Dumiretso ako sa library pagkatapos namin kumain sa Cafeteria. Nagpaalam naman ako sa dalawa.
Naglalakad ako sa Hallway nang narealize ko na hindi ko nga pala alam ang daan. Hala, paano na ito?
Tumingin ako sa paligid kung may maari ba akong pagtanungan sa kanila. Kaso lahat sila ang may kaniya kaniyang kausap at nakakahiya mang istorbo dahil sabi ni mommy ang sumisingit sa usapan ng ibang tao is rude.
Noted po mommy.
Nakita ko naman yung lalaki at mukha naman itong nag iisa. Tinignan ko mabuti ang lalaki nang mapagtanto na kaklase ko pala ito.
Nilakasan ko ang loob ko at lumapit sa kaniya. Nakasandal siya sa pader ng hallway. Kinalabit ko ito at napansin naman niya ako.
"Uhm ano... Alam mo ba kung saan yung library?" Medyo natataranta kong tanong.
Isang ngisi ang sumilay sa kaniyang mga labi.
"Oo." He simply replied. Nag iwas ako ng tingin.
"P-pwede mo bang ituro sa akin ang daan?" Napakagat ako ng labi dahil sa nerbyos.
"Sure." He held my wrist. At tinangay na niya ako.
Buti nalang at walang tao patungo sa library. Baka kasi makarinig nanaman ako ng usapan. Napatingin naman ako sa kamay ko na hawak hawak ng kaklase ko.
"Uhm ano..." Nakatingin pa din ako sa kamay ko.
"Grigory." Pagsasalita niya.
"Huh?" Medyo nagtaka naman ako. Ako ba ang kausap niya?
"My name is Grigory." Ah pangalan pala niya.
"A-ako si Ro--" He cut me off.
"Roze. Hmm. Your name suits you." Napangiti naman siya. Isang nakakalokong ngiti.
"Thank you." I responded.
"Uhm Grigory?" Napatingin siya sa akin.
"What?"
"Y-yung kamay ko." He said 'ahh'.
"Oh i forgot." Binitawan naman niya. Buti nalang.
He looked at me and i blushed. I'm blushing because I'm not comfortable in the way he stares at me.
"You're blushing." He smirked.
"Uh kase nakakahiya." Tinakpan ko ang sarili kong mukha.
"Don't be."
Pumasok kami sa library at nag log in. Walang masyadong tao dito. Tinignan ko naman si Grigory. Wala ba siyang balak umalis?
"Thank you Grigory."
"You're welcome."
"I owe you this time. You can always ask me when you need help too."
"Then we should have a date?" Ano daw?
"Huh?" I looked at him with confusion.
"Nevermind. Samahan nalang kita dito."
"Really? Hindi ka mabobored?" Nanlalaki ang mata ko sa kaniyang sinabi.
"Kung ikaw naman then i will not." Akala ko katulad siya ng mga tao sa bahay namin. Kahit kailan wala pa akong nakakasama na kaibigan kapag magbabasa ako. Sabi ni yaya ang boring daw. Kaya sinasarili ko nalang minsan yung mga ginagawa ko.
Sinundan niya ako habang naghahanap ng libro. Nagtataasang mga bookshelves ang mayroon dito sa library. Punong puno ng mga makaluma at mga makabagong libro ang nandito.
Nagpunta ako sa science section. Hinahanap ko kasi ang pinag aralan namin kanina sa science. Law of motion. Alam ko naman ang topic at nakakasabay ako pero hindi pa iyon sapat para mapanatag ako. Kailangan ko lang magreview.
Kinuha ko ang ladder at ipinwesto sa malapit sa librong kukuhanin ko. Medyo mataas kasi ang kinalalagyan nito. Hahakbang na sana ako sa ladder ng nagsalita si Grigory.
"Ako na." Ngunit pinigilan ko siya.
"Okay lang. Ako na lang." Medyo nakakahiya na kasi sa kaniya at sinamahan lang naman niya ako dito.
Inalalayan niya ang ladder habang umaakyat ako. Kinuha ko ang libro sa bookshelf at natuwa naman ako.
Pababa na ako ng ladder ng nagkamali ako ng tapak sa ladder kaya na out of balance ako.
Tumilapon ang libro sa ere at napapikit ako. Lagot ako kila mommy at daddy! I'm so careless.
Akala ko ay makakaramdam ako ng sakit kaso may sumalo sa akin. Iminulat ko ang aking mata at napatitig ako kay Grigory.
Naka tingin lamang kami sa isat isa. Tila ba nag slow motion ang pangyayari. Ako na ang nag iwas ng tingin dahil nahihiya ako! Mabilis ang tibok ng puso ko at mabagal na paghinga lamang ang tanging naririnig ko.
Ibinaba naman niya ako mula sa pagkakasalo. Inayos ko ang aking uniporme at pinulot ang libro. Nagkukulay kamatis nanaman ang mukha ko dahil sa kahihiyan.
"Pasensya na. Pasensya na sa nangyari" Tinignan niya ako at tinignan ko naman siya. Yumuko ako sa kahihiyan.
"Your face is red. " He chuckled.
"S-sorry" Pakiusap ko naman sa kaniya.
"Don't be. Next time you should be careful."
"P-pero---"
"Okay lang. Ayos ka naman ba?" Sinusuri naman niya ang reaksyon ko at tumango nalang ako.
"Good."
Hindi ko na lamang siya nilingon at nagpunta na sa isang lamesa na malayo sa mga tao. Halos walang tao mga dito eh. Inilapag ko ang bag ko at ang librong hawak ko .
Nagsimula na akong magbasa at naramdaman ko nga umupo si Grigory katapat ko.
Nakatitig siya sa akin at ramdam ko iyon. Okay lang naman. Hindi ako bothered sa mga tingin niya. Nagfocus nalang ako sa binabasa ko.
Nang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ay bigla siyang nagsalita.
"What's your real motive?" Napatigil ako sa pagbabasa dahil bigla siyang nagsalita.
"Huh?" I don't have any idea kung ano ba ang sinasabi niya.
"You want to flirt? Get my number? Or to get my attention?" Napaisip ako sa sinabi niya.
Tinignan ko siya at nakipagtitigan sa kaniya. For the first time lang ito nangyari. Ang makipag eye to eye ako sa isang tao ng sobrang tagal.
"Hindi. Bakit?" Sinabi ko iyon ng may pagkaseryoso at malumanay na tono ng boses ko.
"F*ck. Now I know." He murmured.
"Ano?"
"Wala. Sige kalimutan mo nalang ang sinabi ko." At sumandal siya sa upuan. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa libro. Ang wierd niya.
Lumipas ang mga oras ay nakadukdok na si Grigory sa lamesa. Tapos naman na akong magbasa kaya ibinaba ko na ang libro at isinauli na ito sa bookshelf.
Bumalik ako sa aming pwesto at umupo. Mukhang naka iglip. Napabuntong hininga nalang ako.
Dumukdok din ako sa lamesa habang nakatingin sa kaniya. Tinapik ko naman ito kaya inagat niya ang kaniyang mukha. Nagulat siya dahil magkalapit ang aming mukha sa isat isa.
Bakit siya nagulat?
Nakipagtitigan muna ako sa kaniya at tyaka nagsalita. "gising na at malapit na mag time."
Napadiretso siya ng upo at napaiwas ng tingin.
"a-ahh g-ganon ba sige balik na tayo sa r-room." He's stuttering. Medyo natawa naman ako sa kaniya.
"Ayos ka lang ba?" Napatawa naman ako ng mahina sa inakto niya. Ang wierd talaga niya.
"Yes. Let's go back to our classroom." Nauna siyang tumayo at sumunod naman ako.
Lumabas na kami parehas ng library.
BINABASA MO ANG
Ethereal Beauty
RandomShe's a girl with a pretty face. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kaniyang mga magulang. Homeschooled siya simula noong bata pa lamang siya dahil mabilis siyang magkasakit. Kahit sino ay mahuhumaling sa kagandahang taglay niya. Plain but extraord...