Masigla ang paligid. Maliwanag at malawak ang lugar. Namamangha ako sa aking nakikita! Lahat ng mga tao ay may kaniya kaniyang pinagkakaabalahan.
Puro clothing store! I mean curious ako tignan kung anong meron sa loob non.
Alam kong damit! Pero gusto ko lang tignan kasi mukhang maganda. I am so amazed by everything! This place is a paradise for girls like me.
Marami ding mga tao ang nandito ngayon. Ang kanilang paraan ng pananamit dito ay ibang iba sa lugar namin.
Dahil sa pagkamangha, hindi ko namalayan na nakahinto pala sa paglalakad si Demetiere kaya tumama ang aking mukha sa kaniyang likod.
"Ouch." Pagdaing ko at napahawak sa aking noo.
Ang tigas kaya ng likod niya.
Lumingon siya sa akin. "Bilisan mo maglakad diyan." Pagsusungit nito at nakakunot ang kaniyang mga noo.
Bakit biglang sungit naman siya ngayon? Akala ko in good terms na kami? Hay ewan.
"Bakit nakakunot noo mo? May problema ba?" Pagtatanong ko dito.
Lumingon lang siya sa akin at nakarinig pa ako ng "tsk" mula sa kaniyang mga labi.
Patuloy ko lamang siyang sinusundan at walang umimik sa aming dalawa.
It feels awkward. Being alone with this man, I feel uncomfortable.
"Oo nga pala, saan tayo pupunta?" Pagtatanong ko dito na may halong pagkalito sa aking mga mata.
Hindi siya sumulyap sa akin at patuloy pa ring naglakad. Kinuha niya ang kaniyang phone mula sa kanang bulsa at hindi ako pinansin nito.
Napabuntong hininga nalang ako. Mood swing eh. Hindi ko mapredict kung anong iniisip niya.
Hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta kaya susundan ko nalang siya.
Bigla siyang huminto sa paglakad at humarap sa akin. Napahinto din ako at nakatitig lamang sa kaniya.
Umiikot ang kaniyang mga mata sa paligid, tila ba na may hinahanap ito.
At sinabi niyang " Tara may pupuntahan tayo." At pagkasabi niya ng salitang iyon ay agad niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko at patuloy na hinigit.
Napakabilis niyang maglakad. Parang takbo na nga ang ginagawa ko eh.
Huminto kami sa tapat ng isang accessories store. Tinignan ko siya na may ekspresyong pagkalito sa aking mga mukha.
Hindi siya makatingin sa akin at parang namumula ang mukha niya.
"Bakit tayo nandito?" Pagtatanong ko sa kaniya habang nakakunot ang aking mga noo.
"Don't get me wrong. Tulungan mo akong maghanap ng ireregalo sa kapatid ko." Pagdadahilan nito at iniwas ang kaniyang mga tingin sa akin.
Napahawak pa ito sa kaniyang mga mukha na para bang nahihiya.
"Ah okay. Kailan ba?"
"Bukas." Pagsagot nito ng napakatipid.
"Hmmm. Sige." pagkatapos ko sabihin iyon ay hinatak ko siya papasok ng store.
Tumingin tingin naman ako ng mga hairclip at iba bang accessories sa loob na iyon.
Ang masasabi ko lang ay masyado akong nagagalak ngayon! Madaming magaganda na ipit sa paligid. Ang iba ay kumikinang pa pag nasisinagan ng liwanag.
Palakas lakad lamang ako sa loob nang store habang nakasunod pa din siya sa aking likod. Napahinto ako at dinampot ang isang ipit na may tatlong puting mala diamond ang design.
BINABASA MO ANG
Ethereal Beauty
RandomShe's a girl with a pretty face. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kaniyang mga magulang. Homeschooled siya simula noong bata pa lamang siya dahil mabilis siyang magkasakit. Kahit sino ay mahuhumaling sa kagandahang taglay niya. Plain but extraord...