CHAPTER 7 – [Flashback] Hurting
Tristan’s POV
“…Best friend ko kaya ‘yon.”
“…Best friend ko kaya ‘yon.”
“…Best friend ko kaya ‘yon.”
“…Best friend ko kaya ‘yon.”
“…Best friend ko kaya ‘yon.”
Paulit-ulit nagpeplay sa utak ko ‘yan. ARGH! Kung bakit pa kasi ako lumapit sa kanila e. E di sana hindi ako nasasaktan ngayon sa mga narinig ko.
“…Best friend ko kaya ‘yon.”
“…Best friend ko kaya ‘yon.”
“…Best friend ko kaya ‘yon.”
PUTANG INA TAMA NA!
Di na ako pumasok sa class ko after recess pagkatapos nung incident between Christine and me kanina. Nabadtrip ako e. Ewan ko ba. Ayaw ko siyang makita. Nagpunta muna ako sa botanical garden. Tama. Doon muna ako matutulog.
Zzzzzzzz……
Zzzzzzzz……
>___< Ano ba yung maingay na yun?
Pagdilat ko, nakita ko sila Christine. Andito rin sila sa may botanical garden? Tsk. Ang lakas din ng tama sa akin nitong babaeng ‘to at sinundan pa ako dito. Pero sandalI, si…
Si Abby?
Kasama nila si Abby?
Bakit nila kasama si Abby?
Sinundan ko sila kasi kasama nila si Abby. Ayun tumigil sila sa isang malaking puno na may bench sa ilalim. Nakinig ako sa mga usapan nila at as expected ako ang topic.
“So ano na? Kwento niyo na kung bakit brokenhearted si Christine.” –Abby
“Ganito kasi ‘yan.” –Minnie
At ayun na nga po. Ichinismis na nila sa best friend ko ung nangyari kanina sa may locker.
“Tristan?”
Mukhang nagtaka pa si Abby. Oo nga pala, di niya pala alam na lumipat ako dito para sundan siya.
“Oo. Yung classmate natin. Yung late enrollee. Di mo kilala?” –Minnie
“Teka, anong apelyido niya?” –Abby
Naniniguro siguro siya kung ako nga ung Tristan na sinasabi nila.
“Alvarez? Yup. Tama, Alvarez nga.” –Mandy
“Omg. Wait, kelan siya pumasok, parang di ko pa siya nakikita?” –Abby
Namimiss niya na rin kaya ako?
“Kanina lang. Anong oras ka pa pumasok at parang di ka ata aware sa mga nangyayari sa paligid mo?” –Minnie
“Ah. Eh late na nga ako nakapasok e. After recess na ako nakapunta dito sa school. Pero bakit di ko naman siya nakita kung classmate naman pala natin siya?” –Abby
Ah, kaya pala di ko siya nakita kanina.
“Ewan ko nga rin e. After recess di na siya pumasok. After nung incident between him and Christine kanina. HAHAHA! Omg. Baka nabadtrip kay Tine kaya di muna pumasok.” –Mandy
Ang galing mo. Paano mo nalaman ‘yon? Mind-reader ka ba?
“Gago ka alam mo yun. Pero teka, bakit mo naitanong? Magkakilala ba kayo ni Tristan?” –Christine
“OO! At di lang magkakilala, super close kami. Bestfriend ko kaya ‘yon! :)” –Abby
Nakangiti pa siya nung sinabi niya ‘yon. Hays. Ano pa bang ineexpect mo Tristan? Best friend lang naman talaga tingin niya sa’yo.
“HAHAHAHA! Pakshet. Akalain mo? May bestfriend pala yung mokong na yun. At babae pa. E parang ang sungit sungit nun e. Hahaha.” –Minnie
Siraulo ‘to ah!
“Kumag talaga ‘yon. Di man lang nagsabing lilipat na pala siya dito. Tapos di pa nagpakita sa akin ngayon e alam naman niyang dito ako nag-aaral. Lagot sa akin ‘yon pag nakita ko ‘yon.” –Abby
Gustong-gusto na kita makita at mayakap Abby, kung alam mo lang.
“Uy may problema ba? Bakit kanina ka pa tahimik diyan?” –Abby
“Nagseselos ‘yan sa’yo kasi best friend mo si Tristan. Nagseselos siya kasi ikaw close na kay Tristan, e siya wala nang pag-asa mapalapit sa labs niya kasi nireject na siya. :P” –Minnie
“Tukmol ka talaga Minnie. Pakamatay ka na.” –Christine
Wtf? Selos? Lul. Kadiri much dude.
“Hahahaha! Nagseselos ka sa akin? Bakit naman? Ano ka ba, kahit bestfriend ko yun, hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya ‘no. Love ko si Tristan pero as a brother lang. No strings attached. Kaya wag ka mag-alala. Kung gusto mo ilakad pa kita sa kanya e. :D” –Abby
ARAY.
“TALAGA?! Ah, e-eh, uh-uhm, ang ibig kong sabihin e, totoo ba yun?” –Christine
“Oo naman. Kaibigan ko siya at kaibigan kita. Madali na lang ‘yon. Halata naman sa’yong crush mo talaga siya e. Hahaha. :)” –Abby
“Pero sabi niya, may mahal naman na daw siya. Paano yun?” –Christine
Oo meron na nga. Buti natatandaan mo. Ayan nga oh, nasa harapan mo na. Kausap mo.
“Hahahaha. Ginugood time ka lang ni Tristan.” –Abby
HUH?!?
“Paano ka naman nakakasiguro?” –AKO
“Bestfriend ko nga siya diba? So kung may mahal siya, dapat alam ko kasi bestfriend ako.” –Abby
Hindi mo alam kasi ayaw kong ipaalam sa’yo. Baka layuan mo ako.
BEST FRIEND. Pinakamasakit na salitang narinig, naririnig at maririnig ko mula kay Abby. Sino ba kasi nakaimbento ng salitang ‘yan? Punyeta siya.
Tumakbo na ako paalis nung marinig ko yun. Di ko na kaya ‘to. Pumunta ako sa isang part ng botanical garden malayo sa kanila. Sinuntok ko ung isang puno dun. Doon ko nilabas ang sama ng loob ko.
“Hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya ‘no.”
“…as a brother lang.”
“No strings attached.”
“…ilakad pa kita sa kanya e.”
Abby, hanggang kapatid lang ba ang tingin mo sa akin? Kaibigan lang ba talaga ako para sa’yo? Bakit ba hindi mo mapansin yung mga efforts ko? Tapos gusto mo pang ilakad sa akin ung bago mong kaibigan na yun? Ayoko sa kanya. Ikaw ang gusto ko, Abby. Bakit ba di mo makita ‘yon? Wag mo na ipilit sa akin ‘yang kaibigan mo, masasaktan lang siya. Dahil Abby, ikaw lang. Si Christine naman, natuwa pa nung sinabi sa kanya yun ni Abby. Kahit anong gawin niya, di niya mapapalitan si Abby sa puso ko.
I know. I sound so gay, pero can you blame me? Masakit.
Wag ka nang makulit Tristan. Kay Abby na mismo nanggaling, kapatid ka lang para sa kanya.
But…
No.
I won’t give up on you Abby.
I won’t.
I can’t.
BINABASA MO ANG
Happily Never After
Novela JuvenilBecause not everyone can have a happily ever after.