#8

9.2K 271 9
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas kaya medyo nakakasanayan ko na ang ambiance na mayroon dito. Noong una ay medyo nag aadjust pa ako dahil naninibago nga ako sa lahat ng bagay at lugar na mayroon dito. Kahit ang makipag usap sa tao ay hindi ko pa magawa dahil sa mailap ako.

Tatlong araw na rin ng huli kong makausap ang misteryosong lalaki na iyon. Pero familiar talaga siya eh. Kilala ko ba?

Ay ewan.

"Class dismiss"

Isa isang nagsitayuan ang lahat ng mga kaklase ko palabas ng room. Inilagay ko sa bag ang notebook at inayos ang iba pang mga gamit ko.

Tatayo na sana ako ng may kumausap sa akin.

"Roze may gagawin ka?" Tanong sa akin ni Zero.

Napahawak ako sa baba habang nag iisip."Hmmm wala naman. Bakit?"

Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Can you do me a favor?"

"Ano iyon?" Simpleng tanong ko.

"Can you help me?"

"Saan?"

"Si Nada sana ang kasama ko sa meeting kaso absent siya. Kung okay lang naman sayo ikaw sana ang isasama ko doon sa meeting." Eksplanasyon niya.

"Eh? Bakit ako? Hindi pa kasi ako nakakaattend sa meeting tyaka hindi ko naman alam kung ano gagawin." I shrugged.

"Don't worry. Ako ang bahala sayo. Sa lahat ng kaklase ko ikaw lang ang may kakayahan. Hmmm base on my observation. And i trust you." Napangiti naman ako sa reason niya.

"Sige. Kailan ba?"

"Right now."  Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Takot pa naman ako kapag mataong lugar.

"Ngayon na?" I'm shookt.

"Oo. Are you okay with it?" Napaisip naman ako. Hmm? I guess so?

"Sige."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at ganon din si Zero. Tinawag agad ako ni Vinah.

"Roze tara na?" Napatingin ako sa kaniya at matipid na ngimiti.

"Ah Vinah? Mauna kana sakin kasi aattend ako ng meeting eh. Sorry." Yumuko naman ako sa kaniya.

"Ah ganon ba. Sige okay lang. Sino nga palang kasama mo?" Pag uusisa nito.

"Ah eh si Zero." Tinuro ko naman si Zero kung saan ay nakatayo siya sa harap ng pinto at mukhang hinihintay ako nito.

Natahimik siya noong sinabi ko iyon.

"Sige kita nalang tayo sa Dorm." Kumaway naman ito sa akin habang palabas ng pintuan sa likod ng room namin.

Kinawayan ko din siya pabalik. Tinignan ko si Zero na nakasandal sa pader malapit sa tapat ng pinto at tinawag ko ito. Mukhang nakuha ko naman ang kaniyang atensyon kaya lumakad na kaming dalawa.

Si Zero ay silent type pero nakakausap ko ito. Kinakausap lang niya ang iba naming kaklase kapag may kailangan siya dito pero kinakausap niya ako lagi. Nakakatuwa dahil akala ko ay hindi niya rin ako kakausapin eh.

Para siyang Student Council President? Ewan ko pero ganong aura kasi ang nafefeel ko sa kaniya eh. Sikat din siya sa paaralan namin dahil nga sa gwapo ito, nag eexel din sa klase at sa ugali nito. Mabait siya pero sa paningin ng tao ay snob siya kaya naman mas lalo siyang hinahangaan ng karamihan.

Napatingin naman ako kay Grigory na may mga kasamang lalaki at dalawang babae. Kausap niya yung isang babae na may mahaba at may maalon ng buhok ng magtagpo ang mata namin.

Ngumiti ako sa kaniya at kinawayan. Nginitian din niya ako pabalik nagulat naman ako ng hinawakan ni Zero ang wrist ko. Napadako ulit ang tingin ko kay Grigory pero hindi na ito nakangiti. Nakakunot ang noo at magkasalubong ang kaniyang kilay habang nakatingin sa wrist ko na hawak ni Zero.

Huh? Bakit hindi na siya nakangiti?

Nauna na akong nag iwas ng tingin sa kaniya hanggang sa makarating kami sa Auditorium. Binitawan naman agad ni Zero ang wrist ko kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Hinatid niya ako sa upuan na malapit sa harapan ng stage. Isa nalang ang upuan kaya naman napatingin ako kay Zero.

"Isa nalang ang upuan." Sabi ko sa kaniya. Madami na kasing tao sa Auditorium. Kung mayroon mang space ay sa dulo lamang mayroon.

"Actually sa stage ako uupo dahil ako ang magdidiscuss." Nagtaka naman ako. Bakit siya?

"Eh? Bakit ikaw?" Napatawa siya ng mahina sa tanong ko.

"I'm the Student Council's President" Ah kaya pala.

"Ah ganon. Sige." Medyo nalungkot naman ako sa sinabi niya dahil wala akong kasama.

"Don't worry kasama mo si Demetiere." Sabi pa nito.

Nagsalubong ang aking kilay. "Sino yon?"

"Ayan. Yung makakatabi mo." Tumingin naman ako sa makakatabi ko.

"Oh paano maiwan na kita dito." Umakyat ng siya sa stage habang nananatili akong nakatayo.

Nagkibit balikat na lamang ako kaya naupo ako katabi si Demetiere. Napatingin naman ako dito at napatingin naman din ito sa akin. Nakakunot ang noo nito habang nakadama ako ng panlalamig sa pagtingin niya. Those cold stares are giving me chills.

Nanlaki naman ang mata ko. Bakit siya pa? Mukhang hindi kami magkakasundo nitong lalaking nasa Elevator eh. Should i say Demetiere?

He smirk at me. Mas lalo lamang akong naiilang sa pagtitig niya.

"Tsk." Yun lamang ang narinig ko mula sa kaniya at iniwas ang tingin. Doon pa lamang ako nakahinga ng maluwag.

Bakit ganon siya? So wierd.

Ethereal BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon