Agad akong nagtungo sa Cafeteria pagkatapos kong pakalmahin ang aking sarili. Hingal na hingal ako sa sobrang pagmamadali ko na makabalik doon dahil hinihintay ako ng dalawa.
Pagkaupo ko sa aming pwesto ay tinignan ako ng dalawa. Napangiti lamang ako dahil ang akward.
"Ang tagal mo ha. Bakit ba pawis na pawis ka?" Sinuri ni Vinah ang mukha ko. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko.
"Oo nga. Namumula ka din at hingal na hingal?" Dagdag pa ni Kara. Napatawa ako ng pilit dahil ayaw ko na malaman nila ang nangyari.
"Ah eh ano kasi ang init." Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang aking sarili.
Bakas ang pagtataka sa mukha ng dalawa. Parang ayaw pa nila maniwala sa aking sinasabi. Well I'm not a good liar.
"Ganon? Oh eto inom ka ng tubig." Nag offer naman si Vinah at agad ko itong tinanggap. Ininom ko ito agad. Medyo nanginginig pa ang aking kamay dahil sa kaba.
I gulped. "Thanks!" At inilapag ko ang baso sa lamesa.
May natanaw akong isang pigura na papasok dito sa loob ng Cafeteria at kung hindi ako nagkakamali ay si Demetiere iyon.
Para akong binuhusan ng malamig ba tubig ng masilayan siya. Ayaw ko na maalala kung ano ang nangyari. Nakakahiya.
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking buhok. Tinignan ko siya at mukhang may hinahanap. Baka ako?
"Umalis na tayo at masama ang pakiramdam ko." Sabi ko sa dalawa.
Nanlaki ang kanilang mga mata. "Omg bakit hindi mo sinabi agad? Tara na!" Sabi sa akin ni Vinah at hinatak ako patayo sa aking kinauupuan.
"Dalhin ka namin aa Clinic para makapagpahinga ka." Saad ni Kara.
"Ah eh hindi wag na. Okay lang ako." Pagpapaliwanag ko. Pero medyo nahihilo nga ako at hindi na ito biro.
"Wag ka na magmatigas! Tara na at dadalhin ka namin doon sa ayaw at sa ayaw mo!" Nagpahatak nalang ako sa dalawa para na rin mapanatag ang loob ko.
Dinila nila ako sa clinic at kinausap ang nurse na kung pwede ay mag stay muna ako pansamathala.
Pumayag naman ito at agad akong nahiga sa kama. Mukhang maganda naman pala ang dulot ng pagdadala nila sa akin dito. Tahimik at walang ibang tao. Ako lamang. Ang nurse ay lumabas muna.
Umalis na din ang dalawa patungo sa kanilang mga klase. Tinakpan ko ng unan ang aking mukha. Gusto ko itong katahimikan.
Hanggang ngayon ay naninibago pa din ako. Hindi kasi ako sanay makisalamuha sa mga ibang tao. Hindi ako sanay makipag usap.
Aaminin ko. Namiss ko din ang bahay namin. Ang mga ganap doon pero mas masaya ako ngayon dahil natupad ang gusto ko.
Ang mamuhay na normal.
Napabuntong hininga ako ng malalim. Ilang beses na ba ako nag sigh? Madami na simula noong napunta ako dito.
Nagbago ang takbo ng buhay ko.
Naputol ang aking pag iisip ng marinig ko na may nagbukas ng pinto at papasok ata dito.
Ang nurse siguro.
Hindi na ako nag abala na tignan kung sino iyon at nanatili akong nakapikit habang nakatakip ang unan sa aking mukha.
Narinig ko ang paghawi ng kurtina na siyang nagtatakip sa akin. Tinanggal ko ang unan. Inaninag ko ang nakatayo sa harapan. Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga dahil hindi ko siya inaasahan dito.
Si Grigory!
"Ahm ano may klase na hindi ba?" Tanong ko sa kaniya.
Nginitian naman niya ako. " Masama bang magpunta dito?"
"Huh? Wala naman akong sinabi." Dagdag ko pa.
"I heard you're dizzy." Tinignan niya pa maiigi ang aking mukha.
"Uhm oo. Dahil siguro sa init ng panahon." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Kumuha siya ng upuan at inilagay ito sa aking tabi. Umupo siya sa gilid ko. Inilapag niya ang kaniyang bag sa ibabaw ng mesa.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin at ngumisi.
"I have my ways." Pinitik nito ang aking noo pero hindi naman ganoon kalakas.
"Aww." Napahawak ako aa aking noo. Binigyan ko siya ng matalim na titig.
"Kinda cute. You silly." At siya'y tumawa ng mahina.
"Masakit yon ha. Ano ginagawa mo dito?" At binigyan ko siya ng kahinahinalang tingin.
"Babantayan ka."
"Ako? Paano yung klase? Hindi mo naman kailangan." Napakamot siya ng ulo sa sinabi ko.
"You don't get it. Do you?" Napakunot ako sa kaniyang sinabi.
"Ang ano?" I said.
He just sighed. "Nothing. Just rest." Tinulak niya ako pahiga ng kama. Ah this man!
"Ingat naman!" Kinuha ko ang unan at inihampas ito sa kaniya.
"Stop it okay?" He laughed.
Inihinto ko ang paghampas ng unan sa kaniya. Humiga nalang ako at niyakap ang unan.
Bigla siyang nagsalita. " Hindi ko alam na may ganiyan ka palang side."
"Huh?" Humarap ako sa kaniya.
"What I mean is I thought you're a quiet person." He added.
"Hmm. Oo. Tahimik ako."
"I don't understand you. Paiba iba ang personality mo." And he look at me.
"Well oo. We have this attitude and personalities na hindi alam ng iba so as me." Tinapik ko ang braso niya.
"See? You're different today. You tapped me." I laughed about what he said.
"It depends on the person that I'm talking to." And then he mess my hair.
"Ah I get it." Tumango tango naman siya.
"Secret lang to. Okay?" Sabi ko sa kaniya.
"Hmmm. It's a secret between the two of us." He nodded.
"It's settled then." Nginitian ko siya at nginitian niya ako pabalik.
Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang siya ay nasa tabi ko.
"Sleepwell Rosas."
BINABASA MO ANG
Ethereal Beauty
RandomShe's a girl with a pretty face. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kaniyang mga magulang. Homeschooled siya simula noong bata pa lamang siya dahil mabilis siyang magkasakit. Kahit sino ay mahuhumaling sa kagandahang taglay niya. Plain but extraord...