#9

8.7K 265 14
                                    

"Hoy Roze tara na!" hinatak ako ni Kara papunta ng Cafeteria dahil nagugutom na daw siya. Muntik pa ako matalisod dahil sa paghila niya sa akin at sa pagmamadali.

"Oo. Teka lang Kara at nakakapagod." Habol hininga kong sambit.

"Napakahinhin mo talaga. Hayst." Medyo bumagal naman na ang lakad niya at napabuntong hininga nalang ako.

Pagpasok namin sa Cafeteria ay agad kaming pumunta kung saan nakapwesto si Vinah malapit sa bintana. Ang mata ng lahat ay nakatuon ang atensyon sa amin. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin ang pinupukaw nila sa amin. Iba ibang resksyon ang nakabakas sa kanilang mga mukha.

Umupo ako sa pinakagilid sa tabi ng bintana. Ayoko na pinagtitinginan kami lalo na sa akin. Hindi ako sanay sa mga ganong tingin. Nakakailang.

Nagsimula na kaming kumain. Ang dalawa ay nagkekwentuhan habang ako ay nanatiling tahimik na kumakain. Sanay naman na sila sa ugali ko kaya okay lang din sa kanila na tahimik ako.

I felt chills on my spine. I looked around and I saw a pair of eyes that were looking at me. And I'm sure of it. He's looking at me.

Nakaramdam ako ng pagkailang. Ako ay pawisan at namamasa ang mga kamay dahil sa kaba na aking nararamdaman. Ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin ay kakaiba kumpara sa mga ibang tao. Parang kakaiba na hindi ko magawang maipaliwanag at maintindihan.

Napabalikwas ako sa pagkakaupo at agad naman napatingin sa akin ang dalawa.

"Ah ano... Punta lang ako ng rest room. Babalik din ako kaagad." Sabi ko sa kanilang dalawa. Nakatitig lamang sila sa akin.

"Gusto mo samahan kita?" pagpepresinta ni Vinah sa akin. Mukhang nag aalala pa din siya sa akin dahil sa bago lang ako sa paaralang ito.

"Oo nga. Ang mga girls laging magkakasama pumunta ng Rest room." Dagdag ni Kara.

Teka? Ganon ba yon? Alam ko hindi naman ganon yon ah. Hindi ba at hindi maganda iyon? Sabi ni mommy kapag pumunta ka ng Restroom kailangan ay ikaw lang mag isa dahil hindi daw maganda kapag may kasama.

Ewan ko ba kay mommy.

Umiling ako sa kanilang dalawa. "Nako hindi na. Okay lang ako. Saglit lang naman ako eh." Agad kong hinablot ang aking bag at nagpaalam sa kanila.

"Sige ha! Bilisan mo." Pahabol ni Vinah. Ngumiti lamang ako.

Ang totoo niyan gusto ko tumakas sa mga tao. Mga tao na hanggang ngayon ay sinusuri ako sa kanilang paningin. Ano ba ang mayroon sa akin? Normal lang naman din ako katulad nila pero bakit kung tignan nila ako ay parang naiiba ako sa kanila?

Nagtungo ako sa Restroom na malayo sa mga estudyante. Ayoko sa mga mataong lugar. Kailangan ko muna pakalmahin ang sarili ko. Oo. Tama nga. Dapat ay mapag isa muna ako kahit ngayon lang.

Pumasok ako at pumunta ako sa sink na may malaking salamin at tignan ang aking repleksyon sa salamin.

Eto ba ang dahilan kung bakit ganoon sila sa akin? Kung bakit iniiwas ako ng mga magulang ko na makihalubilo sa iba?

Dahil ang aking itsura ay namumukod tangi. Ilang beses na ako kinamuhian dahil din dito? Ilang beses na ba ako nahirapan dahil dito.

Ayoko. Ayoko ng ganitong mukha. Lagi nalang akong kapansin pansin kahit anong gawin ko.

Ang makinis at maputi kong balat ay kinaaayawan ko. Ang aking mukha. Ayoko. Sana katulad nalang din ako ng iba. Gusto ko din mamuhay ng normal.

Parehas lang naman kami ni kuya. Si kuya ay alam kong nahihirapan din. Kilala siya ng mga tao dahil sa taglay nitong kakisigan at biniyayaan ng maamong mukha.

Maraming beses na siyang ginugulo ng iba't ibang babae. Pinapadalhan ng napakadaming sulat at mga regalo. Araw araw ay may tumatawag sa telepono minuminuto. Marami ding stalker. Lahat ng iyon ay naging dahilan para humiwalay siya ng tirahan sa amin. Sinarili niya iyon. Pero bakit kaya niya? Lahat kaya niya?

Bakit ako hindi? Bakit? Kasi mahina ako. Kaya hindi maging normal ang buhay ko dahil sa mukha ko. Natatakot ang mga magulang ko na matulad kay kuya at ayaw nilang mangyari iyon.

Hinampas ko ang aking magkabilang pisngi. Tinignan sarili ko. Nagkaroon ako ng dalawang kaibigan na hindi iba ang turing sa akin at malaki ang pasasalamat ko sa kanila.

Lumabas ako ng restroom at nakita ang lalaki na nakasandal sa pader. Nakatingin ito sa akin. Bakit? Ano ba kasing kailangan ni Demetiere?

Kumabog ng malakas ang puso ko. Parang familiar siya sa akin. Tinignan ko siya sa mata. Tinitigan namin ang isa't isa. Ako ang naunang nag iwas ng mata.

Lalagpasan ko na sana siya ng harangan niya ako. Napatingala ako sa kaniya. Blanko at walang ekspresyon. Bigla naman siyang ngumisi na biglang ikinakaba ko.

"B-bakit? M-may kailangan k-ka?" Nauutal kong sambit. Napayuko na lamang ako.

"Hmm. I'm sorry but I have to do this."

Hinawakan niya ang aking kamay at hinatak palapit sa kaniya. Yumuko siya para magkapantay kaming dalawa. Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Isinandal niya ako sa pader. Sinusubukan kong kumawala sa kaniya ngunit hindi ko kaya dahil mahigpit ang hawak niya sa akin.

Tumatagaktak ang aking pawis sa nerbyos. Idinampi niya ang kaniyang palad sa aking pisngi at hinaplos ito hanggang mapunta sa labi. Nanlaki ang mga mata ko. Ano ba ang gagawin niya?

Unti unti niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa akin. Napapikit ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko!

Hahalikan niya ako!

Sa sobrang taranta ay itinulak ko siya at sinampal siya ng malakas. Maski ako ay nagulat sa pagsampal sa kaniya dahil hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob.

Umigting ang kaniyang mga panga at tinignan ako na parang hindi makapaniwala sa aking nagawa. Parang lalo pa siyang naging interesado dahil sa aking ginawa.

Napaatras ako sa kaniya at tumakbo ng mabilis palayo sa kaniya.

Huminto ako sa tapat ng isang hardin at doon ako umupo aa damuhan. Napahawak ako aa dibdib ko dahil hanggang ngayon ay ramdan ko pa din ang malakas na tibok ng aking puso.

Ang first kiss ko! Muntik ng mawala!

Ethereal BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon