Tumunog ang alarm clock ko at bumangon na mula sa mahimbing na pagkakatulog. Binuksan ko ang aking bintana at hinawi ang kurtina.
Kahit na nasa isang syudad ako, presko pa din naman ang hangin dahil ang loob ng campus ay maraming mga puno. Medyo lumiliwanag na ang kalangitan.
Tinatanaw ko lamang ang paligid. Medyo mataas din ang gusaling ito kaya medyo nahilo ako nung tumingin ako sa ibaba ng gusali. Tiniklop ko na ang kumot at inaayos ang unan ko. Lumabas na ako ng aking silid para magluto ng umagahan.
Binuksan ko ang refrigirator nila at pumili ng mga sangkap na gagamitin ko sa pagluluto. Sabi kasi ni Vinah pwede ko naman daw galawin ang refrigirator dahil para sa amin naman daw talaga iyon.
Hindi naman na ako mahihirapan sa mga gawain dahil sanay na akong gawin ang lahat ng bagay ng mag isa. Tinuruan ako nila manang at ng aking mga magulang na maging independent dahil darating daw ang araw na kailangan ko nang tumayo sa sarili kong mga paa.
4:30 pa lang naman ng umaga kaya mamaya pa siguro gigising ang dalawa. Nagluto ako ng fried rice dahil sayang naman ang kanin na natira kagabi. Kung ang ibang mayayaman ay hindi sanay na maging practical sa lahat ng bagay, ako kaya ko.
Nagluto ako ng sunny side up egg at ginisang tokwa. Gusto ko din naman na maranasan nilang kumain ng ganitong mga pagkain dahil pag nga mayaman minsan pili lang ang kinakain nila.
Inilagay ko na ang plato, baso, kutsara at tinidor at inihain ko na ang aking mga niluto. Saktong gumising naman silang dalawa at parehas na nanlalaki ang kanilang mga mata.
"Woah. Roze marunong ka pala magluto?" Namamanghang tanong ni Kara sa akin.
"Uhmm m-medyo lang." Ngumiti ako ng bahagya.
Tinikman ni Vinah ang Ginisang tokwa at mukhang nagustuhan naman niya.
"Heaven." Napangiti naman ako sa sinabi ni Vinah. Napatawa naman si Kara at naghugas na sila ng kanilang mga kamay.
"Kumain na tayo." Nagpunta naman sila sa lamesa at naupo na din. Bago pa nila galawin ang pagkain ay pinigilan ko sila.
"Pray muna tayo?" Napatingin naman sila sa isat isa at agad na tumango. Ako ang naglead ng prayer at after non ay kumain na kami.
"Hindi ko alam na napakabuting mong bata." Napahalakhak naman si Kara sa sinabi ni Vinah.
"Parang gusto nga kitang protektahan sa sobrang buti mo. Alam mo na maraming nagkalat ng bitchesa dito." Hinampas naman ni Kara si Vinah.
"Hayst. Osige maraming salamat sa pagkain Roze. Hindi talaga kami marunong magluto dahil puro instant lang ang kaya namin. Minsan nagoorder nalang kami." Paliwanag naman ni Kara.
"Nakakatuwa naman at nagustuhan niyo." Na fluttered naman ako sa sinabi nila sa akin. Ngayon ko lang naramdaman ito. Nakakatuwang magkaroon ng mga kaibigan.
"Ngayon lang nga kami nakatikim ng luto kagaya nito. Never pa kasi kaming nakapunta sa probinsya dahil laki kaming Manila." Sabi ni Kara at nagtuloy tuloy na aming usapan hanggang sa matapos na kaming kumain.
Tinulungan nila akong magligpit ng hapag kainan at naligo na din para pumasok. 8:00 pa naman ang pasok kaya mahaba pa ang oras ko para magprepare.
Isinuot ko ang palda na kulay pink at chekered na tama lang ang haba. Hanggang tuhod ko ito. Polo na white at may ribbon na kulay light pink sa kwelyo na malapit sa aking leeg. Medyas na kulay puti na hanggang binti at sapatos na itim. Sinuklay ko ang tuwid at kulay itim na aking buhok dahil tuyo naman na ito.
Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Nakakatuwa dahil ito ang kauna unahang makakapagsuot ako ng uniporme. Medyo nakakaramdam din ako ng konting kaba dahil first time nga ito. Everything is like a magical for me.
Isinuot kona ang bag at lumabas ng aking silid. Nasaktuhan ko na nagmamadali din ang dalawa sa pag aayos ng kanilang sarili.
Binati ko sila at sinabi ko na mauuna na ako sa kanila. Pagkalabas ko ng kwarto ay pumunta na ako sa elevator.
Naalala ko nga pala hindi ako marunong nito. Napakagat ako ng labi.
Paano na ito?
Kung gagamitin ko ang hagdan, mapapagod ako at hindi naman ako pwedeng mapagod. No choice kung hindi mag elevator talaga ako.
Pinindot ko na ang button na may arrow na nakaturo pababa at hinintay ang pagbubukas nito.
Habang naghihintay, naramdaman ko na merong tao sa likuran ko at agad naman akong lumingon dito.
Napatingin sa akin ang lalaki na walang kaemo emosyon at pinagtaasan pa ako nito ng kilay. Ako na nag iwas ng tingin dahil medyo naiintimidate ako sa mga tingin niya. Gwapo kaso masungit.
Nagbukas na ang elevator at sabay kaming pumasok. Nagsara na ito at pinindot niya ang button na may nakalagay na 1. Napabuntong hininga nalang ako dahil may nakasabay ako dito. Ang hirap kapag nagaadjust ka pa sa isang lugar.
Namamayani ang katahimikan sa loob ng elevator. Walang nagsasalita. Medyo nakakahilo lang ang elevator at hindi ko alam kung bakit. Napahawak ako sa bakal na nasa gilid at naramdaman ko na tinitignan ako ng lalaki na kasama ko ngayon. Hindi na lamang ako tumingin dahil sabi nga nila staring is rude.
Nagbukas na ang elevator at nauna siyang lumabas. Lumabas na din ako at nagtungo sa Faculty.
Maraming cubicles doon at puro lamesa ng mga guro. Sabi dito ay adviser ko si Ms. Mitchi kaya hinanap ko kaagad siya.
Kaso hindi ko siya makita dah madaming guro.
May tumapik ng balikat ko. Babae at mukha itong guro.
"Ikaw ba yung transferee?" Tanong nito sa akin.
"Opo ako nga po." Magalang kong sagot dito. Nginitian naman niya ako.
"Ako si Mitchi De Leon. Your adviser. Ms. Mitchi nalang ang itawag mo sa akin." Tumango ako dito.
"Ah opo ma'am."
Nakarinig akong ng bell. Yun na siguro yung tunog para pumasok na sa kaniya kaniyang klase. Napanood ko sa mga drama sa tv eh.
"Follow me." Sinundan ko naman si Ms. Mitchi patungong room.
Tumapat kami sa isang room.
Class 10-A?
Please be good to me. I swear I'm so nervous right now. I don't know how to deal with people.
Tinawag na ako ni Ms. Mitchi at nagsimulang pumasok sa loob ng silid aralan.
You can do it Roze.
BINABASA MO ANG
Ethereal Beauty
RandomShe's a girl with a pretty face. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kaniyang mga magulang. Homeschooled siya simula noong bata pa lamang siya dahil mabilis siyang magkasakit. Kahit sino ay mahuhumaling sa kagandahang taglay niya. Plain but extraord...