#2

12.9K 339 6
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Kinusot ko ang aking mga mata at tinignan kung ano ba ang nangyayari.

Umupo ako ng tuwid at sumilay sa bintana ng sasakyan. Kaya pala maingay ay traffic pala. Tanging mga busina sa mga naglalakihang sasakyan ang umaalingawngaw sa paligid.

Nandito na pala kami sa Manila. Mga nagtataasang gusali  aking nakita at mga magagarbong sasakyan.

May mga halaman pero walang puno. Mausok din ang paligid. Parang naninibago ako ng masilayan ko ang lugar.

"Iha gising kana pala." Tumango lamang ako kay manong.

"Ah opo. Malapit na po ba tayo?" Pagtatanong ko dito.

"Oo. Medyo natraffic lang ng konti." Medyo may pag aalinlangan pa niyang sagot.

Napa O na lamang ako.

"Pasensya kana iha at traffic." Paghingi niya sa akin ng paumanhin.

"Ay wala po iyon. Di niyo naman po kasalanan na traffic." Isinansal ko na lamang ako aking likod sa upuan.

Unti unting umuusad ang mga sasakyan hanggang makarating na kami sa destinasyon.

Ipinarke ang sasakyan sa loob ng Campus at kinuha ang aking bag. Sabi ni manong ay maghihintay na lamang siya sa sasakyan at tumango nalang ako.

Medyo malaki ang paaralan. Malawak ng grounds at mga malalaking buildings. Na amaze ako sa kagandahan ng paaralan na ito. Ngayon pa lamang kasi ako makakapasok sa paaralan.

Nagsimula na akong maglakad pero hindi ko alam kung ano ang pupuntahan ko. Medyo natataranta naman ako kasi wala naman akong alam sa School na ito. Anong gagawin ko?

Nahihiya naman ako magtanong.

May tumapik ng balikat ko at napalingon naman ako sa lalaki.

"Miss bago ka dito?" Pagtatanong sa aking ng isang lalaki at tumango lamang ako.

Naka uniporme ito. Kulay Light Blue ang coat at white naman ang polo shirt. Ang necktie nito ay checkered blue at black ang pants at ang kaniyang sapatos. Maayos ang itsura niya. Clean and neat.

"Uhm ano. Oo. Pwede mo ba akong samahan sa Faculty?" Naglakas loob na akong magpasama sa kaniya. Wala talaga kasi akong alam. Medyo nauutal pa nga ako kapag kausap ko siya.

"Sure. Follow me." Sumunod nalang ako sa lalaki patungong Faculty.

Gwapo siya. Matangos ang ilong at may mapupungay na mata. Makapal ang kilay na bagay lamang sa features ng mukha niya. May mapupulang labi at maputi ang balat. May katangkaran din ito. Parang kasing edad ko lang siya kung tutuusin.

"Anong name mo?" bigla siyang nagtanong na ikinagulat ko. Di ako sanay makipag usap eh.

"U-uh ano ako s-si Athena Roze Ivonhy." Medyo nauutal kong sagot sa kaniya.

"Nice name." He smiled.

"I'm Zero Baltazar" I looked at him and he smiled.

"Ahh. N-nice to meet you?" Why I am blushing? Nahihiya ako. I heard him chuckled.

"Hmm. Nice to meet you too." Hindi na ako makatingin ng diretso sa kaniya kasi naiilang ako. I swear to god I don't know how to communicate with other people that's why I had no friends.

Dumaan kami sa hallway and i feel like they are staring at me. I don't want attention.

Yumuko nalang ako dahil hindi ako sanay na tinitignan ako at pinagtitinginan ako. I feel like I'm stranger. Well, I am.

Natatanaw ko na ang isang pintuan na may sign sa ibabaw na nakalagay na iyon ang Faculty. I felt relieved.

"Ah salamat" He simply nodded.

"I guess hanggang dito nalang ako. See you around." Naglakad na siya palayo sa akin. After all hindi naman pala masamang makipag usap.

I shouted at him

"Z-zero!" Lumingon naman siya sa akin.

"Thank you! See you around then!" I smiled at him. Hindi ko na siya nilingon pa at pumasok na ako sa Faculty.

I guess this is the beginning of my wonderful journey.

Ethereal BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon