. Lumapit ako sa kanya.
“Kurt…”
“Ano ka ba? Wag mong isipin na galit ako sa’yo. Okay lang sa akin yun ‘no. Diba sabi ko nga sa’yo, I’ll accept whate—“
“YES.”
“What?”
“I said YES.”
“Anong YES?”
“YES. Pumapayag na akong ligawan mo ako.”
I SAID IT. I said it. Sa wakas.
Biglang humarap sa akin si Kurt.
“Tama ba ung narinig ko? You said YES?”
“Oo nga. Paulit-ulit? Bawiin ko ‘yon e.”
“Hahaha! Pwede pahug?”
“Hoy! Aba, nanliligaw ka pa –O__________O”
Niyakap na niya ako.
Napangiti ako. His embrace was warm. I feel so safe in his arms.
“Thank you Abby. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. Salamat talaga at binigyan mo ako ng chance.”
Hinug ko na rin siya. Pero saglit lang ay humiwalay na rin siya sa yakap niya sa akin. Ba yun, bitin. >_<
MALANDI KA, ABBY.
I know, I know. Hahaha.
Nagsmile siya sa akin. Nagsmile na rin ako sa kanya.
“You are now officially my suitor. Hahaha! Alam mo ba ikaw ang pinakaunang nagtanong sa akin kung pwedeng manligaw kaya kanina medyo natagalan ako sa pagsagot sa’yo kasi hindi ko alam kung paano sasagot sa ganung tanong. Sorry. Hehe.”
“Weh? Sa ganda mong ‘yan, ako ang first na nanligaw sa’yo? Imposible.”
“Nambola pa ‘to. Pero srsly, ikaw ang first. Yung best friend ko kasi, masyadong overprotective sa akin. Di niya hinahayaang may manligaw sa akin kaya ganun.”
“Eh bakit nakalusot ako? Ang sabihin mo, wala ka talagang type dun sa mga manliligaw mo. Hinihintay mo kasi ako. *smirks*”
“Yabang mo rin eh ‘no. Overprotective talaga sa akin ‘yon. Maniwala ka.”
“Eh bakit ngayon?”
“Bigla na lang kasing nawala ung best friend kong yun. Though nagpaalam naman siya sa akin na aalis siya, hindi naman niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta at kung gaano katagal siya mawawala.”
“So ibig sabihin pala, kung hindi nawala ung best friend mong yun hindi mo ako papayagang manligaw ngayon, ganun ba yun?”
“Oo.”
“ANO?!”
“Haha. Joke lang ito naman. Ano ka ba, wag mo na nga isipin yun. Ito na nga oh. Pinayagan na nga kitang manligaw. Ano pa bang inirereklamo mo diyan?”
Umakbay siya sa akin. Aba, kahit naman gusto kong inaakbayan niya ako, pa-hard to get muna ako ‘no. Baka isipin niya madali lang akong pasagutin. Pahihirapan ko muna siya ‘no. Sinuswerte siya.
“Kung makaakbay ka diyan akala mo tayo na. FYI, nanliligaw ka pa lang kaya wag ka masyadong kampante na sasagutin kita.”
Tinanggal ko ung pagkakaakbay niya.
“Hoy Abby! May balak ka bang basted-in ako?!”
“Wala akong sinabi. Ang sinabi ko lang wag ka masyadong kampante. Pero kung mamadaliin mo lang ako—“
“Hindi kita mamadaliin. Kahit gaano katagal pa akong manligaw sa’yo, magtitiyaga ako. Kahit ilang taon pa yan, kakayanin ko. Basta para sa’yo.”
“Cheesy mo.”
“Kilig ka lang e.”
“HOY! Kapal ni—“
“Gwapo naman.”
“Hangin much dre.”
“Hahaha. Halika na nga! Ituloy na natin ang naudlot na date.”
Isa lang ang sure ngayong araw, Kurt and I are now officially dating! J
BINABASA MO ANG
Happily Never After
Teen FictionBecause not everyone can have a happily ever after.