#11

8.1K 241 18
                                    

Napamulat ako ng makarinig ako ng ingay na nagmumula sa gilid ko. Nakita ko ang dalawa na si Vinah at si Kara na nagtatalo kung gigisingin ba nila ako o hindi.

Hindi nila napansin ang aking presensya na gising na ako kaya tinignan ko nalang silang dalawa. Naghahampasan pa ang dalawa at nag aasaran. Ganto ba talaga sila?

Huminga ako ng malalim at nagsalita. Napatigil ang pagtatalo ng dalawa at pinanlakihan ko sila ng mata.

"Gising na ako." Walang gana kong sabi. Lumakad si Vinah malapit sa lamesa at kumuha ng tubig. Pagkatapos ay binigay niya sa akin iyon at ininom.

Napatingin ako sa bintana ng clinic , hapon na pala at malapit ng lumubog ang araw.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Maayos na ba?" Panimula ni Kara.

Tumango naman ako. "Oo, nahilo lang talaga ako."

"Di ka pala pwede na naiinitan" Sabi naman ni Vinah.

"Ah. Hindi naman sa ganon. Hindi kasi ako siguro sanay sa matinding temperatura." Inalis ko na ang kumot sa aking katawan at isinuot ang aking pares na sapatos.

Napahinto ako sa pagsuot ng isang sapatos ng may pumasok sa isipan ko.

Si Grigory! Asan na nga pala siya? Bigla siyang nawala.

"Uy si Grigory nakita niyo?" Tanong ko sa dalawa. Napataas silang dalawa ng kilay na may bahid ng pagtataka sa kanilang mukha.

"Si Grigory? Oy girl wala kang kasama dito! Mag isa ka lang kaya." Paliwanag sa akin ni Vinah.

Imposible. Kausap ko siya kanina.

"Ay wait! Kanina pala wala siya sa classroom. Bumalik lang siya sa last na subject naten." Kwento ni Vinah.

"Omg! Hoy Roze napunta nga dito si Grigory?" Di makapaniwalang tanong ni Kara.

"Oo nga. Kausap ko siya at nagkekwentuhan pa nga kami kanina bago ako makatulog." Paliwanag ko sa kanila dahil mukhang di sila naniniwala.

"Weh? Seryoso ka dyan? Di ka pa naman nahihilo ano?" Pag uusisa ni Vinah.

"Hindi nga. Kausap ko talaga siya at nagpunta siya dito mismo." Pagpapaliwanag ko. Napahawak nalang ako sa bewang.

"Hala! Kung totoo yan eh paano kayo naging close non?" Tanong sa akin ni Kara.

Napakamot nalang ako sa ulo " Ah eh ano kasi mahabang kwento." Sinabayan ko ng mahinhin at pekeng tawa.

"Ayaw pa kasi sabihin." wika ni Vinah.

"Oo nga." Dagdag ni Kara.

"eh basta ano... Uwi na tayo! Hapon na!" Pag iiba ko ng usapan. Mukhang effective naman dahil nawala ang kanilang atensyon sa akin. Napatingin sila sa orasan. Alas singko na ng hapon.

Tinulungan ako ng dalawa na makaalis sa clinic. Sila na din ang nagdala ng akong gamit at inalalayan pa ako ng mga ito.

Napakabait nila sa akin!

Pumasok na kami sa aming tinutuluyan at inihatid ako ng dalawa sa aking silid. Pilit pa din nila ako kinukulit kung ano ba ang meron sa aming dalawa ni Gregory pero pilit kong iniiwasan ang usapin na iyon hanggang sa sumuko nalang sila.

Nagpahinga ako ng mga ilang oras at kumain ng hapunan. Yung dalawa na ang nag asikaso sa ngayon dahil gusto nila na magpahinga ako.

Tulog na ang dalawa sa kanilang mga silid. Habang ako ay nakahiga at nakatanaw sa langit malapit sa bintana na puno ng mga bituin.

Papatayin ko na sana ang ilaw ng bigla may magdoorbell. Napabangon ako sa aking kinahihigahan.

Sino ba iyon?

Isinuot ko ang aking tsinelas at dahan dahang lumabas ng pintuan ng aking silid. Nakapatay na ang ilaw sa sala. Mukhang mahimbing na ang tulog ng dalawa.

Nag unat nalang ako ng kamay at napahikab.

Sumilip ako sa doorhole kung meron bang tao o wala. Pero wala akong nakita na tao na nakatayo man lang sa pintuan. Sino kaya yon?

Binuksan ko ang lock ng pinto pero wala talagang bumungad sa akin na tao kahit isa.

Isasara ko na sana ang pintuan ng may mapansin ako sa paanan ko.

May puting plastic. Ano kaya ito?

Agad ko itong dinampot at sinilip ang laman ng mga ito.

Mga gamot para sa sakit ng ulo. Sino naman ang tao na magbibigay nito sa ganitong oras? Para kanino ba ito?

May nakita akong maiit na note sa plastic at binasa ito.

Here. Take this medicine. Always take care of yourself. I'm always watching you. Beautiful as always Roze.

-L

Sino to? L? Nakapagtataka. At paano niya nalaman? Tyaka wala naman akong sakit ah? Nahilo lang naman ako.

Napakunot ang noo ko pero agad na napawi yon at napalitan ng tipid na ngiti.

Kung sino man ang tao na ito ay labis ko siyang pasasalamatan dahil nag abala pa siya sa ganitong oras. Nakaramdam ako ng tuwa kahit hindi ko siya kilala.

Isinara ko na ang pintuan at dumiretso na sa aking silid. Kinuha ko ang baso na naglalaman ng tubig at agad ko itong ininom kasama ng tableta ng ibinigay ni Misteryosong lalake.

Pangako, aalamin ko kung sino ka.

L.

Ethereal BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon