"Turn your page to number 186."
Mga tunog ng mga pahina ng libro ang tanging maririnig sa paligid. Ang oras ay patuloy na umiikot. Malapit na ding matapos ang aming klase.
Pero hindi talaga ako mapakali. May kung anong bumabagabag sa aking isipan. Pero hindi ko alam kung ano iyon.
Wierd.
Sa mga lumipas na oras, lumilipad ang aking isipan sa hindi malamang dahilan. Nakatulala na tila parang nakikinig ngunit hindi naman talaga.
Napailing na lamang ako at pinilit kong ituon ang pansin sa klase.
Nagsusulat ako ng mga aralin sa aking kwadrado ng mahagip si Demetiere sa aking peripheral vision.
Nakingisi pa ito. Naiinis ako sa presensya niya. At bakit dito siya nakatingin sa gawi ko? Sino ba ang tinitignan niya?
Parang ako eh? Nang aasar nanaman siguro. Presence pa lang niya naaasar na ako.
Effortless.
"Tsk" napairap nalang ako. Hindi niya alam ilang beses ko na siya minamurder sa isip ko.
Sa isip ko? Teka nga.
Dapat hindi ko siya isipin. Lalo lang akong naiinis. Mabait naman ako.
Hindi nga lang sa kaniya.
"That's all for today. Class dismiss." Pagsambit ng aming guro. Kinuha ang kaniyang mga gamit sa pagtuturo at lumabas ng aming klase.
Mga hiyaw ng estudyante ang siyang maririnig. Tila mga nanalo sa isang paligsahan.
"Dre wala tayong klase"
"Tara na alis na tayo dito let's go to mall."
"Sa wakas makakatulog na din."
Seriously? Yung isa kong kaklase na nagsabi na makakatulog na siya ay tulog lang sa buong klase.
Kulang pa yun?
Pambihira? Kulang pa nga ata?
Gosh.
Kinalabit ako ni Vinah na may ngisi sa kaniyang labi.
Napakunot ang aking noo. May kung anong kakaiba sa ekspresyon na pinapakita niya.
"Roze you wanna have some fun?" Nakakasilaw ang kaniyang mga ngiti. Strange. Hmm?
"Ehh? I'm having fun naman Vinah eh?" Pagsusuhestyon ko.
Tinaasan ako nito ng kilay at inirapan. "Saan? Sa libro? Library? Oh come on where's fun in that?"
"Masaya naman ah?" I insist.
"No way. 4 pm aalis tayo. 2 pa lang naman kaya sharp 4 aalis tayo okay!? Clear!?" Di na ako makatanggi. I'm in trap.
"Fine. Tch."
Author's Note:
Sorry po huhu. Nawala yung 3 chapters na ginawa ko. Eto lang muna sa ngayon. Hayaan niyo babawi ako sa susunod na kabanata.
Uwu. I love you all. <3
BINABASA MO ANG
Ethereal Beauty
RandomShe's a girl with a pretty face. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kaniyang mga magulang. Homeschooled siya simula noong bata pa lamang siya dahil mabilis siyang magkasakit. Kahit sino ay mahuhumaling sa kagandahang taglay niya. Plain but extraord...