#12

8K 277 26
                                    

Maulan at malamig ang umaga. Ang lahat ng estudyante ay nasa kaniya kaniyang silid. Naghihintay ng lamang ng kanikanilang mga guro.

Nakatulala lang ako sa kawalan. Kapag umuulan ay tahimik lamang ako. Dinadama ko ang lamig ng hangin at ang tunog ng ulan.

Nawala ako sa pagmumuni muni ng may tumapik sa aking balikat.

"Woy Roze may teacher na sa harap." sita ng isa kong kaklase na si Anica. Napatango na lamang ako sa kaniyang sinabi at itinuon ang mga mata sa harapan.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong sa akin ni Zero.

Napataas na lamang ako ng kilay at sumagot. " Wala ako sa mood" iyan ang tanging sambit ko sa kaniya.

Napatango siya at ngumiti ng tipid. "ah"

Dumating ang aming guro na si binibining Wilah at agad na tumingin sa aking gawi. Bumati muna siya ng maganda umaga sa lahat at ganon din kami. Pagkatapos non ay pinaupo na kami.

Nagsalita si ma'am Wilah at hindi na nagpaligoy ligoy pa.

"Roze, go to teacher's office together with Demetiere" at itinuro nito si Demetiere na walang kaemo emosyon.

Agad na nagbulungan ang buong klase. Siguro ay nagtataka silabkung bakit pinapapunta kami doon kasama si Demetiere. Maski ako nagtataka eh.

Tumayo agad ako ng upuan at tinanguan si ma'am Wilah. Kinuha ko ang aking bag at agad na lumabas ng aming silid. Hindi ko na hinintay si Demetiere dahil hindi naman kami nag kakausap.

Agad akong lumakad sa hallway ng may narealize ako. Napasapo na lamang ako sa aking noo. Nakalimutan ko na hindi ko nga pala kabisado ito. At hindi ko na alam kung saan ang teacher's office.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Paano ako magtatanong eh walang katao tao dito dahil lahat ng estudyante ay nasa kaniya kaniyang klase? Bahala na.

Inilibot ko ang aking mata sa buong lugar kaso lalo pa akong nanlumo ngapagtanto ko na sobrang laki nito. At talagang maliligaw ako. Pano na iyan?

Nagulat na lamang ako at napahawak sa dibdib ng may nagsalita sa aking likod.

"Umalis pero hindi alam ang daan?" Pagsambit ni Demetiere na walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha.

I stiffened. Para akong di makagalaw sa kinatatayuan ko. "ah ano kasi ano eh" utal utal kong sambit.

"Ano? Let's go." he grabbed my hand. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa office.

Nakarating kami at binitawan niya ang aking kamay. Ang higpit ng hawak niya sakin kanina. Bakit niya ba ginawa yon eh di naman kami nagpapansinan nito? May galit talaga sakin ito. Hmm.

Napatingin ako sa kaniya at tinitigan ng masama. Tinignan niya din ako. Pero inirapan ko siya at ako na ang nag iwas ng tingin. Para akong nalulunod sa kulay bughaw niyang mata. Parang may naaalala ako. Ay ewan.

Umupo kami parehas sa dalawang upuan na magkatapat. Walang kumikibo ni isa sa amin. Walang umiimik at palinga linga lang kami sa paligid.

Kanina pa kami dito pero bakit diko naalala kung ano nga pala ang gagawin namin dito? Ano nga ba?

"Woy uhm ano kasi... Ano bang ginagawa natin dito?" paglalakas loob kong tanong sa kaniya.

"I have a name." Pagsasalita nito.

"Ha?" Napaawang nalang ang bibig ko.

"Don't call me Woy. I have a name." Sabi nito. Ah gusto lang pala niya tawagin siya sa pangalan.

"O-okay? Uhm ano Demetiere?"

"Yes?"

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" Pagkukulit ko dito.

"I dunno" Medyo nainis ako sa sagot niya kaya i roll my eyes on him. Nakakainis siya kausap. Di naman ako ganto. Bakit naiinis ako sa kaniya.

"Ah okay" matapid kong sabi na may halong pait.

Naputol ang sandaling katahimikan ng pumasok ni Binibining Wilah mula sa pinto. Aga siyang naupo sa kaniyang upuan at umayos na kami ng tindig.

Napadako ang tingin ko kay ma'am Wilah. Tinignan niya ako at ganon din si Demetiere. Inilapag niya ang dalawang papel sa aming harapan na may kasamang ballpen.

"Basahin niyo iyan" pagkakasabi ni binibining Wilah na may maliit na tinig.

Tumango lamang ako sa kaniyang sinabi. Agad kong kinuha ang papel at binasa ito? Ano ba ito?

Habang binabasa ko ito ay bakas ang pagkagulat sa aking mukha. Bakit? Ano ito?

"Ma'am bakit po ako?" Tinuro ko pa ang aking sarili at nanlalaki ang mga mata.

Napatawa siya ng mahina. " Dahil ikaw at si Demetiere ang may potensyal na manalo para diyan."  Napatingin sa akin si Demetiere at tumaas ang kanang bahagi ng kaniyang kilay.

"Ako po? " Pagtuturo ko pa ng daliri sa aking sarili.

"You heard her. " Sabi naman ni Demetiere at inirapan ko siya. Kainis.

"Kayong dalawa ang magiging representative upang lumaban sa gaganapin na Mr. and Ms. Intrams. " Pagngiti pa nito sa amin.

Napatiklop na lamang ang aking palad sa inis! Ayoko! Ayoko makasama ang lalaking ito.

At paano ako makakatakas dito dahil hindi ko kayang humarap sa mga tao.

Oh no I'm trapped.

Ethereal BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon