Nang makalabas kami ng library ni Grigory ay medyo maraming tao ang nasa labas pa. Napukaw namin ang kanilang mga atensyon at tila may binubulong sa isa't isa.
Tanging pagyuko lang ang ginawa ko dahil lumaki ako na wala ang atensyon ng mga tao sa akin kaya nakakapanibago ang lahat ng pangyayari para sa akin.
May mali ba sa akin?
Bakit kakaiba sila kung tumingin sa akin? Oo wala akong kamuwang muwang sa mundong ginagalawan ko ngayon pero may alam pa din naman ako kahit papaano.
Huminto sa paglakad si Grigory at dahil sa nakayuko ako at madaming iniisip ay nauntog ako sa likod niya.
Stop spacing out Roze!
"Wag mo silang pakinggan" Yan ang lumabas na salita sa kaniyang bibig.
"H-Hah?" Napakagat nalang ako ng labi dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko.
Hindi ako comfortable.
"Hayaan mo sila. Don't mind them." Hinawakan niya ang mga balikat ko na aking ikinagulat.
Kung kanina ay nasa likod niya ako habang naglalakad, ngayon ay magkapantay na kami habang hawak niya ang balikat ko. I don't know but i feel safe.
Nagpatuloy ang bulungan hanggang sa makatapak kami sa pintuan ng aming silid aralan.
Napabuntong hininga nalang ako. Andami nang nangyayari ngayong araw na ito.
Nauna akong pumasok sa pintuan at kasunod ko din siya. Mga mapanuring mata at bulung bulungan ang isinalubong nila sa amin.
Isa siguro ito sa dahilan kung bakit napakaprotective ng mga magulang ko sa akin. Pinalaki nga akong independent pero hindi ko kaya dahil nabubuhay na ako sa realidad ngayon.
Kung noon may mga poprotekta sa akin mula sa mga taong mapanghusga at mapagsamantala pero ngayon ay wala na kundi ako nalang.
Nagkibit balikat na lamang ako at yumuko.
Dumiretso ako sa upuan na malapit sa bintana. Hindi ko na nilingon ang kahit sino sa kanila. Siguro mas maganda kung mananahimik nalang ako para manatiling payapa ang buhay ko.
Much better.
"Gosh tignan mo nga naman kay bago lang dito pero kasama na niya si Grigory."
"Inakit niya siguro. Maganda eh."
"Naiinis na talaga ako sa babaeng iyan."
"Iba talaga kapag maganda. Lahat nagagawa."
Yan lamang ang mga bulong bulongan na naririnig ko sa mga kaklase kong babae.
Masama bang magkaroon ng ganitong itsura? May mali ba sa mukha ko?
Binuklat ko na lamang ang libro dahil ayaw kong magpaapekto sa lahat ng mga sinasabi nila. Napatigil ang mga nagbubulungan nang may narinig kaming napahampas sa lamesa.
"Kung bubulong kayo pwede bang pakihinaan! Akala ko naman kay gaganda niyo eh di hamak na kay kapal naman ng lipstick sa mga labi niyo." Lumingon ako sa nagsalita.
Si Vinah.
Tinarayan niya lahat ng mga kaklase namin at namula naman ang pisngi ko sa ginawa niya.
Hindi mo naman kailangan gawin yon Vinah pero salamat.
Nagsitahimik na lamang sila. Tinignan niya ako at nginitian. Nginitian ko din siya pabalik at umupo na siya sa kaniyang silya.
Ibinalik ko ang aking atensyon sa libro pero hindi pa rin ako makapag focus kaya tumingin na lamang ako sa bintana kung saan natatanaw ang malawak na field. More like soccer field.
BINABASA MO ANG
Ethereal Beauty
RandomShe's a girl with a pretty face. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kaniyang mga magulang. Homeschooled siya simula noong bata pa lamang siya dahil mabilis siyang magkasakit. Kahit sino ay mahuhumaling sa kagandahang taglay niya. Plain but extraord...